MAB 12 Dream

13 0 0
                                    

Dedicate to sa'yo Bb Angelica😘😁 Alabyooo and Amissyoooo Sis! Amwaaah😘😁❤️
*********************************************************
Tane's P.O.V

Apat na araw na kaming nakikituloy sa bahay ni Mang Borong nang gisingin ako ng malakas na sigaw ni Cara.

Madilim pa kaya kinapa ko ang kinaroroonan nito.

Nananatili itong nakahiga ngunit patuloy na sumisigaw at umiiyak.

Nananaginip ito.

Hinawakan ko ito sa balikat at niyugyog. "Cara, gising! Nananaginip ka." Ibinangon ko ito.

Tumigil ito sa pagsigaw ngunit hindi sa pag-iyak.

May liwanag akong nakita mula sa labas ng pinto.

Lumalagos iyon sa siwang ng pintong gawa sa kawayan.

"Tane? Cara? Ano'ng nangyari?" Tanong ni Mang Borong.

"Nanaginip ho si Cara," sagot ko.

Sa tulong ng liwanag ay nakita ko ang magkahalong lungkot at takot sa mukha ni Cara. "They're dead. Wala man lang akong nagawa para mailigtas sila," panangis nito.

Niyakap ko ito.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nito.

Dahil sa pagtakas namin sa tiyuhin nito ay hindi ito nagkaroon ng panahon para ipagluksa ang kamatayan ng mga magulang nito.

Ang takot, galit, at pangamba nito ay pansamantalang natabunan ng nakaambang panganib sa buhay nito.

Ngunit sa animo santuwaryo na natagpuan namin sa bundok, sa pagkawala ng panganib ay mukhang nangibabaw ang emosyon ng pilit nitong ibinaon.

"Iiwan ko na itong ilawan dito sa labas ng pinto. Kayo na ang magpatay kung matutulog na uli kayo," sabi ni Mang Borong

Nagpasalamat ako rito bago ko binalingan uli si Cara. "It's all right. Hindi tayo titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang kamatayan ng mga magulang mo. Pangako 'yan." Habang sinasabi ko iyon ay hinahaplos ko ang likod nito para makalma ito.

Yumakap ito sa akin.

Matagal kaming nanatiling magkayakap.

Binitawan ko lang ito nang makatulog na ito.

Pinahiga ko ito at binantayan.

Kinabukasan ay animo nakalimutan na ni Cara ang panaginip nito.

Ipinagpasalamat kong hindi rin inungkat ni Mang Borong ang nangyari nang nagdaang gabi habang nag-aalmusal kami.

Pagkatapos kumain ay nagtungo na kami sa bukid para magtanim ng palay.

Tulad ng mga nagdaang araw ay naiwan sa bahay si Cara para maglinis at magluto ng tanghalian namin.

Bagaman nag-iisang anak ito at halatang lumaking may-kaya sa buhay, hindi ito spoiled.

Marami itong alam na gawaing-bahay.

Ang bahay ni Mang Borong ay nasa dulo ng sakahan nito kaya kahit abala kami sa pagtatanim ay natatanaw ko pa rin si Cara.

Kasalukuyan itong namimitas ng mga gulay sa gilid ng bahay.

Biglang hinangin ang suot nitong salakot.

Gumulong iyon sa lupa. Hinabil nito ang salakot.

Kung pagmamasdan ito ay parang wala itong iniinda.

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon