Chapter 45

1.2K 45 0
                                    

Nakaka ilang beer na din si Yuan at medyo nag ba-blush na ang pisngi nito..

"Ayan na! Rosy chicks ka na! Tara na uwi na tayo, wala na kong pambayad!"  sabi ni Eya.

"Don't worry Eya, siyempre ako talaga ang magbabayad ng mga ininom ko. . I wont let you to pay for it.. Anong klaseng lalaki naman ako non pag nagkataon diba? Im not that super bad!"   medyo tipsy na si Yuan..

"Hay salamat! Akala ko talaga ako magbabayad eh! Oh siya inom ka pa! " utos niya pa.. 

"Are you sure ayaw mo uminom?"  tanong ni Yuan..

"Ayoko nga.. Ang kulit mo!" 

"But for sure you wanna eat!"  ngiti ni Yuan at tumawag ng Waitress, Umorder si Yuan ng kanin at chicken inasal..

"Naku salamat ah!! Gutom na talaga ko!!"  at kumain na si Eya . . Si Yuan naman ay patuloy pa ring umiinom..  "Uy! Tigilan mo na nga yan! Kung makainom ka naman ay parang wala ng bukas ! Brokenhearted ka ba kaya ka naglalasing?!?" 

"Ofcourse not! Di ko pa naranasang ma broken hearted! "

"E pano ka nga naman ma bo-broken hearted e hindi ka nga naman pala marunong magmahal.."

"Its not because hindi ako marunong magmahal.. Talaga lang hindi pa dumarating yung taong nakatakda para mahalin ko. Believe it or not.. Gusto ko na siyang ma meet.. Gusto ko ng ma meet yung babaeng magpapabago sa ikot ng mundo ko.. Yung babaeng magiging dahilan ng bawat pag tawa at pag iyak ko.. Yung babaeng mamahalin ko more than anything else.. Yung babaeng bubura sa pagiging Gago ko.. Im looking forward to meet her. . Sana... Sana dumating na siya... "

"Lasing ka na nga.. Ang drama mo na eh!" natatawang sabi ni Eya... "Tama na yan Yuan, masama yang nasosobrahan sa alak.. Sige ka, baka bago pa dumating yung The One mo e natigok ka na! !"

Ngumiti lang si Yuan..

"Sige tara na nga.. Ihahatid na kita sa inyo.. " sabi ni Yuan at tumayo na..

"Ako na lang ang mag da-drive !"  sabi ni Eya at lumabas na sila sa Gigster..

****

Dumighay ng malakas si Drake pagkatapos nilang kumain sa turo-turo .

"Excuse me!"  sabi niya at natawa naman si Chichay..

"Masarap diba?! Dun kami madalas kumain pag hindi na kami nakakapag luto.. "

"Okay naman.. Masarap naman.. Kaya lang masikip at mainit.. "

"Atleast magkasama tayo.. "

Nagulat si Chichay sa nasabi niya..

"Ah.. Atleast may kasama tayong kumain diba? Ang pangit naman kase pag nag iisa.. " palusot niya..

Pag dating nila sa bahay ay wala pa rin ang mga pinsan niya..

"Sige na Chichay, magpahinga ka na.. " ngiti ni Drake 

"Salamat ah.. Ahh...ingat ka pauwi ah!" 

"Thanks!" 

Pumasok na sa loob ng bahay si Chichay at nagsara na ng pinto..

Sumakay naman si Drake sa kotse niya at hindi niya kayang umalis hanggat walang kasama si Chichay.. Solo lang si Chichay at masyadong delikado.. Tumambay lang siya sa loob ng kotse at mag aantay sa pagdating ng kahit isa man lang kina Eya at Agnes..

Sa loob ng kotse ay tanaw niya ang maliit na bahay nina Chichay.. Ang gusto sana niya ay unti unti niya ng makalimutan ang nararamdaman para sa babae.. Pero kabaligtaran ang nangyayare.. Habang tumatagal.. Lalo niyang minamahal si Chichay.. At alam niyang kaya niyang gawin ang lahat para lang sa babaeng mahal niya.. Kahit pa mag antay siya ng matagal..

Nakita niyang may pumark na kotse sa likuran niya at pamilyar ang kotse na yon..

"Yuan?!?"  gulat niyang tanong at bumaba muna siya sa kotse..

Bumaba mula sa kotse si Eya..

"Eya? Magkasama kayo ni Yuan?!"  nagtatakang tanong ni Drake..

"Mahabang kwento Drake ! Pero yang si Yuan.. Lasing yan.. Ikaw na lang ang bahala.. Sige, pasok na ko sa loob!" 

Lumapit si Drake sa kotse ni Yuan . .

"Yuan?!? " tawag niya dito.

"Drake?!"  gulat na tanong ni Yuan   "Nakarating naba ko sa Baguio ulit?!" 

"Gago! Ang lakas na ng tama mo ah! Bumaba ka dyan!"  utos niya pero nakita niyang nakasandal na sa manibela si Yuan at nakatulog na!

"Anak ng!!" asar na sabi ni Drake..

****

Nakikita ni Agnes na ang harot harot ni Sandra, mayat maya nalang naka dikit kay Bench at napaka touchy pa! Si Bench naman ay iwas ng iwas..

"Agnes, halika, may ipapakita ko sayo"  sabi ni Chef Javie at inaya siya nitong tumayo..

Hay salamat ! Kanina ko pa gustong umalis sa Table na to eh! Actually gusto ko ng umuwi ! Puro harutan lang naman ang nakikita ko! !

Tumayo na si Agnes at sinundan si Chef Javie..

Napatingin naman si Bench ng tumayo sina Chef Javie at Agnes..

"Wag mong sabihing susunod ka?!? "  tanong ni Sandra kay Bench at agad namang tumayo si Bench para sundan sina Agnes, naiwang nakanganga si Sandra.  "Sumunod nga!!" napailing na sabi ni Sandra..

Hinanap naman ni Bench ang dalawa at nakatingin pala ang dalawa sa isang painting..

"Sayo na to Agnes.. Souvenir ko sa'yo!"

"Talaga?!? Naku Thank you ah!" ngiti ni Agnes..

"Ikaw? Wala ka bang pabaon saken sa pag alis ko?"  malungkot na sabi ni Chef Javie..

"Eto... " at hinubad ni Agnes ang bracelet niya.. "Sana lagi mo kong maaalala , lalo na pag may bago kang Dish!"  tawa ni Agnes..

Wala silang kamalay malay na nasa likuran lang nila si Bench at nakikinig..

"Bat parang badtrip ka?"  puna ni Chef Javie   "Kay Sandra ba?" 

"Hindi ah!"  sabi ni Agnes   "Ano namang nakaka badtrip don?! " in a badtrip tone.. "Walang ginawa kundi harutin si Bench! Edi magsama sila ! "

Narinig yun ni Bench at parang gusto niyang tumalon at sumigaw sa sobrang saya! Dahil napapansin din pala siya ni Agnes.. Nakita niyang naghiwalay na sina Agnes at Chef Javie dahil may kausap ng iba ang Chef..

Sinalubong niya si Agnes ng ngiti..

"Tara na, uwi na tayo.. Ayoko ng hinaharot ako eh... " at hinawakan niya na si Agnes at hinila na palabas sa Party. .

Sa kotse...

"Bat iniwan mo na si Sandra?"  tanong ni Agnes..

"Hayaan mo na yon.. " ngiti ni Bench  "Gusto mo ba iwasan ko na siya?" 

Nagulat si Agnes sa tanong ni Bench..


3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon