Chapter 1

434 14 0
                                    



Tok! Tok! Tok!

"Anak papasok kaba o hindi, mag-a-ala syete na ng umaga, ma lalate ka na naman", sigaw ng aking ina na kanina pa kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.

Binuksan ko ang aking mga mata at dali daling tumingin sa aking orasan ng makita kong lagpas ala syete na pala. "naku! Ma lalate na naman ako nito at papagalitan na naman ako ni Adrian kapag nahuli ako ng pasok sa opisina".

Si Adrian yung boyfriend ko ng dalawang taon, pareho kami ng pinapasukang kompanya pero mag ka iba kami ng opisina. Sobrang dedicated sya sa trabaho nya kaya ayaw na ayaw niyang nag aabsent o nalalate sa trabaho. Kahit masama ang pakiramdam nya ay pumapasok talaga sya.

Kinuha ko ang aking tualya upang pumunta na ng banyo para maligo ng makita kong sirado yung banyo, "puta naman oh, sino ba nandyan sa loob malalate na ako nito eh", ang sabi ko ng pagalit. "Ate sandali na lang malapit na akong matapos" sagot naman ng aking nakakabatang kapatid na si Tantan.

Sobra ala otso na ng makarating ako sa opisina, ng biglang may nagtext sa akin,


From: Adrian

Late ka na naman! Ilang beses ko bang sabihin sayo na huwag kang ma late kung gusto mo maganda ang tingin sa iyo ng manager mo. Ayan ka nanaman kasi sa ugali mong tamad eh.


Hindi ko na ni replyan pa ang text ng magaling kong boyfriend dahil quota na ako sa sobrang malas ng umaga ko, lunes pa naman ngayon.

"Kayla, bibilika ba ng pagkain pang tanghalian mo o sabay na kayo ni Adrian?", tanong sa akin ni Sheryl.

Si Sheryl ay ang kasamahan ko sa opisina, ako ang nag recommend sa kanya sa aming manager kaya sya naka pasok sa kompanya namin. Mag kaklase kami ni Sheryl nung nasa kolehiyo pa kami at magbarkada din kami.

"Diko alam she, itetext ko pa si Adrian kung sabay ba kami mananghalian o hindi", sagot ko kay Sheryl.

Halos mag kasabay kasi kami parati ng boyfriend ko na kumain ng lunch kasi nasa iisang building lang naman kami. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Adrian,


To: Adrian

Sabay ba tayo mag lunch ngayon?


From: Adrian

Oo naman, ano gusto mong ulam at tatawagan ko yung canteen para makapag pa reserve ako.


To: Adrian

Ikaw na bahala mag order, kahit ano naman gusto ko pwera lang sa gulay hehehe


Nung oras na ng lunch ay dumiretso kami ni Adrian sa canteen, hawak-hawak ako sa braso nya habang hinihintay yung pina reserve niyang pagkain. "Di talaga kayo mapag hiwalay ano, lagi kayong naka dikit sa isat-isa" biro ni William mula sa HR office.

"Ikaw talaga William maghanap ka nga ng sa iyo" sagot naman ng pabiro ni Adrian.

Matapos naming kumain ng lunch ay inihatid na ako ni Adrian sa opisina namin at bago ako pumasok sa pintuan ng opisina namin ay hinalikan muna nya ako sa labi. "Ano kaba naman baka may maka kita sa atin dito", sabi ko sa kanya. "Paki alam naman nila eh alam naman nila lahat na magkasintahan tayo diba", sagot nya sa akin.

Natapos na ang oras ng trabaho at lagpas ala singko na, pumunta ako sa opisina nila Adrian para doon na lang sya aantayin, araw-araw kasi mag kasama kami ng uwi at hinahatid nya ako sa bahay. Pag silip ko mula sa pintuan ng opisina nila ay nakita ko sila kasama ang mga officemates nya na nag uusap. Glass kasi ang pintuan ng opisina nila kaya makikita mo sa labas kung sino ang mga nasa loob.

"Pare tahimik dumating na ang mahal sa buhay ni Adrian" sabi ng ka officemate nyang si Patrick. Biglang tumahimik ang lahat at tila ba may sekreto silang pinag uusapan kanina bago ako pumasok ng pinto. Nakita ko si Adrian na biglang tumayo sa kina uupuan nya, may bagong babae sa tabi nya na tila ngayon ko lang ata nakita sa opisina nila. "Ahm kayla si Trisha bagong ka opisina namin, trisha si Kayla girlfriend ko mula sa kabilang opisina" sabi ni Adrian. Napa hinto ang oras ko at tinitingnan ko si Trisha, mukhang sosyal na babae, sexy, pulang-pula ang lips at sexy manumit. Samantala ako, naka jeans lang at naka polo shirt palagi.

"Ah okay, hi trisha" sabi ko ng mahina. Lumapit sa akin si Adrian at sabay kaming pumunta sa may lamesa nya tsaka umupo. Nag liligpit na ng mga gamit nya si Adrian ng biglang lumapit mula sa likuran namin si Trisha, "Salamat kanina Adrian ha" sabi ni Trisha kay Adrian. Sobrang sweet ng boses ni Trisha na parang nang aakit ng lalake. Bigla namang namula mula ang pisngi ni Adrian at tumango lang sya. Umalis rin naman si Trisha mula sa likuran namin ni Adrian.

"Ano ba pinapasalamat ng babae na yun sayo?" tanong ko sa kanya. "Ha eh, wala yun" maiksing sagot nya".


Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon