MAB 2-Chief Engineer

17 0 0
                                    

Tane's P.O.V

"Ibig sabihin, kailangan ko na namang mag-play treasure hunter sa paghahanap ng tower na iyon sa norte," reklamo ko.

"Parte iyan ng trabaho ng chief engineer. At dahil bukod sa iyo ay dalawa lang ang engineer natin dito sa station, dapat hands-on ka talaga," paalala sa akin ni Durant.

"I know. Kahit na parang sa ating lima ay ako itong nahihirapan nang husto. Pero sa pagkakataong ito ay isasama ko si Juancho. Kapag hindi nakaya ni Peter ang problema rito, pagtiyagaan ninyo si Box at ang technical team niya."

"Parang masama ang loob mo, ah. Kasalanan ko ba na hindi kasama sa trabaho ko ang lumabas at magbabad sa arawan? Kung gusto mo, palit tayo. Tingnan ko lang kung magawa mo ang ginagawa ko," paghahamon ni Box. "Isama mo si Buck. Production assistant naman ang designation niya rito."

"No!" Malakas na pagtutol ni Dunbar. "Kapag hindi iyon nakauwi sa gabi, baka sugurin tayo rito ni Marron."

"Each of us has his own job and duty to do," sabad ni Priz. "Kaya natin nakuha ang mga posisyon natin dito sa station ay dahil may talent at kakayahan tayo ro'n. 'Buti nga kayo at napag-aralan ninyo sa college iyang trabaho ninyo ngayon. I need to self-study at mag-research nang husto para lang masigurong tama ang ginagawa ko. Hindi lang creativity ang kailangan sa pagiging program producer. Sa mga balikat ko rin nakaatang ang success at failure ng station. Kahit na iyong mga matatagal nang nagtatrabaho bilang program producer ay pumapalpak pa rin. The program they create still flops. 'Buti sana kung pagkatapos pumalpak ng isang programa ay puwede na akong umalis. Ang kaso, kapag hindi iyon nagustuhan ng mga listeners ay kailangan kong mag-isip ng ipapalit na programa. Gusto ko sanang mag-hire ng isang veteran program producer. Ang kaso, wala tayong pondo para doon."

Natahimik kaming lahat. Medyo nahiya rin siya dahil sa ginawang pagrereklamo.

"Siyanga pala, Dunbar, ililipat ko sa umaga ang program mo."

"What?"

"Wala kasing nakikinig sa program mo sa tanghali. Natutulog ang mga tao kapag gano'ng oras."

"Pero halos lahat ng commentary program ng ibang station ay sa umaga. Paano ako makakasingit doon? At least sa hapon ay meron na akong kaunting regular listeners."

"Trial lang ito. We just need the listeners to be aware of your program." Ang The Free Man ang regular program ni Dunbar.

Binalingan ko si Durant. "Gagamitin namin ni Juancho 'yong isang van. Magdadala rin kasi kami ng mga gamit sa pag-aayos. Plus, we would need extra allowance for the repairs."

"Kay Dunbar ka humingi ng extra allowance. Wala akong pera."

"Oo na! Ako na ang sasagot sa allowance ninyo," wika ni Dunbar.

--------------------------------------------------------------------
Wala akong masabi! Lol😂😂😂😂 Mag Abang Na lang

TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon