MAB 3-Lampara

12 0 0
                                    

Cara's P.O.V

Apat na oras ang biyahe patungo sa bayan ng Lampara. Patungo roon ang pamilya ko para sa burol at libing ng aking Lola Inez. Biglaan ang pagkamatay ng lola ko. Two weeks ago lang ay malakas pa ito at masayang kasama namin ng mga kabarkada ko sa beach.

Only child ang aking daddy na anak ng Lola Inez ko kaya nang isilang ako ay sa akin nabaling ang atensiyon ng aking lola. Ako ang paboritong apo nito. Nagrereklamo na nga si mommy na in-spoil daw ako ng lola ko dahil ibinibigay ng huli ang lahat ng magustuhan ko.

Nang mag-high school ako ay napagdesisyunan ng mga magulang ko na sa Maynila ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Naroon daw kasi ang magagandang eskuwelahan. Sinamahan ako ng mga magulang ko roon, tutal, marami namang kasama sa bahay ang lola ko. Pero hindi kami nakakalimot na umuwi sa Lampara tuwing school vacation ko. Lagi akong excited tuwing uuwi ako sa Lampara. Alam ko kasing excited din ang lola ko sa pag-uwi naming mag-anak.

Pero ngayon ay tahimik na tahimik ang loob ng sasakyang kinalululanan naming mag-anak. Nang nagdaang gabi lang namin nalaman ang nangyari sa lola ko. Ikinabigla naming mag-anak ang nangyari dito dahil sa pagkakaalam namin ay maayos ang kalusugan nito. Bukod sa rayuma ay wala na itong iba pang idinadaing na karamdaman. Masigla ito at punung-punonlagi ng buhay.

Hindi ko na naman napigilang mapaiyak. Hindi pa man ay nami-miss ko na ang lola ko. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.

Nagulat ako nang biglang pumreno si daddy. Nauntog ang ulo ko sa likod ng upuan ni mommy.

"May biglang tumawid," bulalas ni daddy bago ito bumaba ng sasakyan.

Nagpalinga-linga ako. Nasa isang dirt-road kami. Shortcut iyon patungo sa Lampara. Dati-rati ay sa highway kami dumaraan pero sa kagustuhan ng daddy ko na makarating agad sa Lampara ay sa shortcut na kami dumaan.

Mga puno at talahiban ang nakikita ko bukod sa ilang steel towers sa di-kalayuan. Hindi ko masabi kung anong klaseng tower iyon.

Sinundan ko ng tangin si daddy na yumukod sa harap ng sasakyan.

"Ano'ng nangyari, Dad?" Tanong ni mommy na isinungaw ang ulo sa bintana.

Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko sa pagtayo ng aking ama ay may inaalalayan na itong isang lalaki.

"Kailangan natin siyang madala sa ospital," anito.

"Diyos ko!" Bulalas ni mommy nang makita ang lalaki. Halos kalahati ng mukha ng lalaki ay natatakpan ng natutuyo nang dugo.

Sa backseat pinaupo ni daddy ang lalaki.

"Hindi ko siya nabundol. Nakapagpreno ako. May sugat na siya bago pa man siya tumawid sa kalsada," anang ni daddy nang pumuwesto uli ito sa driver's seat.

Pinagmasdan ko ang katabi kong lalaki. Ang hula ko ay nasa twenties ito. Marumi ang damit nuto. Parang gumulong ito sa putikan.

Bahagya itong umungol. Dumilat ito pero walang focus ang tingin nito. Pumikit uli ito.

"Idadaan muna natin siya sa ospital bago tayo tumuloy sa bahay," anang ni daddy.

Binasa ko ng tubig ang aking panyo at ginamit ko iyon upang pahirin ang dugo sa mukha ng lalaki. Mukhang nagmula ang dugo sa sugat sa likod ng ulo nito.

Sa pagkawala ng tuyong dugo na tumatakip sa mukha nito ay anapansin kong may-hitsura ito.

"Kausapin mo siya para hindi siya makatulog, Cara," wika ni daddy. Napansin kong binilisan nito ang pagpapatakbo sa sasakyan.

"Opo," sagot ko. Binalingan ko uli ang lalaki. "Ako nga pala si Cara. Ano'ng pangalan mo?"

Dumilat uli ito. Tumutok sa mukha ko ang mga mata nito. "Kilala ba kita?" Tanong nito.

"Cara, painumin mo siya ng tubig. Paunti-unti lang," anang ni mommy.

Tumalima ako. Pinainom ko ng tubig ang lalaki. Dahil tumatakbo ang sasakyan ay lumigwak ang tubig at tumapon sa damit nito.

"Sorry," aniya.

Inabot ko ang bote ng mineral water. Hinayaan ko na iyon dito. Napatitig ako sa kamay nito habang umiinom ito. We were working hands. Medyo marumi pa nga ang mga kuko nito. Hindi iyon katulad ng mga kamay ng mapopormang college boys sa university namin na makinis at malambot ang mga palad.

"Thank you," sabi nito pagkainom nito ng tubig.
--------------------------------------------------------------------------
Ano kaya ang susunod na manyayari sa kanilang apat?
Mai aabot ba nila ang lalaki sa hospital? At sino nga ba itong lalaking ito?

Abangan😁😉

Sorry guys. Ang lame ng chapter na ito. Wala akong ibang maisip eh. Lol😂😛 Basta abangan ninyo ang susunod na chapter madami itong pasabog. Pero i don't know if you guys gonna like it. I hope you enjoy and thank you sa pagbabasa kahit boring😂😂😘😁

TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon