Chapter 65

1.1K 67 8
                                    

"Oo Chichay ! Boyfriend mo na ko!"   sabi ni Drake  "GirlFriend na kita."  nakangiting sabi nito.

Napanganga lang si Chichay at hindi siya makapaniwala sa narinig niya...

Kami na talaga?? Boyfriend ko na si Drake?!?

****

Kausap ni Agnes si Manang Brenda at ang dami nitong kwento tungkol kay Bench..

Na si Bench daw talaga ang pinaka mabait kina Yuan at Drake.. Na sobrang mapag mahal daw ni Bench.. Na kahit yaya lang daw siya ay tinrato siya nito na parang tunay na magulang.. Sa bawat kwento ni Manang Brenda ay mas lalo niyang nalalaman ang mga magagandang katangian ni Bench..

Dumating si Bench bitbit ang mga pinamili niya na sangkap sa ube Halaya..

"Sige po Nay Brenda, gagawa na po ako ng Ube Halaya" ngiti ni Agnes at tumango naman ang matanda..

Sa kusina ay sila lang ni Bench ang nandon..

"Marami bang nakwento sayo si Nay Brenda? " ngiti ni Bench "Actually masyado lang talaga siyang makwento.. hindi yun nauubusan.." ngiti ni Bench at agad na kumuha ng kutsilyo para magbalat ng ube..

"Okay nga eh.. Ang dami kong nalaman ... "

"Tungkol ba saken?"  nahiwagaang tanong ni Bench at ngumiti naman si Agnes bago ngumiti..

"Sabi niya mahilig ka daw sa patatas! Pag nga daw adobo yung ulam niyo, inuubos mo lahat ng patatas.. " natatawang sabi ni Agnes

"Tungkol lang ba sa patatas ang kinwento niya?" ngiti ni Bench

"Kinwento niya saken si Daphne. . . " mahinang sabi ni Agnes

"Ah si Daphne?" ngiti ni Bench  "Girlfriend ko siya nung 1st year College..."   bigla siyang napa seryoso    "At...nawala rin siya agad.. May Lung Cancer siya.. "

"What if hindi siya nawala.. Tingin mo siya na ba yung Forever mo?"  tanong ni Agnes habang nagbabalat din ng ube..

"Pwede." mahinang sagot ni Bench   "Pero diba nga, everythings happen for a reason. Pwedeng nawala siya para may dumating na bago. . . When i lost her.. halos mamatay na rin ako sa lungkot. Akala ko nga end of the World na... Ang naka gamot lang nun ay panahon.. Matagal na panahon.. Pero alam mo, nung buhay pa siya , merong nanghula saken.. Hindi daw letter D ang initial ng Forever ko, pano naman ako maniniwala? Eh mahal na mahal namin ang isat isa.. Yun pala mawawala si Daphne.. "

"Anong sabi nung manghuhula?"  interesadong tanong ni Agnes.

"Sabi niya , makikita ko daw ang Forever ko sa mataong lugar at sa pangit na sitwasyon"

At nag flash back sa kanya yung unang moment nilang magkita ni Bench, nung araw na nasagasaan nito ang mga paninda niya sa Palengke..

"Sabi pa niya, ang initial daw ay ang dalawang letrang katabi ng initial ko. Which is A and C.. nagkataon lang kaya yon Agnes Celestine? " tanong ni Bench at natulala si Agnes  "Nagkataon lang ba na tumugma sayo lahat? Na kaya nawala si Daphne dahil ikaw talaga ang nakalaan para saken. . . "

Napayuko lang si Agnes

"Hindi naman ako naniniwala sa hula eh.." sagot niya kay Bench.. 

"Pero madalas din namang magkataon diba?"  sabi ni Bench 

Natahimik si Agnes, nalaman niya na na sobra pala magmahal si Bench.. Dahil after mawala si Daphne 2 years ago ay wala pa siyang nagiging girlfriend.. Napatunayan niya na totoo magmahal si Bench at kung sinsabi nitong mahal nga siya ay napaka swerte niya pala..

"After kay Daphne ay sayo ko lang ulit naramdaman to.. Pero this time.. Baka hindi ko na talaga makaya pag nawala ka...."

Ngumiti na lang si Agnes
"Pag grumaduate na ko at nagkaron na ko ng stable na trabaho.. Ikaw ang gusto kong makasama Bench.. Yun ay kung makakapag hintay ka.." ngiti niya..

Ngumuti si Bench
"Basta i promise mo na ako na ang pakakasalan mo Agnes Celestine Delarosa. Kahit gano katagal,maghihintay ako.. Kase naniniwala ako na ikaw na ang Forever ko!"  sabi ni Agnes

Ngumiti din si Agnes..

"Promise Bench Montejar !" 

"So ano , M.U.  tayo?"   tanong ni Bench..

Tumango naman si Agnes at ngumiti..

Sobrang saya naman ni Bench at sinipagan siyang magbalat ng ube..

"Pag mag asawa na tayo.. Magtatayo tayo ng Restaurant at MonteRosa ang ipapangalan naten.."  sabi ni Bench at napangiti lang si Agnes sa naisip ni Bench..

****



A/N

Ayan na !

Drake&Chichay in a relationship Status na!

Sina Bench&Agnes naman may Mutual Understanding na!

Sina Yuan&Eya naman ay nagiging close na talaga!

Comments or Reactions po?
Free po kayo mag comment..
Salamat sa mga Readers ko at sa mga Followers ng FB Page ng 3 HEARTS ,

Wattpad Story:  3 HEARTS   KathNiel , LizQuen &  JaDine 

Pa like din po!

Aisuru___

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon