TCGP:Chapter 20

5.1K 163 41
                                    

Mian for the late update. Hahaha thank you nga pala sa nga nagcocomment. ^_^ na-appreciate ko yun.

Omo. 4th year anniversary na pala bukas. Huhuhu. Yung feels ko. T_T

Chezree on the multimedia 👆👆

[[[ CHEZREE's pov ]]]

"Ree,ang tahimik mo yata?" Tanong ni Chezer habang nakafocus sa daan dahil nag dadrive siya.

Para namang hindi na siya nasanay.
-_-

Tumingin na lang ako sa bintana. Hindi na rin siya nagsalita pa.

Habang binabagtas namin ang daan papuntang school ay naisip ko yung binigay sa akin nung Gareth na yon.

Napangisi na lang aki sa isip ko.

Hindi ako bobo para hindi malaman na pinagtitripan niya lang ako. Imposibleng magustuhan niya ako dahil three weeks pa lang kaming magkaklase.

One more thing. He doesn't know a single thing about me. Love at first? Nah. Hindi rin ako naniniwala diyan.

I know that he's playing a game.

He wants a game? Alright then, i'll give it to him. Tsk.

(SCHOOL)

Nag park agad si Chezer pagkapunta namin sa school.

Bumaba na ako at hindi sa kalayuan nakita ko sila Nika na naghihintay sa amin. Lagi naman eh. Ito talaga ang hindi mawawala sa eksena.

Nkasunod lang ako kay Chezer papunta kila Nika nung maramdaman kong nag-vibrate ang hawak kong cellphone.

Tinignan ko kung sino yung nag-text.

Unknown number?

-----

From:+639*********

Yow! :D

-----

Kumunot na agad ang noo ko nung pagkabasa ko palang sa text. Who the hell is this?

Tss. Hindi ko na lang yon pinansin at nilagay ko na lang sa bag yung cellphone ko.

***

Naglalakad ako ngayong breaktime papunta sa rooftop dahil nagtext na naman sa akin yung unknown number.

-----

From: +639*********

Rooftop.breaktime.

-----

Yan lang ang nabasa ko sa text at kinutuban na ako kung sino 'to.

That guy again.

Kaya heto ako ngayon at inaaksaya ang oras sa kaniya.

Nung nakarating na ako sa rooftop ng school ay binuksan ko na yung pintuan. May nakita akong lalaki na nakatalikod sa akin. Nakapatog yung braso niya sa railings at parang tinatanaw yung buong school.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya.

Humarap naman siya sa akin at doon ko nakita ang mapaglarong ngisi niya sa labi.

"Oh,you came!" Gulat na sabi niya pero halatang fake. I just rolled my eyes because of annoyance.

"Obvious." Kaswal kong sabi sa kaniya.

"Sungit." sabi niya pa, "anyways,yung tungkol nga pala sa binigay ko sayo."

"Anong meron doon?" Ako sabay crossed arms.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang masasabi mo."

Oh please. -_-

"Really?" Tanong ko. Tumango naman siya. "About sa cupcake. Masarap siya,sa sobrang sarap tinapon ko sa basurahan." Sabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Kitang-kita ko pa ang medyo ngumanga niyang bibig.

"Yung message naman nun..." lumapit ako sa kaniya at pinakatitigan ko siya sa mata.

Doon ko napansin na medyo may pagkasingkit ang mata niya at kulay brown ito.

Sapat na ang mata niya para lang mapahulog ang isang babae sa kaniya. Kaya pala marami rin ang nagkakandarapa sa isang 'to.

Except me. -_- heck no! Wala sa bokabularyo ko ang mahulog sa Gardong yan.

"Gusto kita." Diretso kong sabi.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Hah! Naniwala naman siya?

Hinawakan ko yung balikat niya and i felt him stiffened. Tch. kita ko rin ang pamumula ng mukha niya.

"A-ano?" Nakatulalang sabi niya.

"Gusto kita..." ulit ko pa at nilapit ko yung labi ko sa tenga niya. Tumingkayad pa ako dahil sa sobrang tangkad niya.

"....gusto kitang sapakin ngayon pero sa susunod na lang. I have a gift for you too. Eto oh.."

Agad ko naman siyang tinuhuran sa alam niyo na part.

Lumayo ako at doon ko nakita kung paano siya maglupasay sa sahig habang hawak niya ang kinabukasan niya.

Poor him. Tsk. Dapat lang sa kaniya yan.

"F^ckshit!!!" A-aww!" Mura at daing niya pa.

Tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko. Sa totoo lang ang laki niyang tanga.

"Serves you right. Hindi ka ba magtatanda? Gusto mo pa talaga daanin sa sakit eh. Kung yang pagaaral mo kaya ang atupagin mo hindi yang panlalandi mo."

Tumalikod na ako at nagtungo na sa pinto pero bago ako lumabas...

"One more thing. You can't fool me,asshole."

To be continued...

Comment lang kung ano ang masasabi sa chapter nito. Hahaha.

Read.vote.comment.follow.

040716

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon