Chapter 54

1.1K 44 1
                                    

"Naku Bench, sorry ah.. Hindi ako makakapunta." sagot ni Agnes.

"Pero bakit naman?!"   tanong ni Bench 

"Bench, Party niyo yun, at hindi ako sanay sa party ng mga mayayaman. Next time na lang.. Pasensya na ah.."

"Ah okay, "  malungkot na sabi ni Bench   "Hindi pala ko kasing lakas ni Chef Javie pag dating sa'yo. Tinanggap mo yung invitation niya eh..."

"Iba naman kase yun Bench.."

"Okay lang, naiintindihan ko naman.. Sige, una na ko.. Baka inaantay ka na ni Ivan...  "  At agad ng dumiretso si Bench at iniwan na si Agnes sa Hallway..

Party yun ng pamilya niya! At alam ko kung gano sila kayayaman.. Pano ko makaka pag enjoy kung ma pe-pressure lang din ako.. Sorry Bench..

Si Bench ay nakasimangot na nakatambay sa bench dahil hindi pumayag si Agnes..

"Party lang ayaw pa! E pano kung ayain ko na siya ng date?!"  inis na sabi ni Bench at agad siyang nakaisip ng paraan...    "TAMA!!"  ngiti niya...

****

Naka tambay si Eya sa Auditorium.. Walang tao don.. Madilim.. At pwede niyang gawin ang gusto niya....

Ang Umiyak!

Nakita niya kase sa FB yung ex niya kasama ang mag ina nito at mukhang napakasaya nila, samantalang siya.. Malungkot pa rin.. Umiiyak pa rin..

Pumunta siya sa stage ng Auditorium at nag drama kunware...

"Baket?"    lumuha agad siya   "Bakit mo ko iniwan?! Hindi pa ba sapat sa'yo na minahal kita higit pa sa buhay ko? Binigay ko sa'yo lahat. . Umasa ko na sa'yo meron akong forever ! Pero bakit sa kabila ng lahat sinaktan mo pa rin ako. Pwede mo bang ipaliwanag saken? "  Puro luha na ang pisngi niya  "Ipaliwanag mo saken kase hindi ko talaga naiintindihan eh! Anong mali saken?! "

"VERY GOOD ACTING!!" Sigaw ni Yuan sabay pumalakpak.. At nakatingin kay Eya..

Pinunasan naman ni Eya ang pisngi niya . .

"Hoy! Tumahimik ka nga dyan! Panira ka ng moment eh!"  asar niyang sabi sa natatawang si Yuan,

Pailing iling naman si Yuan at umakyat din sa Stage..

"Is that for a role play or your true to life story?'  ngiti ni Yuan.

"Role play to! ! Nag pa-practice lang ako! Wag ka ngang mange alam ! Basag trip ka eh!"

"Parang kelan lang, sinamahan kita uminom at narinig ko mga issues mo.. Alam ko naman na yan, yung sinaktan at niloko ka ng Ex mo at hanggang ngayon, di ka parin maka move on.."

"Anong hindi ka maka move on?! Matagal na kong naka move on.."

"Oh come on! You cried at the Bar , youre drunk and i know lahat ng mga sinabi mo non ay totoo. . Wag ka ng magkaila. I can be your Shoulder to lean on. Seryoso ko..."  sabi ni Yuan with his sweet smile at kita sa mga mata niya ang sincerity ng sinabi niya.

"Loko! May sarili naman akong Shoulder ! Di ko kailangan niyang Shoulder mo!" 

Natawa lang si Yuan kay Eya, kahit kase broken siya, hindi nawawala ang humor niya..

"Now Eya, i want you to listen.. May i-ooffer akong deal sa'yo . Tutulungan kitang makalimot sa ex mo. Lahat ng gusto mo gagawin ko.. Kung gusto mong resbakan natin siya, kung gusto mong ipakita natin sakanya na mas Okay ka pag wala siya.."

"Ano namang klaseng offer yan?!"   tanong ni Eya..

"Ayaw mo pa ba non? Tutulungan na kita! And its the easiest way to forget him.. Kunware boyfriend mo ko. "

"Ano?!" gulat na tanong ni Eya..

"Isipin mo, kunware Tayo!"

"Baliw ka ba?! Pano naman makakatulong yon?! "

"Pag tinuon mo sa iba ang atensyon mo, ill promise malilimutan mo na siya! Isipin mo na ako si Yuan Montejar, your boyfriend."

"Eh pano pag na fall ako sa'yo?!"   taray ni Eya kay Yuan, "Ayoko namang lumagapak sa Semento ah!"

"Bakit ka naman ma-f-fall saken? Remember what you said? Hindi mo ko type. . Diba?"

"Oo! "  sagot niya..

"Ano?! Boyfriend mo na ko kunware?"

"Sige! Try naten..."

"Pero may kapalit yun Eya.."

"Woah?!!?   ANONG KAPALIT?!  NAKU YUAN AH! TIGILAN MO KO, HINDI KO ISUSUKO SAYO ANG BANDILA NG BATAAN!!"

"What are you talking about? !"  tanong ni Yuan  "Well dahil kunwareng tayo.. Kailangan mo rin magkunwari sa Pamilya ko na Tayo..."

"Ha?! Bakit naman?! Bat kailangan mo pang magpanggap e andami mo namang girlfriend na totoo!!! "

"Actually, wala pa kong pinakilala sa family ko kahit isa sa kanila.. "

"Woah! Ang sama mo!"

"Kaya nga alam nilang maloko daw ako. . And to surprise them.. Ipakikilala kita. Para isipin nila nagbago na ko.. Okay ba yun?"

"Ewan ko, "  sagot ni Eya..

"So anong tawagan naten Eya?"

"Honey!"  sagot niya..

"That was over used..." pailing iling si Yuan..

"Ganito na lang, anong favorite chocolate mo?!"  tanong ni Eya..

"Kisses!"   sabi ni Yuan..

"Ayun! Kisses! " sabi ni Eya..

"Okay.. So tara na Kisses, kumain na tayo sa Cafeteria, "  sabi ni Yuan at inakbayan niya si Eya..

"Aba teka langa?! Ano yan?!"  turo niya sa naka akbay na kamay ni Yuan..

"Im your boyfriend Remember?!"

"Ah okay..."

At lumabas sila sa Auditorium na naka akbay si Yuan kay Eya..

****

Sa Cafeteria ay tahimik na nagkakape sina Drake at Bench.. Si Drake, hindi niya pa nga naiinvite si Chichay ay nag away na agad sila.  Si Bench naman, malungkot pa rin dahil hindi niya napapayag si Agnes.. Gusto niya sanang kausapin ang ate niya dahil pag ito ang nag aya ay hindi makakatanggi si Agnes.. Pero hindi niya pa makontak ang ate niya..

"Hi guys!"   sabi ni Yuan at napatingin naman sila at napasalubong ang mga kilay nila dahil kasama nito si Eya at magka holding hands ang dalawa... "Meet my Kisses!"   ngiti ni Yuan at di makapaniwala sina Drake at Bench...

"Pano yan nangyare?!"  takang tanong ni Bench..

"Kunwari lang to!"   sabi ni Yuan..

"Para saan?!"  nagtatakang tanong ni Drake..

"Wag muna kayo puro tanong.. Malalaman niyo din yun.."  sagot ni Yuan..

"Sige Kisses! Una na muna ko, kailangan ko pang mag research eh.. " pagpapa alam ni Eya..

"Sige Kisses! Ingat ka! "  ngiti ni Yuan..

Di pa rin maintindihan nina Drake at Bench kung ano ang nangyayare... Nakangiti lang si Yuan...

"Ikaw na Yuan! "  sabi ni Bench..

3 HEARTS [ KathNiel , LizQuen & JaDine ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon