MAB 4-Amnesia?

20 0 0
                                    

Cara's P.O.V

"Ano ba'ng nangyari sa'yo?"Tanong ni daddy.

"Hindi ko matandaan, Sir. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa gubat. Nang makakita ako ng daan ay nagpunta ako ro'n."

"Alam mo ba ang pangalan mo?" Tanong naman ni mommy.

Kumunot ang noo ng lalaki. "H-hindi ho. Wala ho akong maalala."

"Kailangan talaga natin siyang madala sa ospital. Baka dahil sa nangyari sa kanya ay na-shock siya kaya nablangko ang isip niya," anang ni daddy.

May amnesia ba ang lalaki?

Kinapa nito ang bulsa ng pantalon nito ngunit ang tanging nakuha nito roon ay isang Swiss Army knife. Wala itong pitaka. Tumigin ito sa akin. "Baka naiwan ko ang mga gamit ko sa..." Huminto ito sa pagsasalita at tumingin ito sa likuran ng sasakyan namin.

Sinundan ko ang direksiyong tinitingnan nito para malaman ko kung ano ang nakakuha sa atensiyon nito.

Isang itim na kotse at asul na van ang kasunod namin. Napasigaw ako nang banggain ng mga iyon ang likod ng aming saskyan!

"Anong gulo ang pinasukan mo?" Tanong ni daddy sa lalaki.

"Hindi ko ho alam, Sir."

"Ano'ng gagawin natin, Dad?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

Diniinan ni daddy ang gas. "We need to get to the highway. Ligtas tayo ro'n dahil may mga highway patrols doon."

Kinuha ko ang cell phone ko para tawagan ang police station sa lugar na iyon. Pero walang cell phone signal doon.

Ibinalik ko ang tingin sa sugatang lalaki. Nakaguhit sa mukha nito ang pagtataka. Ngumit wala akong makitang takot doon. Kami ba ang hinahabol ng mga sakay ng asul na van at itim na kotse o ang lalaking dinampot namin sa kalsada?

"Kung ako ho ang kailangan nila, pababain n'yo na lang ako. Ayokong madamay kayo," anang lalaki.

"Sa tingin mo ba ay matatahimik kami kung hahayaan ka naming mapahamak sa kamay ng mga taong iyon?" Tanong ni daddy. "Walang kasiguruhan na kung ibibigay ka namin sa kanila ay hahayaan nila kaming makaalis. We're all in this together."

Kitang-kita ko ang pagguhit ng respeto sa mga mata ng lalaki para sa daddy ko. Sa kabila ng sitwasyon namin ay hindi ko maiwasang makadama ng pagmamalaki para sa aking ama. My father had always done the right thing. Mayaman man ang pamilyang pinagmulan nito, pinalaki ito ng Lola Inez ko na may paninindigan at paggalang sa lahat ng tao.

"Thank you, Sir,"anang lalaki.

"Huwag ka munang magpasalamat sa akin."Inalis ni daddy sa dirt-road ang sasakyan namin. SUV ang sasakyang dala namin kaya kakayanin niyon ang anumang rough terrain. Mahihirapan ang sumusunod sa amin na sundan kami.

Ngunit nang lumingon ako ay nakita kong nakasunod pa rin ang mga ito sa amin!

"Mukhang modified ang mga sasakyan nila," komento ng lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito pero malinaw na hindi ordinaryong mga sasakyan ang humahabol sa amin. Hindi man lang nayupi ang unahan ng van na bumangga sa amin samantalang nakaangat na ang baggage compartment ng SUV namin.

"Maaabutan na nila tayo, Daddy!" Sigaw ko.

Binundol uli kami ng van habang ang kotse ay pumantay sa amin at ginitgit kami para pigilan kami sa intensiyong makarating sa highway.

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon