Chapter 31

1.2K 50 0
                                    

"Ayun ah! Yung boses ko di niyo ba narinig? Tapos yung naka sapatos na na may heels! Ako yun eh! "

Natawa ulit ang dalawa . .

"Naks Eya! Pwede ka ng madiscover!"  natatawang sabi ni Agnes..

"Ah... Kumusta nga pala yung pakikipag usap niyo kay Drake?"  tanong ni Chichay sa dalawa..

"Hay naku! Nag walk out siya kung kelan andun na kami ni Agnes! Sira ulo!"  sabi ni Eya .

"Topakin daw talaga yun sabi ni Bench! Hay naku! Akala ko pa naman makaka apply na kami ng Scholarship!"  sabi ni Agnes.

Natahimik lang si Chichay.. Naalala niya yung sinabi ni Drake na kakausapin lang daw niya sina Eya at Agnes kung sasama siya. .

"Gusto niyo ba, kausapin natin siya bukas? Try naten.. Baka maganda na yung mood niya.  " sabi ni Chichay..

"Sasama ka na?! " natuwang tanong ni Agnes..

"Hmm.. Oo.. Sayang din naman kase yung Scholarship.. " sabi na lang niya..

Sobrang mahal ni Chichay ang mga pinsan niya at ayaw niyang nasasaktan sila.. Ano ba naman yung samahan niya ang dalawa para lang kausapin ni Drake diba? Isa lang yung simpleng bagay na pwede niyang maitulong kina Eya at Agnes..

"I tetext ko lang si Bench kung kelan natin pwedeng i- meet si Drake"  sabi ni Agnes

****

Umaga sa Cafe de Lara . .

"Dito muna kayo.. Ihahatid ko lang to' sa kusina!"  pag papa-alam ni Agnes kina Eya at Chichay bitbit niya ang paper bags na may mga ube halaya..

Naiwan naman sina Eya at Chichay na nakaupo sa isang table..

"Ang bongga ni Bench no?!"  sabi ni Eya   "Biruin mo, ate niya ang may ari ng sosyal na Resto na'to?!" 

Tumango lang si Chichay..

"Unfair ng buhay no? Merong iba na nasa kanila na ang lahat ng kailangan nila sa mundo.. " sabi ni Chichay   "Meron namang mga tulad naten na halos konti nalang ang natitira saten.. "

"Tama ka dyan Chichay! Pero wag kang mag alala! Naniniwala akong may nag aantay na magandang buhay para saten.. Magaganda kaya tayo!!" tawa ni Eya at natawa na rin si Chichay..

Napansin na nilang dalawa ang pag dating ng tatlong nag ga-gwapuhang lalaki na sina Bench, Yuan at Drake.. Magaganda silang manamit at branded lahat ng suot nila, mula sa damit hanggang sa sapatos nilang suot..

"Naku! ! Bat kasama yang Yuan na yan!? " asar na bulong ni Eya 

"Eya wag kang maingay!"  saway ni Chichay...

Lumapit na sa table nila ang tatlong lalaki at umupo na agad si Yuan sa tabi ni Eya.

"Talagang tumabi ka pa saken?! Pwede namang dun ka oh!" sabay nguso ni Eya sa katapat na upuan..

"Beside Chichay?!"  ngisi ni Yuan  "Drake would kill me!!"  tawa nito at sumulyap sa seryosong mukha ni Drake..

Umupo na si Drake sa tabi ni Chichay...

"Ahhh...teka lang... " ninenerbyos na sabi ni Chichay.. Iba kase yung na fi-feel niya nung tumabi sa kanya si Drake.. Parang merong mga paru paro na naglalaro sa tiyan niya!  "Punta lang ako sa Restroom!"  pagpapa alam niya at tuluyan na siyang tumayo ng hindi man lang tumitingin kay Drake...

Si Bench naman ay tinuon ang pansin kay Eya..

"Wala si Agnes?"  tanong niya..

"Nasa Kusina! Dinala niya yung Ube Halaya eh!"  sabi ni Eya at tumango lang si Bench at agad na tinungo ang kusina..

Tumayo naman si Drake para mag yosi sa labas...

"Yosi lang ako Yuan!"  pagpapa alam nito at tango lang ang isinagot ni Yuan..

"So.... Tayo na lang ang naiwan dito.. "  Sabi ni Yuan kay Eya..

"Eh ano naman?! Oy sabihin mo nga saken Yuan! Type ba ng mga pinsan mo yung mga pinsan ko!?! "

"I don't know!" 

"I don't know!!? Eh kayo na lang lagi ang magkakasama ah! Imposible namang hindi mo alam!?  Kung pinag titripan niyo lang sila! Tigilan niyo na ah! Kundi malalagot kayo saken!!"  seryosong sabi ni Eya.

"Bakit ka ba galit sa mga lalaki?!" 

"Kase mga manloloko kayo!" 

"Walang manloloko kung walang magpapaloko!  " ngiti ni Yuan.

"Walang manloloko kung walang mga Gagong tulad mo!!"

"Nainlove ka na ba?"  tanong ni Yuan in a very seductive way..

Natigilan naman bigla si Eya..

"OO!"  sagot ni Eya   "Once in my life nainlove ako! Pero dahil maraming gago ang nag eexist sa mundo! Nasaktan lang ako! "

"Kaya pala napaka bitter mo"  ngiti ni Yuan..  "Minsan try mo ding mag tiwala ulit.. At mainlove ulit!" 

"Love Love Love??!  Yan ang mahirap idefine sa panahon ngayon! "

****

Sa kusina ay nag uusap sina Chef Javie at Agnes nung maabutan sila ni Bench..

"Tikman mo!"  sabi ni Chef Javie sabay abot ng kutsara kay Agnes..

Kunot noo naman si Bench sa nakikita niyang hindi magandang tanawin...

"Agnes... "  Tawag na lang niya.

"Bench?! Nandyan na pala kayo! " ngiti ni Agnes   "Sige Chef Javie! Dun na ko ah!"  ngiti pa ni Agnes kay Chef   "Well anyway, , Perfect!" sabay thumbs up niya sa pinatikim na dish ni Chef Javie..

Lumabas na sa kusina si Agnes at nahuli pa si Bench na iniwanan ng masamang tingin ang batang Chef...

****

Umupo na si Chichay na nagtanggal lang ng konting kaba sa CR.. Umupo na din sina Bench at Agnes..

Natanaw na rin nila si Drake na papasok na sa loob ng Resto..

Kay Bench tumabi si Drake dahil naramdaman niyang hindi naging kumportable si Chichay nung tinabihan niya..
They were on the round table at nagigitnaan si Chichay nina Agnes at Eya..  Si Drake naman ang nagigitnaan nina Bench at Yuan.. so magkatapat sila..

"Okay!"  sabi ni Bench na nag simula ng i-open ang conversation . . "Ano bang kailangan nilang gawin Drake para maka pag apply ng Scholarship?" 

"Madami.. "  Sagot ni Drake..   "Kailangan nilang maipasa yung Exam na ibibigay ng DMA.. At kailangang may atleast 1 org silang sasalihan.. Marami pang iba.... "

"Ah.. Ok sige.. " sabi ni Agnes  "Kelan ba kami pwedeng mag take ng Exam?" 

Natahimik lang si Drake..

"Kelan daw Drake?"  ulit ni Bench..

"Pumunta na lang kayo sa DMA." sagot ni Drake   "Sabihin niyo na lang na Scholars ko kayo.. Iabot niyo tong Card... "

Nilagay niya sa table ang tatlong Blue Card na may tatak na MonteGrande Scholarship..

"I present niyo na lang yan.. "

Ngumiti si Bench...

"Ayan na, may blue card kayo.. Malaking tulong yan" ngiti ni Bench..

"Naku salamat Ah!!" tuwang tuwang sabi ni Agnes.. "Gagalingan namin sa Exam!"

Ngumiti din sina Chichay at Eya..

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon