TCGP:Chapter 25

2.4K 43 18
                                    

[[[ CHEZREE's pov ]]]

Bullshit.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Nika. Tangina talaga.

Pagdating ko sa building na sinasabin nila ay hindi na ako nagalinlangan pang pumasok kahit na hingal na hingal pa ako.

All I have to do is to save Nika.

Sumalubong sa akin ang amoy ng sigarilyo at ang ingay ng mga kalalakihan sa loob ng building.

Nalipat yung tingin ko kay Nika na nakaupo sa isang tabi habang may tali ang kamay at paa niya. Nakatakip pa ang mga mata nito ng panyo.

Sigaw siya ng sigaw na pakawalan na siya pero hindi manlang siya pinapansin nung mga lalaki.

Agad naman na naginit ang ulo ko. Napasugod ako bigla nung may lumapit na lalaki sa kanya at hinawakan ang panga niya.

"Miss, pwede bang--"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinuntok ko na agad yung lalaki.

Mukhang nagulat pa yung ibang kasamahan niya dahil sa biglang pagsulpot ko.

"I'm here now. What the fuck do you want?" sabi ko sa kanila.

"Ch-chezree?!" narinig ko sigaw ni Nika. "Chezree, tulungan mo'ko please!"

Hinawakan ko yung balikat niya. Naramdaman ko pa ang panginginig niya. "Don't worry, akong bahala" sabi ko sa kaniya para naman gumaan-gaan ang pakiramdam niya.

"Mawawala ang thrill kapag sinabi namin kung anong kailangan namin. Maglaro muna tayo." sabi nung lalaking sinuntok ko kanina. Ngumisi siya habang pinupunasan ang dugo na nanggaling sa bibig niya.

"Fucking retards. I'm sure that you'll regret this day." I said and I smirked.

"Hah! Tignan lang natin." sabi niya at sinenyasan niya yung mga kasama niya para sugurin ako.

Nakakita naman ako agad ng baseball bat sa gilid ko.

May sumugod sa aking lalaki pero yumuko ako at tinisod ko siya at agad kong kinuha yung baseball bat.

Tumayo ako at pinatong ko yung bat sa balikat ko. Nakita ko pa ang takot at pagaalinlangan sa mga mata nila.

"Sugurin niyo na! Babae lang yan!" sigaw na naman nung lalaking sinuntok ko kanina.

Tumingin ako sa mga lalaki at tinaasan ko sila ng kilay. "kaya niyo pa? Isa palang yung natumba pero nagkakaganyan na kayo? Basic pa nga lang yon eh." I smirked.

Kitang-kita ko sa mga mata nila na napalitan yon ng galit. Magiging exciting yata ang araw ko ngayon ah.

Sunod sunod silang nagsisuguran sa akin.

Sinuntok ko sa mukha yung isang lalaki at hinampas ng bat yung tiyan niya.

Oops. I didn't mean it.

Sumugod sa akin yung isang lalaki na may hawak na kutsilyo pero hinampas ko yung kamay niya kaya tumalsik yung kutsilyo na hawak niya.

Kinuha ko yung kamay niya na hinampas ko pero napatingin ako bigla sa likod ko nung maramdaman kong may susugod kaya sinipa ko siya at hinagis ko sa kaniya yung lalaking kanina ko pa hawak.

Sunod sunod kong hinampas ng bat yung mga lalaking nakapaligid sa akin. Sunod sunod rin naman silang natumba dahil sa lakas ng impact ng bat na natamo nila.

Tsk. Ang boring naman. Wala manlang ka-thrill thrill.

Dalawa pa yung nakatayo. Isama na rin natin yung lalaking leader kuno nila kaya tatlo na.

Tumalikod ako para sana kunin yung kutsilyo pero natumba ako nung may biglang tumulak sa akin.

"Akala mo ba matatalo mo kami? Hindi porket babae, palalampasin ka na namin."

Dahil sa inis ko agad kong kinuha yung kutsilyo at nilaslasan ko yung hita niya. Dumaing naman siya dahil sa sakit. Agad kong sinipa yung paa niya na naging dahilan ng pagkakaluhod niya. Hinampas ko siya sa likod edi ayun tumba siya.

Akala ko tapos na pero biglang nagsitayuan yung iba sa kanila na napuruhan at sinugod ako.

-
Samantala...

Sila Chezer, Gareth at ang mga kasama nila ay napatanga nalang dahil sa mga nasaksihan nila ngayon.

"kahit hindi na namin siya tulungan, alam kong kaya niya na yan." sa isip-isip ni Chezer.

"wala manlang kagalos-galos? This girl is really unbelievable." sa isip-isip naman ni Gareth.

Habang nanonood ay nalipat ni Jam yung tingin niya sa babaeng nasa gilid na nakaupo sa upuan at nakatali ang paa't kamay.

Bigla nalang kumabog ng malakas yung dibdib niya.

"Kaya ba hindi ko siya nakita kanina na pumasok?" tanong niya sa isip niya at lalo siyang nabahala.

To be continued...

Hi mga bes! HAHAHAHAH sorry kung ngayon lang nakapag-ud. :< tinamad na si author eh. Pero itutuloy ko na to.
Tsaka ieedit ko yung mga naunang chapters dahil sa sobrang jeje HAHAHAHAHA. Ang dami ring typo kung napapansin niyo hahahhaha. Sorry talaga.

If you want, you can read my other story. Punta lang kayo sa profile ko. Epistolary siya at puro conversation pero may mga narration din. Kung rp'er kayo, alam kong maiintindihan niyo yon. Hikhok. :>

Hanggang dito na lang! :)

Read. Vote. Comment.

042218

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon