TCGP:Chapter 18

4.7K 171 12
                                    

Na-speechless ako sa sunod sunod na vote tsaka pagco-comment niyo huhuhuhu T_T Hindi sapat ang thank you ko dahil sa ginawa niyo. Huhu. Yung mga nagfa-follow rin. Tsaka yung mga nag-aadd ng story ko sa reading list / library niyo. MARAMING MARAMING THANK YOU. KAMSAHAMNIDA. ARIGATO. ASDFGHJKL wala na akong masabi putek.

Kaya may ud ngayon. :)) tinatamad lang talaga ako nung mga nakaraan teehee. XD sorry. Actually nung may nakikita akong nagco-comment,kinakabahan ako kung ano yung sasabihin niyo. Kaya ayun,thank you talaga. Hahaha

So ito na ang update. Enjoy ;)

[[[ CHEZREE's pov ]]]

Pumunta na akong room at good thing,hindi nagtanong yung prof namin kung bakit ang tagal ko pero pagkaupo ko pa lang...

"Why you took so long?" Pagtatanong ni Chezer.

"Mahaba pila." Simpleng sagot ko.

"Sabi ko sayo samahan na kita eh."

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at tumingin na lang ako sa harap. But wait,nasaan na yung Gardong yun? -_-

***

Sabay sabay kaming bumaba nung nag-lunch break na pero siyempre may kailangan pa kaming hintayin.

Tsk. Kaurat kayang maghintay. -_- lalo na kapag hindi dadating yung hinihintay mo,masasaktan ka lang -_-

At ayun nga dumating na rin yung tatlong ugok.

"Ano NA NAMAN ang ginawa niyo at ang tagal niyo?"-paguusisa ni Mindi na in-emphasize pa ang salitang 'na naman'.

"Mandidiri ka kapag sinabi ko yung akin." -Migs

"What is it?" Tanong ni Mindy.

"Tumae ako." Diretsong sabi ni Migs. Kadiri talaga ang isang to kahit kailan. Walang preno yung bibig.

"Anong nakakadiri doon? For your information,lahay tayo tumatae."

Ang non-sense ng pinaguusapan nila lalo pa at nasa cafeteria kami.

"Kumain na tayo."pagi-interrupt ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin at nagtanguan sila.

Nagsimula na silang bumili ng kaniya kaniya nilang pagkain at as usual si Chezer na naman ang bumili sa akin.

Habang mag-isa akong naghihintay sa kanina,may bigla na lang nangalabit sa akin. Lumingon ako at nakasalubong ko ng tingin ang isang bata...bata? Teka... paano napunta yan dito?

"Bakit?"

In-extend niya yung dalawa niyang braso at nakita kog may hawak siyang box.

"May nagpapabigay po sa inyo."

"Sino?" Tanong ko. Sino namang magbibigay sa akin niyan?

Secret admirer? Duh -_- maybe a stalker.

Luminga linga naman yung bata na para bang may hinhanap at nung nakita niya na ay itinuro niya yon.

"Ayun po! Si kuyang pogi po yung nagpapabigay!" Magiliw niyang sabi.

Lumingon naman ako kung saan yung tinuturo niya.

Sh-it. Nababaliw na ba siya?

Nakangiti pa siyang kumakaway habang nakasandal sa pader sa may gilid ng glass door ng cafeteria.

Ano na namang kabaliwan to?!

Lumingon ako sa bata.

"Pakisabi sa kaniya. Hindi ko tinatanggap."

Nag-pout naman yung bata ang i swear ang sarap niyang kurutin sa pisngi.

"Magtatampo daw po siya kapag hindi niyo tinanggap."

I sigh.

"Fine." Suko ko. Kinuha ko yung box at bago umalis yung bata ay may binulog muna siya sa akin.

"Ang ganda ganda niyo daw po sabi niya."

Umalis na yung bata at bumaling ako ng tingin kay Gareth. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya at umalis na.

Binuksan ko yung box at may laman iyong cupcake. May letter doon.

'I'

Huh?

Bago pa dumating sila Chezer ay nilagay ko na sa bag ko yung box.

***

Nung pumunta na ulit kami sa room at pumunta na ako sa upuan ko ay may box na naman doon. Hindi ko na lang muna yon pinansin at nilagay ko na sa bag ko.

Tinignan ko kung nandito na si Gareth sa room at nakita ko siyang nakikipagusap sa mga barkada niya.

Umismid na lang ako at umupo na sa upuan ko.

***

"Ree,mabagal ka pa ba diyan?" Nagmamaktol na sabi ni Chezer.

Nagpatuloy lang ako sa pag-kopya ng lectures at hindi ko siya pinansin.

"Naman eh! Uwi na tayo. Papakopyahin na lang kita sa notes ko." Pilit niya pa.

"Ayoko. Tsaka sinabi ko bang hintayin mo ako? Mauna ka na." Sabi ko habang nagsusulat.

Kanina pa kasi siya naghihintay dito. Konti na lang rin yung mga kaklase ko na nadito.

"Ayaw. Paano na alng kung may lumapit na lalaki sayo dito tapos may gawing masama?" Nakanguso niyang sabi. " kilala mo naman yun mga studyante dito eh."

I mentally rolled my eyes. Ang kulit niya.

"Oh God! For pete's sake,Chezer. School to,arasso? Tsaka kaya ko na ang sarili ko. Sa parking mo na lang ako hinatyin. Bumaba ka na." Sabi ko.

"Pero---" tutol niya pa pero pinigilan ko na siya. "No buts. Just shut up and go!"

Nakanguso siyang tumango at umalis na. Si Mindi nauna na ring umalis kasi daw magma-mall sila. Inaaya nga ako eh pero hindi ako sumama. Kaya ayun,ang kj ko daw -_-

Naging tahimik yung paligid kaya nilibot ko yung tingin ko sa buong room. Ako na lang pala ang mag-isa.

Pinagpatuloy ko na lang yun pagsusulat ko.

"Chezree." Narinig kong may tumawag sa akin na nanggagaling sa likod ko.

"What?" Naiinis kong sabi. Binibilisan ko na nga yung sulat ko kasi baka maiwan ako ni Chezer eh. Tapos may eepal pa.

Narinig ko ang paglalakad niya at alam kong nasa harap ko na siya. Pero nagsusulat pa rin ako.

Napahinto lang ako sa pagsusulat nung may nilapag siya na box sa desk ko. Pangatlong box na 'to. Inangat ko yung tingin ko at sumalubong sa akin ang nakangising si Gareth.

Oh man,isa pang sakit sa ulo.

"Uhm hi? Naistorbo ba kita?"

HINDI. hindi mo ako naistorbo. Bwisit. -_-!!

To be continued...

Read.vote.comment.follow.

-koreanangFangiirl

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon