Chapter 64

1.1K 41 2
                                    

Natatawa pa rin si Yuan , everytime talaga na kasama niya si Eya.. Lagi lang siyang masaya!

"Oh tara na nga kain pa tayo!" sabi ni Eya  "Tsaka wag mo kong masyadong pakatitigan , baka bigla akong ma-fall sa'yo ! !Char!!"  sabi ni Eya

"I'll Catch you!"  mabilis na sagot ni Yuan

"Wala bang Char na karugtong yan?!?"  natatawang tanong ni Eya   .

"Wag kang matakot ma-Fall.. Sasaluhin naman kita eh."

Napatigil sa pagkain si Eya..at muling nagsalita si Yuan

"What if ako ang ma-fall? Sasaluhin mo rin ba ko?"

"Siyempre hindi!! Ang bigat mo kaya!!" sagot ni Eya at napangiti lang siya..

****

Pauwi na si Chichay ng ma receive niya ang text ni Yuan..

___Naaksidente si Drake!

Bigla niyang binitawan ang Phone niya sa sobrang pagkagulat..Si Drake????

Nagmadali na siyang kumilos at muling kinontak si Yuan para malaman kung nasaan si Drake.

Habang nasa Jeep siya ay gusto niya ng paliparin yon para lang makarating kay Drake..

Oo nga madalas siyang bwiset at naiinis kay Drake pero si Drake din naman ang dahilan kung bat nakakaramdam siya ng tuwa.. Hindi kumpleto ang buhay niya pag wala ang lalaking mainitin ang ulo..

Agad na siyang pumara ng matanaw na niya ang Kotse ni Drake na naka bunggo sa isang poste.. Agad siyang tumakbo para makalapit... Malayo pa lang ay parang maiiyak na siya. Ng makalapit na siya sa kotse ay agad niyang binuksan ang pinto at nakita niyang nakaupo sa driver seat si Drake at wala itong malay.. May dugo pang dumadaloy sa mukha nito na nagmumula sa ulo...  Di niya inimagine na magiging ganito si Drake.. Yung walang lakas at walang malay!

"Drake!!!Drake!!"  tawag niya kay Drake at agad niya itong nilapitan at pinulsuhan.. Ninenerbyos si Chichay sa nakikita niya..

Ng maramdaman niya ang pulse beat ni Drake ay bigla siyang lumabas sa kotse..

"TULONG!!!! TULUNGAN NIYO KAME!!!!!!"   Sigaw niya pero parang walang gustong tumulong..

Desperado na siya kaya muli siyang sumakay sa kotse ...

"Hindi ako marunong mag drive!!!" nataranta niyang sabi..  "Anong gagawin ko???! TULONG!!! TULUNGAN NIYO KAME !! " muli niyang sigaw.

"Chichay........"  nagulat siya nung marinig niya yong sinabi ni Drake..

"Drake?????Kaya mo yan please! Kaya mo yan... Madadala din kita sa Ospital! "
natatarantang sabi ni Chichay..

"Wag na..." mahinahong sagot ni Drake    "Wala namang rason para mabuhay pa ko.. Hayaan mo na lang ako Chichay....."

"Hindi !!! Hindi pwede Drake ! Lumaban ka please ! ! Nagmamakaawa ako lumaban ka! Malapit ng dumating yung tulong na hiningi ko.. Kinontak ko na si Doc Frank at magpapadala na siya ang Ambulansya dito.. Kaya mo yan Drake!!"

"Ayoko na nga sabi eh!!!!! "  malakas na boses na sabi ni Drake   "Ayoko na!!! Dapat yung mga tulad kong GAGO , hindi na nabubuhay! Dapat lang talaga mamatay na ko!!!! "

Napaluha si Chichay ng hindi niya sinasadya...

"Wala naman ng natitira saken kundi sina Bench at Yuan, sooner or later.. mag aasawa din sila at magkakaron ng sariling pamilya.. While me.. Mag isa.. Mas okay ng mamatay ng maaga kesa tumandang mag isa.. "

"Eh pano naman ako Drake?!"  napakabilis dumaloy ng luha ni Chichay sa pisngi niya.. Parang feeling niya punong puno ang dibdib niya at kailangan niyang humagulhol sa sakit na nararamdaman niya..    "Pano naman ako??? Akala ko ba hihintayin moko? Bakit gusto ng mawala?"

"Walang nagmamahal saken Chichay, at walang kahit sino man ang magmamahal sa katulad kong GAGO at freak! Wala!!"

"Drake mahal kita!!!"  sabi ni Chichay at napatingin bigla si Drake sa umiiyak na si Chichay "Mahal kita.. At hindi ko ma imagine ang buhay ko pag nawala ka.. Yes you are a jerk! Pero mahal kita eh ! "

Di napigilan ni Drake na yakapin ang umiiyak na si Chichay..

" Stop crying Chichay"  bulong ni Drake habang nakayakap siya kay Chichay  "Ayokong nakikita kang ganyan!" 

Gumaan naman ang paki ramdam ni Chichay habang nakayakap sa kanya si Drake..

"Chichay may kailangan akong sabihin sayo... Sana wag kang magalit"  sabi ni Drake at binitawan niya muna si Chichay, tinitigan niya si Chichay at hinawakan niya sa balikat..    "Its a Prank!"   sabi nito    "Sorry, set up lang to lahat.. Hindi ako naaksidente and its a fake blood!"   sabay turo sa dugo niya sa ulo.    

Kumunot naman ang noo ni Chichay at hindi makapaniwalang kalokohan lang pala ang lahat..

"So niloko mo lang pala ko??!" mahina pero diin niyang sabi. Hinawakan na niya ang pinto at lalabas na sa kotse pero pinigilan siya ni Drake. Hinawakan siya nito sa kamay.

"Alam ko kalokohan yung ginawa ko, pero ito na lang yung naisip kong gawin para malaman ko kung anong nararamdaman mo!"  seryosong sabi ni Drake.. 

Hindi lang makaimik si Chichay at naaalala niya yung ginawang kalokohan ni Drake, sobra pa naman siyang nag alala..

"Kung hindi ako non nagkunwareng pilay, hindi sana kita makikilala.. At kung hindi ko pa to ginawa ngayon. Hindi mo rin masasabing mahal mo din ako! Oo , pwedeng hindi to totoo.. pero hindi naman to imposibleng mangyare diba? Na baka bigla na lang ay mawala ako . . Hinintayin mo pa bang mamatay pa talaga ko bago mo aminin?" 

Napayuko lang si Chichay at muling lumuha..

"Drake mahal na din naman talaga kita eh.. Kaya lang natatakot ako....."

"Natatakot saan???"  tanong ni Drake.

"Na baka isang araw magising ka na lang , na hindi mo na pala ko mahal. Pano kung yung time na yon ay sobra na kitang mahal? Pano naman ako diba?"  at kasabay non ang pagpatak ng luha niya  "Mayaman ka mahirap lang ako.. Kahit saang anggulo mo tingnan , hindi naman talaga tayo bagay eh!"

"Chichay! Kahit sa teleserye nagkaka inlove-an ang mahirap at mayaman! Wag ka ngang praning ! !" 

"Eh pano pag na realize mong hindi mo naman pala ko mahal? Pano pag nakakita ka ng babaeng mas mamahalin mo?! Pano kung____"

"Pwede ba Chichay!!!! " malakas na interrupt ni Drake "Pwede ba wag kung puro What ifs?? Pano mo malalaman kung hindi mo susubukan????!!  " asar na sabi ni Drake

Natahimik lang si Chichay sa sinabi ni Drake..

"Chichay , sana minsan nagiging matapang ka rin. . Mahal kita at mahal mo ko. Ganun lang ka simple diba? Tayo na!"  sabi ni Drake

"Tayo na???"  tanong ulit ni Chichay

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon