Chapter 13

1K 36 0
                                    

Tumingin si Bench kay Jacob nung marinig niya yon.. Wala siyang ka malay malay na pinapanuod pala sila ni Jacob habang iniiyakan niya non si Agnes ..

"Ah.. Wala yon Jacob.   . Nag usap lang kami para sa mas formal na closure. . " nasagot na lang ni Bench at hindi tumingin kay Jacob , baka kase mabasa ni Jacob na mahal na mahal pa rin niya si Agnes..

"When i met Agnes , sobrang lungkot ng buhay niya..." sabi ni Jacob   "Bago lang siya non sa Restaurant at tahimik si Agnes , hindi siya nakiki pag kaibigan o nakikipag usap kahit kanino. . Ni hindi siya ngumingiti kahit yung mga kasamahan niya ay nagkaka sayahan.. Nagbibiruan.. Minsan nahuli ko pa siyang umiiyak. . Hanggang sa gumawa ako ng paraan para makausap siya, para makasundo siya.. Hindi yun naging madali.. She is aloof ! Pero dahil hindi ako sumuko.. Naging kumportable din siya saken . . Hanggang sa nag open up na siya. . She's deeply hurt Bench , and its because of you. . " seryosong kwento ni Jacob at napayuko lang si Bench...  "Mahal na mahal ka ni Agnes nung makilala ko siya at hindi ko siya pinabayaan Bench , i help her to cope . . Pinasaya ko siya. . Pina realize ko sa kanya na hindi titigil sa pag ikot ang mundo pag wala ka. . At tingin ko , it was a blessing in disguise , nasaktan mo siya kaya nagtagpo kami.. Kaya pinangako ko sa kanya, na hindi ko siya sasaktan.. I really love Agnes , i love her more than anything else !"

Hindi pa rin makapag salita si Bench.  . .

Pareho pala sila ni Agnes na nahirapang maka bangon..

Pero ang pagkakaiba nga lang..
Si Agnes ay naka bangon na sa tulong ni Jacob..

Pero siya , nanantiling lugmok at hopeless..

"And you know what Bench , i know mahal mo pa rin si Agnes hanggang ngayon.. I can sense it the way you look at her. .the way you look at us pag masaya kami. . I know you want to win her heart again.. Pero hindi ko yon hahayaan Bench... "

Nanatiling tahimik si Bench...

I know Bench , mahal ka pa rin ni Agnes , halata naman eh... She looks at you in a different way , hindi katulad nung saken.. Pero hindi mo na yon pwedeng malaman...

Bulong lang yun ni Jacob sa isip niya , at hindi yun pwedeng malaman ni Bench..

"Basta alagaan mo ng mabuti si Agnes.. " sabi ni Bench in a very sincere way kahit pa halatang nasasaktan siya.. "Wag mo siyang sasaktan Jacob, kase pag sinaktan mo siya. . Nandito lang ako para saluhin siya."

Tumingin naman si Jacob kay Bench after nitong mag salita..

"The last thing na gagawin ko ay ang saktan si Agnes . . I love her so much.. " sabi ni Jacob..

Tumango tango na lang si Bench at nakangiti kahit nangingilid na ang luha niya..

"Labas muna ko Bro," pag papa alam ni Bench. .  "Magpapahangin lang ako !"  tumalikod siya kay Jacob na laglag ang balikat niya..

****

Naiwan na lang na gising sina Agnes at Sandra.. Pareho ng knock out sina Chichay at Eya..

Natatawa sila ni Sandra..

"Grabe oh ! Tumba talaga sila !" at nakatingin sila kina Eya at Chichay na naka higa na sa kama..

"Nadaya sa tagayan si Eya!" natatawang sabi ni Agnes..

"Eh lakas uminom eh ! Ang daming tagay !" natatawang sabi ni Sandra kay Agnes..

At natawa rin si Agnes..

Nahalata niyang Tipsy na si Sandra at nag ba-blush na talaga yung pisngi..

"Ikaw Sandra? Kaya mo pa?" tanong ni Agnes kay Sandra  "Pinkish ka na oh !" natatawang sabi ni Agnes.

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon