MAB 11 Tattoo

14 0 0
                                    

Ngayon na lang ulit ako nakapag Update😂 Sorry Sa mga nag antay lalong lalo na sa pinsan kong maikli ang pasensya😂😂😘 Sorry na kaya eto na nga oh nakiki basa ka lang dito sa account ko eh. Nakuuu😂😂😁 Alabyoooo😍😁 Amwahhh😘😘
************************************************************
Tane's P.O.V

"Kuwarto ito ng mga anak ko pero ginawa ko nang tambakan ng kung anu-ano," pagkukuwento ni Mang Borong habang binubuhat nito ang isang sako palabas ng kuwarto.

Tinulungan ko si Mang Borong.

Inalis namin ang mga nakatambak sa silid. Nang maalis ang mga iyon ay winalis ni Cara ang silid.

Ang maliit na papag doon ang magsisilbing higaan namin.

"Pagpasensiyahan n'yo na ang pinto. Sasabitan ko na lang muna ito ng kurtina para magkaroon kayo ng privacy. Bukas ay puputol ako ng kawayan para maigawa ko na ito ng permanenteng pinto," wika ni Mang Borong.

"Tutulungan ko ho kayo," pagboboluntaryo ko.

"Kayo rin ho ba ang gumawa ng bahay na ito?" Tanong ni Cara.

"Tinulungan ako ng mga kapitbahay ko. Pero ang mesa, papag, at mga upuan ay sarili kong gawa. Noon kasing kapanahunan ko, ang lahat ng mga gamit ay ginagawa at hindi binibili." Nalambungan ng lungkot ang mga mata nito.

"Dati ay limang pamilya kami na naninirahan dito. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nagsialisan na sila. Ang iba ay nanirahan na sa bayan habang ang iba pa ay nakipagsapalaran sa Maynila. Hindi na sapat sa kanila ang simpleng buhay dito sa kabundukan."

Bago dumilim ay natapos si Cara sa paglilinis sa silid.

Pagod na ito kaya ako ang tumulong kay Mang Borong sa paghahanda ng hapunan namin.

Pagkatapos ng isang simpleng hapunan ay naglabas si Mang Borong ng kurtina, kumot, at unan para sa amin ni Cara.

Nang magtungo na ang matanda sa sarili nitong silid ay naiwan kami ni Cara nang magkasama.

Pero kakaiba ang gabing ito sa mga nagdaang gabi dahil matutulog kami sa isang silid.

Sinulyapan ko si Cara.

Noong una kong makita ito ay inakala kong dalagita pa ito.

Ngunit ngayon ay malinaw kong nakikita na sa kabila ng kakulangan nito sa height, ang katawan nito ay sa isang dalaga.

"Sa tingin ko, dapat na nating sabihin kay Mang Borong na hindi tayo nagtanan. Na magkaibigan lang tayo para hindi na  natin kailangang umarte pa," mungkahi ko.

"Sa tingin mo, maniniwala siya? Nang sabihin mong magkapatid tayo ay hindi siya naniwala. Siya itong nag-isip na may romantic relationship tayo. Hayaan na lang natin siya sa gusto niyang isipin at kumilos tayo sa gusto nating ikilos." Umakyat ito sa papag.

"Dito na lang ako sa sahig matutulog."

"Malapad itong papag. Sa tingin ko naman ay wala kang masamang gagawin sa akin dahil kung meron man ay ginawa mo na sana nitong mga nakalipas na gabi. Isa pa, hindi ito ang unang beses na natulog ako sa isang kuwarto at isang kama na may katabing lalaki."

Nagulat ako sa sinabi nito.Wala sa hitsura nito ang pagiging liberated.

"Huwag kang mag-isip ng masama. Walang malisya 'yong sinabi ko. Kapag nagbabakasyon kami ng mga kabarkada ko ay nagse-share kami ng higaan para makatipid. Kapag naman may projects kaming kailangang gawin sa school ay nag-o-overnight ako sa bahay ng isa sa mga groupmates ko kaya nakakatabi ko rin sa pagtulog ang mga classmate kong lalaki. Kaya sanay na ako na may katabing lalaki sa pagtulog."

Napahiya ako dahil sa malisyosong ideya na naisip ko.

Nagtungo ako sa panig ng papag na hindi nito okupado.

Kinuha ko rin ang isang unan at inilagay sa pagitan namin.

Nakita ko ang pagtatanong sa mga mata nito.

"Malikot akong matulog. Baka madaganan kita."

Ngumiti ito. Iyon ang unang beses na nakita ko itong ngumiti.

Nauunawaan ko na mahirap dito ang ngumiti man lang pagkatapos ng mga pinagdaanan nito.

"This will serve as our temporary sanctuary. Magtatago tayo rito habang mahigpit pa ang pagbabantay at paghahanap sa atin ng tiyuhin mo. Hahayaan nating isipin niya na nakatakas na tayo. Kapag inisip niya iyon ay luluwag na ang bantay sa daan at makakaalis na tayo."

"Ano'ng nangyari sa kaliwang paa mo?"

Napatingin ako roon.

Isang hugis-kotseng dark spot ang makikita sa pinakamaliit na daliri ng aking paa.

Pilit na inalis ko iyon ngunit anino nakatatak na iyon sa balat ko.

"It's a tattoo," ani ko.

"That's a weird place to put a tattoo. Mahirap makita 'yan diyan."

"Iyon kasi ang napagkasunduan ng Freedom Gang. Kapag kasi nalaman ng mga magulang namin na nagpa-tattoo kami ay mapapagalitan kami." Natigilan ako. Isang parte na naman ng memorya ko ang na-recover ko.

"Mukhang unti-unti na ngang nagbabalik ang mga alaala ko."

Napalis ang katuwaan ko nang mapansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Cara. "What's wrong?"

"Marami kasi akong napapanood sa TV at pelikula na kapag nagbalik na ang memorya n'ong nagka-amnesia ay nakakalimutan na niya ang mga taong nakilala niya no'ng may amnesia siya."

Tiningnan niya ito nang mataman. "Sa palagay ko ay hindi kita makakalimutan, Cara. Saka nangako ako sa iyo na tutulungan kita kahit magbalik ang alaala ko, 'di ba? I'll start keeping a journal para hindi ko makalimutan ang mga nangyayari sa atin in case na magkatotoo nga ang kinatatakutan mo," pangako ko.

Napalis ang takot sa mga mata nito.

Kamakailan lang ko ito nakilala pero malaki na ang naging parte nito sa buhay ko.

No, my whole life revolved around her right now. Ito ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon.

Gagawin ko ang lahat para matulungan itong makaligtas at mabigyan ng katarungan ang kamatayan ng mga magulang nito.

--------------------------------------------------------------------------
Oh ayan na ang update ko insan😂😂😁 huwag ka na magalit sa akin ha? Nakuuu kapag ikaw talaga naiisahan mo ako. Pero syempre mas magling pa rin ako no. 😂😂 Mas malakas ata ako sa iyo pagdating sa ka spoil an. Syempre only child ako eh.😂😂😘 Pero lab pa rin kita. 😘😍 Ayiiie! Nga pala happy 4th Friendsary sa amin ng mga classmates ko😁😭 Amissyouuuuuu all😘😭😭😭😜 Kahit magkaka hiwalay na tayo sa susunod na pasukan tayo tayo pa rin ha!? Mami miss ko kakulitan ninyo especially sa mga boys na kung ituring nila ako ay "One of the Boys"😂😂😘 Hehe Ngapala hindi na natuloy yung bonding moments natin kasi may mga hindi makakapunta. Sayang😭😭😭 Sa susunod na lang Geh Ang haba na nito eh.. Nga pala guixt sorry sa mga mali maling grammars pag pasensiyahan niyo na ako ha? Hahaha😂😂😂😁😍 Ngayong summer wala na akong Masyadong ginagawa. Anong akala niyo college student na ako?! Hoy!(Ay! Maka Hoy Wagas!😂😂😂😁✌️) High school pa lang ako no👍👌👊 ✌️ Titignan ko pa rin kung may time ako na mag-edit e kasi minsan nag-e-edit lang ako kapag may pumapasok na naman na ideya sa utak ko tapos yun yung idadagdag ko sa isang part. Oh diba Taray! Charr😂😂😝
Sige na Ang Haba Haba na oh😂😁

TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon