MAB 5-Governor Renato Alfonso

9 0 0
                                    

Cara's P.O.V

Dinampot nito ang nabitiwang baril ng kalaban bago inilahad ang isang kamay nito para makapitan ko. "Let's go, Cara."

"Hindi natin puwedeng iwan sina mommy at Daddy."

"Huwag kang mag-alala. Babalikan natin ang mga magulang mo. Pero sa ngayon ay dapat na makaalis tayo rito. Gusto ka nilang patayin."

Kumapit ako sa kamay nito. "Saan tayo pupunta?"
"Sa 'taas."

Dala ang wrench at ang baril, sinimulan namin akyatin ang bangin. Mabagal ang progreso namin dahil medyo hilo pa ito. Hindi rin nakaila sa akin ang pag-ika nito. Mukhang nasaktan ito nang gamitin nitong cushion ang katawan nito para maprotektahan ako nang mahulog sa bangin ang aming sasakyan.

"Base sa narinig kong pag-uusap nila ay tatlo lang sila. Kaya isa na lang ang naiwan sa 'taas," anito.

Malayo ang inakyatan namin sa kinahulugan ng sasakyan kaya hindi kami napansin ng lalaking nakatayo sa gilid ng bangin. May hawak itong cell phone. Base sa ikinikilos nito ay inihahanap nito iyon ng signal.

"You try to distract him," utos sa akin ng lalaki.

Sa kabila ng takot ay tumago ako. Kailangan kong mabuhay at para mabuhay, dapat ay mapigilan namin amg mga taong gustong pumatay sa akin.

Sinenyasan ako ng kasama ko na magpakita ako sa lalaki. Naglakad ako palapit dito. "Sir, ang mga magulang ko, kailangan nila ng tulong," wika ko.

Tumingin sa akin ang lalaki. Kapagkuwan ay gumuhit ang maluwang na ngiti sa mga labi nito. "Nakaligtas ka pala."

Napaatras ako. Isinuksok nito sa bulsa ng pantalon nito ang cell phone nito. "Pasensiya na pero kailangan mong sumama sa mga magulang mo."

Tumakbo ako palayo rito. Hinabol ako nito. Hindi nito napansin ang kasama kong lalaki na nagtatago sa isang puno. Pagdaan doon ng lalaki ay hinataw ito sa tuhod ng kasama ko ng hawak nitong wrench. Napahiyaw sa sakit ang lalaki kasabay ng pagbagsak nito sa lupa. Namilipit ito sa sakit habang hawak-hawak ang tuhod.

Nilapitan ito ng kasama ko. Tinutukan nito ng baril ang lalaki. "May isa ka pang tuhod, pare. Sinisiguro ko sa iyo na babasagin ko rin 'yan kapag hindi ka nagsalita," banta nito.

"Napag-utusa lang ako."
"Sino ang nag-utos sa 'yo?"

Tumingin sa akin ang lalaki bago sumagot. "Si Governor Renato Alfonso."

Si Tiyo Renato? Pero pinsan ito ng daddy ko. Ito rin ang kasalukuyang gobernador ng probinsiyang iyon habang mayor naman ng Lampara ang isa sa mga anak nito. Bigla kong naalala kung bakit pamilyar ang mukha ng lalaki. Ito ang madalas na kasa-kasama ng Tiyo Renato ko.

"Kung sino ka man, mamamatay ka rin habang kasama mo ang babaeng 'yan. Nasa bayan na kayo ng Lampara. Hindi hahayaan ni Governor Alfonso na makalabas nang buhay ng bayang ito ang sinumang Astoria."

------------------------------------------------------------------
O my gosh how dare you tito! Joke😂😂 Sorry kung ang ikli ng update ko ngayon. Pero don't worry maga update ako ngayon. Agad- agad. Wala naman ako ngayong ginagawa kasi saturday ngyaon. Di pa ko college no!! Ahahahaha😂😂😂😂 tsaka kailangan kong mag update agad agad kasi bukas i am going to church for a mass and then i will go to the beach to unwind😍😉 Sige na dapat talaga akong makabawi dito. Bye!

TheForeverSpoiledBrat,

JNaiza😘😘

My Amnesia BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon