MAB 6-Kuya Raden

15 0 0
                                    

Cara's P.O.V

Nagtagis ang mga bagang ng lalaki nang makita nito ang checkpoint sa tanging daan palabas ng Lampara. Natitiyak ko na ang mga armadong lalaki na nasa checkpoint ay tauhan din ng kanyang tiyuhin.

"Damn!" Iniatras ng lalaki ang itim na kotse na gamit ng mga humabol sa kanila. "May alam ka bang ibang daan para makalabas tayo ng bayang ito? Habang nandito tayo ay nasa panganib ang buhay mo. Hindi naman tayo puwedeng humingi ng tulong sa mga awtoridad dito dahil tiyak na kontrolado sila ng tiyuhin mo."

Umiling ako. Isa lang ang alam kong daan palabas ng Lampara unless...

"Maaari tayong makaalis dito sa pamamagitan ng bangka."

"Natitiyak kong naisip na rin iyan ng mautak mong tiyuhin kaya malamang na may mga tauhan na rin siyang nagbabantay sa dagat. Pero kung gabi tayo aalis..." Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko alam kung marunong akong magpaandar ng bangka. Ni hindi ko alam kung marunong akong lumangoy."

Base sa nasaksihan ko kanina ay hindi ito basta-bastang lalaki. Sa kabila ng panganib ay nakapag-isip pa rin ito nang maayos. Itinali nito ang tatlong lalaki sa isang puno. Sinira nito ang makina ng van ng mga ito. Kinuha rin nito ang lahat ng pera ng mga lalaki at pinahawakan sa akin.

Kinuha rin nito ang mga IDs ng mga magulang niya at ipinatago sa akin. Inilipat din nito ang lahat ng bagahe namin sa itim na kotse.

"Ayon sa mga tauhan ng tiyuhin mo, gusto ng tiyuhin mo na mamatay kayong mag-anak para makuha niya ang kayamanan ng inyong pamilya. Kung walang makukuhang identification sa mga magulang mo ay hindi niya agad make-claim ang inheritance dahil lalabas na nawawala lang sila," paliwanag nito.

Dinala namin ang mga bangkay ng mga magulang ko. Nang malayu-layo na kami sa pinangyarihan ng krimen ay bumaba kami ng kotse para ilibing ang mga magulang ko.

"Sa ganitong paraan ay iisipin ng tiyuhin mo na tatlo pa kayong kailangan niyang hulihin. Ang mga ospital at mga kilinika ang tiyak na una nilang pupuntahan dahil iisipin nilang nasugatan lang kayo. So we must stay away from those places."

Hindi ko ito kilala ngunit dahil dito kaya nananatili akong buhay. Kung wala ito ay baka napatay na rin ako. Nagtagumpay na sana ang masamang balak ng Tiyo Renato ko.

Nilingon ko ang checkpoint. Kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag nang hindi kami sinundan ng mga tumatao roon.

Pagbaling ko sa lalaki ay nakita kong nagdurugo uli ang sugat sa noo nito. "Dapat na magamot ang sugat mo," wika ko.

"We can't go to a doctor. Marunong ka bang gumamit ng karayom at sinulid?"

Tumango ako.

"Good. You would need to stitch my wound. Kailangan nating bumili ng gamit para sa sugat ko. Saan ba rito ang pinakamalapit na drugstore?"

Malaki ang bayan ng Lampara ngunit ang malaking bahagi niyon ay kagubatan. "Sa poblacion," sagot ko.

"Kung gano'n, doon tayo pupunta. Dapat na nga rin nating palitan itong kotse. Natitiyak kong makikilala ito ng mga tauhan ng tiyo mo."

Sa isang supermarket sa poblacion namin iniwan ang kotse. Iniwan ko ang lalaki para bumili ng mga pangangailangan namin. Bukod sa gamot, benda, at gagamitin na pantahi sa sugat nito ay bumili narin ako ng makakain namin.

Pagbalik ko ay nadatnan kong nakatayo ito sa tabi ng isang maroon na sasakyan. Sinenyasan ako nitong lumapit. Nang ipagbukas ako nito ng pinto ay nakita ko sa backseat ang mga bagahe namin ng aking pamilya.

"Hihiramin muna natin ito." Hindi na ako nagulat nang magawa nitong paandarin ang kotse nang hindi gumagamit ng susi. Mukhang sa kabila ng pagkakaroon nito ng memory loss ay hindi nito nakalimutan ang mga kakaibang skills nito. Anong klaseng tao ito para malaman nito ang pagbubukas at pagpapaandar ng kotse nang hindi ito gumagamit ng susi?

Isa ba itong carnapper? Tauhan din ba ito ng tiyuhin ko?

No. Ayaw kong isipin ang ganoon. Utang ko rito ang buhay ko. Isa pa, naniniwala ako na kung masama talaga ang isang tao, kahit na mawala ang memorya nito ay hindi pa rin ito gagawa ng kabutihan. Mangingibabaw ang natural evil instinct nito. Ang nangingibabaw na instinct ngayon sa lalaki ay kabutihan.

Ipinarada nito ang kotse sa isang madawag at mapunong lugar. Doon ko nilinis at tinahi ang sugat nito. Wala akong narinig na reklamo mula rito bagaman ramdam ko ang paninigas nito sa bawat pagtusok ng karayom. Pagkatapos kong mabendahan ang ulo nito ay tiningnan ko ang paa nito. May malaking pasa ito roon.

"That's nothing. Nalamog lang 'yan dahil sa pagkahulog natin sa bangin. How about you? May sugat ka ba? May masakit ba sa 'yo?"

Umuling ako. "Sorry, ha? Hindi ko gustong iwan ka ro'n sa sasakyan kanina. Pero hindi kita kayang hilahin palabas ng sasakyan at papalapit na ang mga lalaki."

"Kung ako rin ang nasa kalagayan mo ay gano'n din ang gagawin ko. Ano ang magagawa ng isang batang babae laban sa tatlong malalakas na lalaki?"

Napakurap ako. Bata? Isang bata ang tingin nito sa akin? Matangkad ito. Kung ikokompara iyon sa height ko na hindi man lang umabot nang limang talampakan ay para nga akong bata. Baby-faced din ako at dahil maluwang ang suot kong blouse ay hindi halata na may mga dibdib na ako. Dapat ko bang itama ang maling akala nito?

Napansin kong nakatanaw ito sa malayo.

"Nagbabalik na ba ang alaala mo?" Tanong ko rito.

"Hindi." Bumuntong-hininga ito.

"Ano'ng gusto mong itawag ko sa 'yo?"

"Ikaw na ang bahalang umisip ng temporary name para sa akin. Wala akong maisip, eh."

"How about Raden?"

"Sino siya?"

"No one. Iyon lang ang unang pangalan na pumasok sa isip ko."

Ngumiti ito. "Then Raden it is. I'll be your Kuya Raden for now."

Kuya? Ayaw kong tawagin ito ng "kuya". "Puwede bang 'Raden' na lang? Hindi ako sanay tumawag ng 'kuya.'"

Tumawa ito. "Kakaiba kang bata, Cara."

"I'm not a child. I'm almost eighteen years old."

------------------------------------------------------------------------------
Huwaaaaah! Matangkad ako no! Ahaha😂😂😂 Meron pang sunod hindi ko pa nata tantya kung ilang chapter po ba ito. Enjoy na lang po at wag kalimutan mag like and comments please!? Mwahh!😘😘😁😂

TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon