Chapter 75

1.1K 34 0
                                    

"Kasama niya si Eya???" gulat na tanong ni Yuan..

"Siguro ! Ewan ko ! Di ko napansin ! Malamang ! Baka !"

"Ang pangit mo sumagot ! Parang tanga! " angal ni Yuan.. At agad din siyang napaisip.. Pero bat ba niya naisip si Eya ?! E ano kung mag Bar siya ??? Pake niya ba?!? Pero napapaisip lang talaga siya.

At dahil tuloy don.. Nahirapan na siyang makatulog ulit..

****

Sa DMA naman ay nasa Cafeteria sina Bench at Agnes..

"Naka usap ko nga pala si Chef Javie kagabe.. Ayun nga, kung interesado raw ako . . Mag aasikaso na ko ng mga papeles ko. . "

"So tuloy ka na talaga.." sabi ni Bench..

"Oo, sayang naman kase diba? Sure na yon eh.. Hindi ko na kailangan maghanap ng Employer.. "

Ngumiti lang si Bench , kahit kase ayaw niyang umalis si Agnes ay hindi talaga siya kokontra . .
"Okay lang ba kina Chichay at Eya?" tanong ni Bench..

"Hmmm. . Oo, ako naman daw kase ang bahalang mag desisyon.. Tsaka alam mo kase, sa laki ng pwede kong kitain sa New York.. Makakapag simula na ko ng kahit maliit lang na negosyo.."

"E pano yung pag aaral mo?" tanong ni Bench..

"Pwede ko namang ituloy yon pag balik ko dito.."

"2 years din yon... Ma-mi-miss mo ko!" sabi ni Bench sa tonong nagbibiro.. At ngumiti naman si Agnes..

"Oo nga ma mi-miss kita.. Siyempre ! Pero diba? Pag mahal at may tiwala ka sa isang tao.. Kahit gano pa kayo kalayo sa isa't isa, walang problema.. Hihintayin mo naman ako diba?" tanong ni Agnes..

"Siyempre naman!" mabilis na sagot ni Bench "Diba nga pag stable na tayo magpapakasal na tayo?"

"Oo siyempre.." ngiti ni Agnes..

At hinawakan ni Bench ang kamay ni Agnes..

"Basta lagi mong tatandaan Agnes.. Mahal na mahal kita.. " sincere na sabi ni Bench. . . "Kahit saan ka pa magpunta.. "

Ngumiti din si Agnes..

****

Off duty na si Chichay at nasa labas na siya ng Clinic.. May naka park don na kotse at alam naman niyang hindi yun kay Drake..

Lumabas mula sa kotse ang isang lalaki at tingin ni Chichay ay driver yon..

Nagulat naman siya nung palapit ito sa kanya..

"Chichay?" tanong nito at tumango naman si Chichay..

"Chichay nga po.. Bakit po?" tanong niya sa lalaki

"Gusto kang kausapin ni Mam.." sabi nito at agad na itinuro ang kotse. .

Nagbaba naman ang bintana ng kotse at agad niyang nakita ang babae.. Mommy ni Drake !

"Sumakay ka sa kotse.." sabi nung Driver at dahan dahan naman siyang lumapit sa kotse..

Pumasok siya sa kotse sa backseat nung pinagbuksan siya nung driver..

Naiilang naman si Chichay dahil katabi na niya ang Mommy ni Drake..

Tinuon muna nito ang pansin sa driver..

"Sige na, paandarin mo na.. Sa DMA ... " Sabi ng Mommy ni Drake at tumingin sa kanya "Sa DMA na diba?"

"Ah.. Opo.. "

"So ikaw si Chichay, Drake's Girlfriend. "

"O.. Opo.. " at yumuko siya dahil very intimidating ang boses at dating ng Mommy ni Drake..

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa Chichay.. Hindi kita gusto para kay Drake! " mahina pero tagos sa puso yun para kay Chichay.. Para siyang sinaksak..
"Alam ko naman na kahit anong gawin at sabihin ko kay Drake... Hindi ka niya iiwan. Sa sobrang tigas ng ulo niya, alam kong hindi niya ko pakikinggan.. . Kaya gusto ko sana.. Ikaw na lang ang kusang lumayo.. "

Mabilis na pumatak ang luha ni Chichay at ramdam niya ang bigat ng dibdib niya..

Naglabas ng cheke mula sa mamahaling bag ang Mommy ni Drake..

"Here! Kaunting tulong kapalit ng paglayo mo kay Drake."

1 Million Pesos yon..

Lalong napaluha si Chichay..
1 Million?? Ganung kalaki ang handang ibigay ng Mommy ni Drake para lang hiwalayan niya.. Tsaka bakit kahit mahina lang ang boses niya.. Kahit hindi ito sumisigaw ay sobra siyang tinatablan? Bawat salitang inilalabas niya sa bibig niya ay parang sinasaksak si Chichay ..

"Take it" sabi nito..

"Mam hindi ko po yan kailangan.. Mahal ko po si Drake " sabi niya habang patuloy sa pagdaloy ang luha sa pisngi niya..

"Malilimutan mo din siya.. At makakalimutan ka din niya.. Just stay away from Drake Chichay, ayaw mo naman sigurong pati mga pinsan mo ay mawalan ng Scholarship.."

Agad na natulala si Chichay at hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya..

"Stay away from Drake.. Matatahimik ang buhay niyo Chichay.. Pinapangako ko sayo.. Maraming lalaki sa mundo kaya iwan mo na si Drake.. Malay mo, makahanap ka pa ng mas mayaman.." ngisi nito at parang lalong namula ang mukha ni Chichay..

"Mam, ayoko pong bastusin kayo.. Pero gusto ko lang malaman niyo na hindi lang pera ni Drake ang kailangan ko . At hindi niyo naman po kailangang idamay ang mga pinsan ko.. "

"Nasa kamay mo ang kapalaran nila.. "

Tumigil na ang kotse . .

"Were here.. Pwede ka ng bumaba.. " sabi ng Mommy ni.Drake "Pag isipan mo yung sinabi ko.."

Agad na bumaba si Chichay at agad din siyang nagpunas ng luha..

****

Nasa Classroom si Eya at busy magbasa ng English..

"Hi Kisses !" bati ni Yuan at agad itong umupo sa tabi niya..

"Anong ginagawa mo dito sa Classroom namin?! Baka mamaya makita tayo ng totoo kong boyfriend, magselos pa yun !!" sabi ni Eya..

"Totoong Boyfriend??!" gulat na tanong ni Yuan .

"Oo ! Si James Reid !" sabay tawa ni Eya..

"Mas cute ako don!" sabi ni Yuan.. "Nga pala... Balita ko nasa Castle daw kayo kagabi ah.. Bat di mo ko ininvite? "

"Biglaan lang yon.. Ang dami na kasing iniisip at pinoproblema nung dalawa kong pinsan kaya ako na nag aya na mag Castle kami.. Sayang ang ganda dun kagabi ! "

"Pwede naman tayong mag hang out ulit don if you want . . Pero mas okay kung sa Gigster na para maka pag work ka na rin.."

"Ay oo! Magandang idea yan Yuan!" naexcite na sabi ni Eya

Pumasok sa Classroom si Justin , classmate ni Eya..

"Nililigawan mo siya Montejar?" tanong nito..

"Hindi!" sagot ni Yuan. "Girlfriend ko na siya!" nakangiting sagot ni Yuan..

"Kunware lang yun Justin ! Kunware lang na kame.. " sagot naman ni Eya..

"At bat kailangan mong ipaliwanag sa kanya?!" asar na tanong ni Yuan..

"Ano namang masama don?! Eh yun naman talaga ang totoo!" sagot ni Eya..

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon