MAB 8-Pedophile

26 0 0
                                    

Tane's P.O.V

Pulang-pula ang magandang mukha ng sampung taong gulang na si Priz dahil sa panggagalaiti. "Ang bastus-bastos talaga ng pamangkin ni Mang Lucio," pagsusumbong nito kay Dunbar. "Ang akala yata niya, por que binigyan niya ako ng candy ay magagawa na niya ang gusto niya. Hinipuan niya ako sa puwit. 'Kadiri siya!"

Natawa ako sa pandidiring rumehistro sa mukha nito. Mukha itong prinsesa sa ayos nito. Green ang bestida nito, ganoon din ang sapatos at bag nito. Pati ang ribbons sa buhok nito ay green din.

"Ano'ng ginawa mo?" Tanong dito ni Dunbar, ang tumatayong leader naming magkakaibigan.

"Sinipa ko siya sa ari niya," sagot ni Priz.

" 'Buti nga sa kanya. Bastos naman talaga 'yon, eh," wika ng pinsan kong si Box.

"Ang balita ko pa nga, hindi lang siya nanghihipo. Ipinapakita pa niya sa mga girls ang bird niya," sabi ko naman.

Nang nagdaang buwan lang dumating doon si Ruben. Galing ito ng Amerika. Nasa late twenties na ito. Hindi ko alam kung bakit ito umuwi sa Pilipinas. Isa lang ang nasisiguro ko: Pedophile ito.

"We must do something, Dunbar," wika ni Priz

"Wala ring mangyayari kahit magsumbong tayo sa mga pulis. Tito niya ang hepe ng pulisya dito sa atin," wika ko.

"Saka mayaman si Mang Lucio. Nabalitaan ko na binayaran lang niya ang mga magulang ng isa sa mga batang hinipuan ni Ruben," dagdag ni Box.

"Kung gano'n, ang Freedom Gang ang magpaparusa sa Ruben na iyon," pasya ni Dunbar.

"Ano'ng plano mo?" Tanong ni Priz.

"Sino sa tingin mo ang mas maganda kina Box at Tane?"

"Maganda? Guwapo ako, 'no!" Reklamo ko.

"Mas guwapo ako kay Tane," sabi naman ni Box.

Naglabas ng coin si Priz. "Kapag tao, si Tane ang panalo. Kapag kalabaw, si Box." Inihagis nito ang coin hinayaang bumagsak sa lupa. Ako ang nanalo.

"Sabi na sa inyo, eh!" Pagyayabang ko.

Dagli ring napalitan ng reklamo ang katuwaan ko nang malaman ko ang kailangan kong gawin para magtagumpay ang plano ni Dunbar.

"Nakakahiya," reklamo ko pa.

"Tumigil ka nga riyan sa kakareklamo. Bagay naman sa iyo ang pink dress ko, ah," saway sa akin ni Priz habang sinusuklay nito ang buhok ko na nilagyan nito ng pink ribbons.

"Bakit kailangan ko pang magpanggap na babae? Nandiyan naman si Priz," patuloy na reklamo ko.

"Dahil ayokong mapahamak si Priz sa mga kamay ng Ruben na iyon," sagot ni Dunbar. "Samantalang ikaw, walang mawawala sa iyo kahit halikan ka pa ni Ruben."

"Halikan?" Todo kilabot ang naramdaman ko.

"Para mapasunod mo siya sa iyo, baka kailanganin mo siyang halikan," anito.

Napasalampak na sa sahig si Box sa kakatawa.

" 'Buti na lang pala at hindi ako ang nanalo sa toss coin. Grabeng kahihiyan 'to."

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon