TCGP:Chapter 24

2.8K 102 14
                                    

[[[ XIAN's pov ]]]

Si Leslie?

Takte. Kaya pala nung una palang pamilyar na sa akin yung apelyido niya. Ipinagpawalang bahala ko na lang kasi baka nagkakamali lang ako. Marami kayang Sarmiento ang surname.

Pero ngayon napatunayan ko na.

Nagaya nang magdinner yung addy ni Leslie kaya pumunta kaming dining room.

"Manang,pakitawag naman si Leo. Pakisabi kakain na." Sabi nung  daddy ni Leslie.

Agad na dumiretso sa taas yung katulong nila para tawagin yung Leo.

"Magkakilala na ba kayong dalawa?" Tanong ni mom.

"Yes,mom. Actually magkaklase kaming dalawa." Sabi ko. Napapalakpak naman siya na parang tuwang-tuwa.

"That's great. Hindi na pala kami mahihirapan." Sabi nung dad ni Leslie.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya magtatanong na sana ako kaya lang biglang nagsalita si Mom.

"Mamaya na natin to pagusapan pagdating ng daddy mo Xian."

Anong paguusapan?

-The next day-

Pumwesto ang apat na hindi kilalang lalaki sa kanilang naatasang pwesto para mahintay ang kanilang biktima.

"Sigurado ba kayong dito yon?" Tanong ng isang lalaki habang lumilingon sa paligid.

"Oo. Sigurado kami." Rinig niyang sabi ng isang lalaki sa kabilang linya ng earpeace.

"Mga g@go! Ayusin niyo trabaho niyo! Mapapatay tayo ng wala sa oras kapag naging palpak to." Singit naman ng isang lalaki sa kanilang paguusap.

Habang yung isa ay tumitingin sa paligid at nung nakita niya na yung biktima nila ay pinagsabihan niya na yung tatlo na maghanda na.

---

Sa kalagitnaan ng pangalawang subject nila Chezree ay parang may naramdaman siyang hindi tama. Ngunit ipinagsawalang-bahala niya na lang ito.

"Yah."

Tawag naman sa kaniya ng katabi niya. Binigyan niya na lamang ito ng masamang tingin bago tumingin ulit sa harapan.

"Sungit." Bulong nito pero hindi ito nakatakas sa pandinig ng dalaga.

"What's your problem?" Naiinis na bulong naman ni Chezree.

"Ikaw." Diretsong sagot ni Gareth habang nakatingin ng diretso sa mata ni Chezree.

Natigilan sandali si Chezree pero nung narinig niya ang pagpigil ng tawa ni Gareth ay halos masuntok niya na ito.

"De joke lang. Haha." Umayos siya ng upo. "Kanina ka pa yata hindi mapakali." Nagtatakang sabi ni Gareth.

"Wala ka na doon." Hulin sabi ni Chezree sa kaniya at tumingin ulit sa harapan.

Pero ilang sandali lang ay narinig niya Ng pagvibrate ng cellphone niya na nasa ilalim lang ng mesa niya.

Hindi na dapat niya papansinin pero nagvibrate na naman ito. Sa sobrang inis niya ay kinuha niya ito. Inis na nga siya sa katabi niya,dumagdag pa ang nagtext.

Binuksan niya yung message.

---

Fr:unknown#

Good day,Ms. Chezree! Nasa amin ang isa sa mga kaibigan mo ngayon. Kapag hindi ka pumunta dito sa ******* building, hindi mo na siya makikitang buhay pa.

---

Fr:unknown#

By the way, subukan mo lang magsama ng ibang tao,sisiguraduhin namin na patay ka na kahit na hindi ka pa nakakapunta dito.

---

Napamura siya sa isip niya at kinuyom ang kamay dahil sa galit. This is pure bullshit!. Iginala niya ang paningin niya sa buong room. Nika is nowhere to be found. Tama nga ang masama niyang nararamdaman kanina.

Her friend is being kidnapped by those bastards!

Hindi niya napapansin ang pagtatanong ng madadaldal niyang katabi dahil na-occupy ang utak niya dahil sa isang text message na iyon.

"Tangina. Ano na namang problema ng isang to? Seriously." Paguusap ni Gareth sa sarili niya.

Pati siya ay nababaliw na rin.

Napatingin siya kay Chezree nung bigla itong napatayo.

"Sir,emergency."

Hindi pa nakakasagot ang guro ay nagtatakbo na ito palabas.

Pati ang kambal nito na si Chezer ay nagaalala na rin. Panigurado siya na may hindi magandang nangyari.

Napatingin naman si Gareth sa phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa ni Chezree.

Hindi niya na sana papansinin pero dahil na-curious siya ay pasimple niya itong kinuha.

Hindi pa ito nakapatay kaya agad niyang nakita ang text message at binasa niya ito.

Oh shit. Baliw na talaga ang babaeng yon!

Sakto naman na may nagpaexcuse sa guro nila kaya agad niyang pinuntahan si Chezer at sinenyasan na lumabas.

"Anong kailangan mo?"

Kunot noong tanong ni Chezer. Inis pa rin kasi ito sa inaasal ni Gareth. Masyadong mayabang.

Inabot naman ni Gareth ang hawak niyang phone kay Chezer.

"W-wait..kay Chezree to ah?"

"Just read it." Inis namang sagot ni Gareth.

Matapos niya itong mabasa ay agad na nanlaki ang mga mata ni Chezer at napamura na lang sa kaniyang isip.

Agad rin namang tumakbo si Chezer papalayo na siyang ikinagulat ni Gareth. Napailing na rin siya at agad na tumakbo para sundan si Chezer.

At dahil class hours pa ay sa likod sila ng school dumaan at success naman silang nakalabas ng school.

Tinawagan naman ni Gareth si Drin at sinabi dito ang nangyari at ganun na rin ang ginawa ni Chezer sa mga kaibigan niya.

Hindi rin mapakali si Chezer dahil baka ay mapahamak ang kambal niya. Kung bakit naman kasi hindi muna nagsabi bago sumugod eh.

To be continued...

A/N:

shettttt atlast nakapag-ud rin T.T hirap ng walang wifi. Putek. Outdated na outdated na rin ako sa exo at bts.

Hirap rin pala ng buhay gr. 10. Buti na lang wala akong kulang 😭😭 ligtas akooooooo.

500 reads na lang 90k reads na siya. 😭😭 MARAMING SALAMAT SA MGA SUMUSUPORTA TSAKA NAGBABASA AND NAGVOVOTE NG STORY NA TO KAHIT MATAGAL ANG UD 😭😭 DEDICATED TO SA INYONG LAHAT.

read. Vote. Comment.

160828

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon