Chapter 62

1.2K 43 1
                                    

Nasa Cafeteria ang mag pipinsang Montejar.. Tahimik sina Bench at Drake..at patingin tingin si Yuan sa dalawa..

"Kaya ayokong mainlove eh!"  natatawang sabi ni Yuan  "Para kayong mga tanga!!"

Hindi siya pinansin ng dalawa at actually, hindi nga ata siya narinig nina Bench at Drake. . Ngingiti ngiti lang si Yuan..

"Come on bro !!"  sabi niya sa dalawa   "Ang mga tulad nating gwapo ay hindi dapat na momroblema sa babae! Hayaan niyong sila ang maghabol! Wag kayong trying hard at hopeless romantic ! kase seriously, nakaka diri ! ! " tawa niya..  

"Yuan, alam kong hindi ka makaka relate samen ni Drake! Usapang may puso to eh! At wala ka non!"  sabi ni Bench..

"May puso siya Bench.. " sagot ni Drake   "Ang dami nga eh!!"  seryosong sabi niya pero napatawa sina Yuan at Bench..

"Yeah!"  sagot ni Yuan   "At iba iba sila ng color!" 

Iiling iling lang sina Bench..

"Nasabi ko na kay Agnes ang gusto kong sabihin.. Siyempre kailangan ko na siyang ligawan kaso ang nakakainis lang ay kung pano ko gagawin? Eh kase sa totoo lang, na ba-blanko ako eh. . Hindi ako makapag isip ng matino kung pano na. . Baka may idea kayo..?"  at tumingin siya sa dalawa..

"Wala akong idea dyan.. " sagot ni Drake  "Ayan si Yuan oh! Yan ang maraming alam sa mga galawang Hokage!"  tawa ni Drake..

"What's Hokage??!  "  nagtatakang tanong ni Yuan kay Drake..

"Yang mga gaya mo! Galawang Hokage Madiskarte, mabilis at may malupit na Ninja moves!! " tawa ni Drake..

Nagkibit balikat lang si Yuan..

"Just say it straight!"  sabi ni Yuan kay Bench   "When you like a girl! Tell her! Wag ng maraming paligoy ligoy pa!"  sabi ni Yuan..

"Eh sinabi ko na nga eh!"  sabi ni Bench..

"Anong sagot niya?"  naka abang na tanong ni Yuan..

"Wala!! Hindi siya sumagot, diba sumakay na siya sa kotse mo?! Kung bat naman kase napaka slow mong tao! Alam mo ng may moment kami don, hindi ka pa umalis!"  naalalang sabi ni Bench..

"Kasalanan ko pa talaga ngayon?" natatawang sagot ni Yuan   "Tinakbuhan ka niya after mong magtapat! haha :)) Medyo naawa ko sayo ng konte ah!"  tawa ni Yuan

"Sira ulo!"  asik ni Bench  "Oh , anong ibig sabihin non?!"  tanong niya  "Ayaw niya saken????"

"Well... maybe! im not really sure . . Never ko pa kase naka encounter ng ganyan eh. . Usually kase, pag sinabihan ko ang isang girl , kahit I pa lang ang sabihin ko. . Sumasagot na ng I Love you too eh ! ! haha "

"Gwapo niya oh!! "  asar na sabi ni Bench..  

Napaisip naman si Drake dahil parang ganun din yung sa kanila ni Chichay.. parang iniiwasan din siya at lagi na lang nag wa-walk out pag ganun na!!

Napahinga siya ng malalim...

At habang tahimik pa rin sina Bench at Drake ay tatawa tawa lang si Yuan..

"Ayoko ng nagkakaganyan kayong dalawa. Hindi bagay.. " sabi ni Yuan  " Well, i have a good idea.. " ngiti ni Yuan..

****

Nag deliver na si Agnes ng ube halaya sa Cafe de Lara.. Nagbabakasakaling makikita niya si Bench.. Pero wala don kahit anino ng lalaki. Malungkot na siyang lumabas sa de Lara.

Sa labas ay nakita niyang bumaba si Yuan sa kotse..

"Hi Agnes !!"  kaway nito..

"Oh Yuan!"  ngiti naman niya sa lalaki..

"Pwede mo ba kong samahan?" seryosong tanong nito

"Samahan saan?!"  na wiwirduhan lang si Agnes dahil parang hindi naman sila ganung ka close ni Yuan para magpasama ito sa kanya.

"Please?!"  tanong ni Yuan

"Saan nga?"  tanong ulit ni Agnes

"Kina Gail!"  diretsong sabi nito

Gail?!? Diba siya yung tumawag kay Bench?! Sino ba siya?!

"Ano namang gagawin natin kay Gail? Tsaka bat sakin ka pa magpapasama? "

"Actually, request yun ni Ate Lara , gusto niyang patikimin mo sina Gail at Manang Brenda ng specialty mong Ube Halaya.." sagot ni Yuan..

Sino ba talaga yung Gail na yun?! Bakit pati si Mam Lara nasasangkot pa dito? Tapos ako pa talaga ang gagawa ng Ube Halaya para sakanya?!

"Ano Agnes? Okay lang ba sa'yo? Extra income din to!"  ngiti ni Yuan..

"Taga saan ba sila?"  tanong na lang ni Agnes dahil hindi niya kase talaga maintindihan kung bat pag si Mam Lara na niya ang nagsabe ay hindi niya kayang tumanggi !

"Cavite lang.  . Tara?" at inalalayan naman siya ni Yuan papunta sa kotse.. Labag man sa loob niya ay sasama pa rin siya. Para sa amo niya!

****

Hininto na ni Yuan ang kotse at agad na sumilip si Agnes sa labas ng bintana. Tumigil sila sa tapat ng isang simpleng bahay..

"Were here!"  sabi ni Yuan na agad ng bumaba at sumunod na rin si Agnes..

Hindi niya alam kung ano bang malalaman niya. Kinakabahan siyang malaman na si Gail pala ay girlfriend ni Bench.. Pero sinabi ni Bench na mahal siya nito. Ang tanong ay dapat nga ba siyang maniwala? !

Kumatok si Yuan at si Bench ang nagbukas ng pintuan..

Nagkagulatan pa sina Agnes at Bench at nagtitigan na lang sila. Hindi nga malaman ni Agnes kung pano ba siya iiwas pa ng tingin kay Bench..

"Gagawa raw ako ng Ube Halaya dito"  sabi niya na lang para medyo mapagtakpan niya ang kaba..

"Ah.. Oo.. " sagot ni Bench  "Halika, pasok ka.. Ipapakilala ko sa'yo si Nanay Brenda at si Gail."  sabi ni Bench at lalong nakaramdam ng tensyon si Agnes..

Nanay Brenda?????
Gail??????
So ano ba talaga ang meron sila nung Gail????

Huminga siya ng malalim at agad na ring pumasok..

"Bench and Agnes, i have to go.. May bibilhin pa pala ko eh" sabi ni Yuan ng nakangiti kay Bench.    "Bye!" 

Tango at ngiti na lang ang sinagot nina Bench at Agnes kay Yuan..

Kinakabahan pa rin si Agnes nung umupo na siya sa upuang kahoy..

Lumabas mula sa kusina ang may edad ng babae na naka bistida..

"Good Afternoon po!" magalang na bati ni Agnes

"Good Afternoon din Iha.. " naka ngiti ito at tumingin din kay Bench   "Siya ba si Agnes?"

"Opo Nay Brenda!"  ngiti ni Bench at palinga linga sa paligid si Agnes dahil hinahanap niya si Gail..

Lumabas din galing sa kusina ang isang batang babae, mga 12 years old na siguro at bitbit nito ang Tray na may juice at tinapay..

"Salamat Gail!"  ngiti ni Bench at napanganga si Agnes...

Bata pala yung Gail!!!

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon