Chapter 77

1K 37 0
                                    

Naka upo sa Veranda sina Chichay , Drake at Don Rodrigo. Nakita ni Chichay kung gaano kalaki ang Mansyon ng mga Montejar.  . At parang lalo nga siyang nanliit dahil walang wala ang tinitirahan nila kumpara sa Mansyon nina Drake.. Malaki pa ata ang Verandang yon kesa sa bahay nila..

Kinwento na ni Drake ang lahat kay Don Rodrigo..

Hindi ito umiimik pero alam ni Drake na galit ang Lolo niya..

"Hayaan niyo.. Kakausapin ko sina Belinda at Manolo. . Hindi tama ang ginagawa ng mama mo Drake.. " seryosong sabi ni Don Rodrigo..   "Dito na kayo maghapunan.. Magpapahanda ako ng masasarap na pagkain.. Kung pwede ay dito na kayo matulog.. "  Sabi ni Don Rodrigo  .

"Sir, hindi po ako pwedeng matulog dito. Wala pong kasama yung mga pinsan ko sa bahay.. Pero dito na po kami mag hahapunan . . "

"Hija, Tawagin mo na kong Lolo Rodrigo. " ngiti nito at ngumiti na rin si Chichay..

"Okay po Lolo Rodrigo.."

"Kung gusto mo Chichay, papuntahin na natin sila dito.. Para maka pag bonding din tayong pito nina Lolo.  . Diba Lo?" 

"Magandang idea yan Drake.. " ngiti ng Lolo niya  "Last time ay hindi namin kayo kasama.. Mas maganda na ang magiging kwentuhan natin ngayon.. " natutuwang sabi ng matanda..

"Okay sige, itetext ko sila.. " sabi ni Chichay..

****

On the way na din sa Batangas sina Agnes at Bench at may baon silang damit dahil mag s-swimming sila.. Na eexcite na silang muling bumalik sa mansyon para makita ulit si Lolo Rodrigo..

****

Si Yuan naman ay kumakatok sa bahay nina Eya dahil isasabay niya na ito papunta sa Batangas . .

"Eya !"  tawag niya habang kumakatok..

"Walang tao dyan !"  sagot nung boses na nagmumula sa likod niya.. Si FJ ...

"Alam mo ba kung nasan si Eya? She's not answering my Call.. " sabi ni Yuan..

"Hindi ko alam eh.. Baka nasa Shooting!"  naisip ni FJ

"Imposible yon.. Hindi na siya nag tatrabaho don.. "

"Ewan ko lang.. Wala akong idea eh.. Pero try mo sa Castle ! Kase alam ko mag aapply siya don bilang Waitress eh " sabi ni FJ

"Castle?! Pero sinabi ko na sakanya na kakanta siya sa Gigster.. Bat kailangan pa niyang mag apply don? Okay sige ,i have to go.. Thanks !"  sabi ni Yuan at agad na sumakay sa kotse niya..

Ng nasa tapat na ng Castle ay agad ng bumaba si Yuan para puntahan si Eya. .

Naglakad agad siya papasok sa Castle at natuon agad ang pansin niya sa babaeng nasa Stage.. Si Eya yon.  Nakaupo at may hawak na microphone.. Rinig sa buong Bar ang napaka gandang boses ni Eya..

~~If you're not the one then why does my soul feel glad today..

Umupo si Yuan at pinag masdan niya si Eya habang kumakanta..

Hindi ang tipo ni Eya ang ideal girl para sa kanya..

Ni hindi niya ma imagine na one day, magugustuhan niya si Eya..

Pero kung pano nangyare ay hindi niya alam..

Basta na lang niya naramdaman at ...

Mahirap yun aminin...


Patuloy na kumakanta si Eya..

~~ I dont wanna run away but i can't take it
I dont understand..
If im not made for you then why does my heart tells me that Iam
Is there anyway that i Can stay in your arm....

Si Eya naman ay biglang nataranta nung makita niya si Yuan na nakaupo sa isang table at nanunuod sa kanya..

After niyang kumanta ay agad siyang nagpunta sa Back stage..

"Ate!"  tawag niya dun sa isang babae..  "Ate may iba pa bang exit dito bukod dun sa Main Door? "

"Ah oo meron... Dun oh!"  at tumuro ito sa bandang kaliwa

"Salamat ate !"  ngiti niya at agad tumakbo papunta don.. Ayaw niyang makita si Yuan.. Kailangan niya ng iwasan si Yuan..

Si Yuan naman ay nag aantay kay Eya pero parang bigla na lang itong nawala , palinga linga siya paligid pero wala na si Eya..

"Waiter !"  tawag niya dun sa Waiter.. "Nasan na si Eya? Yung kumakanta dyan kanina?"

"Ah si Eya po? Umalis na po eh.."

"Umalis? Panong umalis? "

"Dun po siya dumaan sa Exit sa likod" 

"Ganun ba? Okay Thanks" at agad na siyang tumayo para tingnan kung nasa labas pa si Eya .

Nakita niya si Eya at nung makita siya nito ay bigla nalang tumakbo.. At siyempre, hinabol ni Yuan..

"EYA!!!"   Sigaw niya habang hinahabol si Eya  .

At ng maabutan niya ito...

"Eya?! Iniiwasan mo ba ko?!" tanong ni Yuan   "Ang obvious eh ! Ang tagal mo ng extra sa Movies pero hindi ka pa rin magaling umarte"  ngiti ni Yuan "Why are you avoiding me?"

"Hindi ah! Hindi kita iniiwasan ! Hindi lang talaga kita nakita!"  tanggi ni Eya..

"Oh come on Eya, wag ka ng magkunware.. Iniiwasan mo ko at gusto kong malaman kung bakit"

"Alam mo? Feeler ka ng slight ! Kaloka ka! Hindi nga sabi kita iniiwasan eh ! Bat ba pinipilit mo yang pinapaniwalaan mo?"

"Then if your not avoiding me...Fine. . Pero teka lang, diba sabi ko sa Gigster kita ipapasok..?"

"Eh kailangan na kase dito eh.. Kaya nag apply nako.. At sinwerte naman ako!"

"Andito nga rin pala ko para sunduin ko.. Nasa Batangas na sina Chichay at Agnes.. Tayo na lang ang hinihintay nila.. So tara?"  tanong ni Yuan..

"Ayoko"  sagot niya  "Pass muna ko.. Kina Lovely na lang ako matutulog.. Sige dyan ka na!"  at agad ng naglakad palayo si Eya pero hinabol pa rin siya ni Yuan..

"Edi iniiwasan mo nga talaga ko?" 

"Oo na! ! Para matahimik ka na! Iniiwasan nga kita ! Okay na??? Pwede na kong umalis??" 

"But why?!"  tanong ni Yuan.

"Ano to Ms. Universe ? Kailangan talaga may WHY pa sa dulo??" 

"You know what.. Di kita maintindihan.."natatawang sabi ni Yuan kay Eya..

"Hindi mo talaga ko maiintindihan.. Kaya sige na, leave me alone! Bawal ma stress ang buhok ko ngayon!"

"I wont stop following you hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko.. Bat mo ko iniiwasan? May nagawa ba kong mali?? Kase as far as i remember wala talaga kong maalala eh.. Remind mo ko baka sakali pang maalala ko.."

"Wala Yuan! Wala kang nagawang masama..  Basta hayaan mo na lang ako ngayon... Sige na! "

"No ! Sabihin mo muna saken.." pangungulit ni Yuan..

"Gusto mo talagang malaman???"  matapang na tanong ni Eya

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon