MAB 7-Carrera

6 0 0
                                    

Cara's P.O.V

Gumuhit ang pagkabigla sa mukha nito. Pinagmasdan ako nito nang mataman. "Sure?"

Hinablot ko ang bag ko na nasa backseat. Inilabas ko mula roon ang school ID ko na dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Iniabot ko iyon dito, "As you can see, I'm a first year college student."

"Carrera' pala ang tunay mong pangalan. Pangalan 'yan ng sasakyan.

"Mukhang marami kang alam tungkol sa sasakyan. Pati kung paano magbukas at magpaandar ng kotse nang walang susi. What kind of a person are you really?"

"Hopefully, hindi ako masamang tao. Tungkol sa skill ko sa pagbubukas ng kotse, ewan ko. I just knew how to open it and make it start. Automatic na gumalaw ang mga kamay ko. Pero kung nag-aalala ka na sasaktan kita o ipapahamak..." Ibinigay nito sa akin ang baril na nakasuksok sa bulsa ng pantalon nito. "Don't hesitate to shoot me and run away as fast as you can."

Hindi ko kinuha ang baril. "Bakit mo ako tinutulungan, Raden? Ngayon lang tayo nagkakilala. Dapat ay ang sarili mo ang inaalala mo. Ni hindi mo matandaan ang pangalan mo."

"Hindi n'yo rin ako kilala pero nang makita ako ng daddy mo na sugatan ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. Maging ang mommy mo ay nag-alala sa kalagayan ko. Mabubuting tao ang mga magulang mo kaya mali na pabayaan kita. Hindi ko alam kung anong klase ako ng tao. Baka nga isa akong kriminal.mpero hindi ko na matandaan iyon ngayon. Ang natatandaan ko ay ang kabutihang ginawa sa akin ng mga magulang mo. Alam kong hindi kita dapat pabayaan. Na dapat ay gawin ko ang lahat ng makakaya ko para makaligtas ka at matulungan kang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang mo."

A man with a strong sense of justice like his couldn't be a criminal. "I will trust you," wika ko. Iyon kasi ang sinasabi ng isip at puso ko. "Kapag natapos na ang gulong ito sa buhay ko ay ikaw naman ang tutulungan ko para malaman mo kung sino ka talaga. Tutulungan kitang mahanap mo ang pamilya mo. Deal?" Inilahad ko ang kanang kamay ko rito.

Tinanggap nito iyon. "You're right. Hindi ka na nga bata. You don't think and act like one," anito.

Napansin ko na papalubog na ang araw. Malapit nang gumabi. Nang magbiyahe kaming mag-anak kaninang umaga ay hindi ko inakalang iglap ay mawawala ang aking mga magulang. Nagbanta sa pagtulo ang mga luha niya.

No! Hindi siya dapat mag-break down.

"We need to find a place to sleep," ani Raden.

"May ilang mga beach resort malapit dito."

"Not a good idea. Natitiyak kong may mga tauhan nang pinapunta sa mga iyon ang tiyuhin mo. We must stay away from rented places. Mautak ang tiyo mo. Pinagplanuhan niya ang ginawa niyang ito. Hindi na ako magtataka kung siya ang may kagagawan kaya nawalan ng phone signal. Kahit 'yong landline phone sa supermarket ay wala ring dial tone. He has cut off all communications to the outside world."

"Kung gano'n, kailangan na talaga nating makaalis ng bayang ito."

"Kung mag-isip ka ay parang sanay ka sa mga ganitong sitwasyon," komento ko.

"Natutuhan ko lang ang pag-iisip nang gangyan kay Dunbar." Natigilan ito. "Dunbar..."

"Nagbabalik na ang alaala mo?"

"I'm not sure. Pero nasisiguro kong may kakilala akong 'Dunbar' ang pangalan. Hindi ko maalala ang mukha niya ngunit kung hindi ko siya kamag-anak ay malamang na kaibigan ko siya."

Dunbar. Strange name.

May mga naging kaibigan din ako sa Lampara. Pero kung lalapitan ko ang mga ito ay baka malagay sa panganib ang buhay ng mga ito.

"Dapat siguro ay kumain muna tayo bago natin pag-isipan kung saan tayo matutulog."

"Bumili ako ng makakain sa supermarket," wika ko.

Pinagsaluhan namin ang binili kong tinapay at mineral water. Naalala kong kaninang almusal pa ang huling kain ko. No wonder gutom na gutom ako.

Na-conscious ako nang mapansin kong nakatitig sa akin si Raden. Binagalan ko ang pagkagat at pagnguya.

"Dapat mong baguhin ang hitsura mo. You need to look like a boy. May dala ka bang mga damit na magtatago sa gender mo?"

Umiling ako. "Pero may mga polo shirt ang daddy ko."

"Iyon ang isuot mo."

Lumabas ito ng kotse para makapagbihis ako. Nang sabihin ko na nakapagbihis na ako ay saka lang ito sumakay uli sa kotse. Pinagmasdan ako nito nang mataman. Nagsuot ako ng sumbrero para maitago ang kanyang mahabang buhok.

"You still look pretty," nakangiwing sabi nito. "Walang mag-iisip na lalaki ka sa kabila ng getup mo."

Pretty? Nagagandahan ba ito sa akin? Sa kabila ng sitwasyon namin ay nakadama ako ng kasiyahan dahil sa papuri nito sa akin.

Inalis nito ang tingin sa akin at pinagmasdan ang paligid. "Mukhang walang ibang paraan para makaalis tayo sa lugar na ito kundi sa bundok. Ihanda mo ang sarili mo sa mahabang lakaran, Cara."

"Ngayon na ba tayo aalis?"

"Bukas na ng umaga. Dito na lang sa kotse tayo magpalipas ng gabi. Mas ligtas tayo rito."

Umibis ito ng kotse. Nanguha ito ng mga damo at dahon para itakip sa bubong ng kotse.

Naalala ko ang mga magulang ko. Kung buhay pa ang mga ito, tiyak na mag-aalala ang mga ito kung malalaman ng mga ito na magpapalipas ako ng gabi kasama ang isang lalaki. May namuong bikig sa lalamunan ko. Kasabay niyon ay tumulo ang luha ko.

Dali-dali kong pinahid ang mga luha ko nang sumakay si Raden sa kotse.

"It's okay to cry, Cara," sabi nito.

Umiling ako. "Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan sa mga panahong ito. Saka na lang ako iiyak kapag nasa ligtas na lugar na tayo. Kapag nasingil ko na ang tiyuhin ko sa ginawa niya sa amin," matigas na pahayag ko.

------------------------------------------------------------------------------------
Salamat sa pagbabasa kahit boring. Dapat hindi talaga ako magpakita ng kahinaan ngayon. Joke😂😂😂😂 ahahaha😂😂

Like and comments😘😘😁

Happy valentines sa inyong lahat specially to my 2 best friends happy 20th monthsary sa atin. Alabyooo. Amwahh😂😂😘😘 Happy birthday din sa pinsan kong guwapo na kaloka like ni coco martin. Alabyooo kahit masungit . Kahit pinag aawayan natin ang lahat ng bagay. Amwahh


TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon