Chapter 16

1.1K 44 0
                                    

"Malaya ka na Agnes ." malungkot na sabi ni Jacob at napaluha agad si Agnes..

"Jacob.." nasabi na lang niya  "Alam mo namang mahal kita diba?"

"Pero hindi gaya ng pagmamahal mo kay Bench. Wag mo na kong isipin Agnes , lilipas din naman lahat ng sakit na nararamdaman ko eh. Isipin mo rin yung sarili mo , wag mong pigilang sumaya..  Patawarin mo na si Bench at wag mo ng piliting isara ang pinto mo sa kanya, kase sa tuwing tinutulak mo siya palayo, alam mo namang nasasaktan ka lang. Stop the ego and pride. Baka pag sisihan mo pa yan.. Baka one day makita mo na si Bench na naka pag move on na at masaya na din siya sa piling ng iba.. Hahayaan mo pa bang mangyare yon bago mo pa iparamdam sa kanya na mahal mo pa rin siya?"

Tahimik na lumuluha si Agnes sa bawat salitang sinasabi ni Jacob..tama naman kase si Jacob.. At hindi siya nagkamali nung sinubukan niyang mahalin si Jacob.. Dahil sobrang bait nitong tao..

"Jacob. .. " yun lang talaga ang kaya niyang sabihin... Niyakap niya si Jacob ng mahigpit.. Hindi lang basta boyfriend si Jacob. Isa siyang kaibigan. He is selfless..

Mula sa bintana ng kwarto ni Bench ay nakita niya ang magkayakap na sina Agnes at Jacob.. Lagi na lang nadudurog ang puso niya.. Sinara niya ang bintana at agad na sumalampak sa kama..

"Bench kalimutan mo na lang siya ! ! ! Tama na ! Masyado ka ng nasasaktan !" bulong niya sa sarili niya..

May nag text sa kanya at binasa niya yon..

Galing kay Sandra..

Sorry Bench..
I was too drunk kaya ko nagawa yon. . Sorry dahil i kissed you .

Ibinaba niya sa kama niya ang phone.. Bat ba kase hindi na lang si Sandra ang minahal niya? E di sana hindi na siya nasasaktan . .

****

Nasa Court ng Mansyon si Caloy at nag babasket ball.. Feel at home lang talaga si Caloy kahit kailan..

Na i shoot na sa ring ang bola at dumating naman si Drake..

"One on One !" hamon ni Drake

"Oo ba!" tuwang sabi ni Caloy..  "Ang mananalo may kiss kay Princess Chichay ! Joke lang ! Haha "  sabay tawa ni Caloy..

"Kiss sa kamao ko gusto mo!" nakangiti namang sabi ni Drake..

"O siya ! Tama na spills ! Game na !" at agad ng nag drible ng bola si Caloy.. Inaagaw ni Drake ang Bola habang dine depensahan yun ni Caloy..

Si Chichay naman ay palapit sa dalawa at napangiti siya.. Kase naglalaro ng basketball ang dalawa at mukhang nagkaka sundo na sila. .

"Go Drake !!!" sigaw ni Chichay at napatingin sa kanya si Drake.. Ngumiti si Drake kay Chichay at nag flying kiss pa !

"Ang korni mo!" sabi ni Chichay..

Ang sarap panoorin na magkasundo ang magiging asawa mo at ang childhood bestfriend mo.

"Para sa'yo to Princess Chichay !!" sigaw ni Caloy at biglang nag shoot !

"Wooohhh galing!!" sabi ni Chichay kay Caloy sabay thumbs up .

Kumindat naman si Caloy sa kanya..

"Pakindat kindat ka pa!" sabi ni Drake pero in a nice way.. Secure na naman kase siya kay Chichay at alam niyang palabiro lang din talaga si Caloy. Kailangan niyang tanggapin na parte na si Caloy ng buhay nila ni Chichay.

****

"Pero Lo! Wala nga kaming ginawang masama niyang babaeng yan !" sabi ni Yuan nung nasa Veranda sila ,

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon