Chapter 15

130 7 0
                                    

KAYLA's POV

Monday in the office...

Nasa gitna ng meeting kami ng department namin ng sinabi ng manager namin na pupunta kaming dalawa ni Richard sa Singapore para sa isang conference. Bukas na ang alis namin dahil sa Wednesday mag sisimula ang Conference.

"Ready yourself kaye, we will explore the place" sambit ni chard habang ngumingiti.

Kinabukasan ay flight na namin ni chard, sinundo niya ako sa bahay at sabay na kami pumunta ng airport. Ilang oras din biyahe papuntang Singapore ng makarating kami sa isang hotel ay nag inquire agad kami para sa room namin. "Miss we would like to ask for our reservation for two under ABE company." Tanong ni chard. "Yes sir, you only have one room reserved at room 618 6th floor." Sabi ng staff. "Chard isa lang ba ang room natin?" tanong ko kay chard, "Miss we reserve two rooms, can you please check it properly" sabi ko. "Im sorry maam and sir, you only reserve one room." Sabi ng staff. "Can we get another room instead?" sabi ni chard, "Im sorry Sir, our rooms are fully booked and occupied." Sabi ng staff.

"Paano ba yan kaye okay lang ba sayo magkasama tayo sa iisang kwarto?" tanong ni chard. "ano nga ba ang magagawa ko eh andito na tayo, eto talagang si Sheryl alam ko kagagawan niya to." Sabi ko kay chard. "So okay lets go?" sabi ni chard. Sumakay kami ng elevator papunta sa room namin, pagdating namin sa loob ng kwarto ay nakita namin ang isang matrimonial bed. "Malaki pala ang bed dito para tayong bagong kasal nito ah" sabi ni chard habang nakayakap sa likuran ko. "Honeymoon ba kamo?" sabi ko naman. pina harap niya ako sa kanya at yakap yakap niya ako, "oo my future misis" sambit niya sabay halik sa ilong ko. "ikaw talaga chard puro ka kalokohan." Sabi ko naman sa kanya.

"Kaye I want you to enjoy here, I want you to forget all your problems, I want you to forget all the pains, can we please enjoy our moment while we're here?" pakiusap ni chard sa aken sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Tumango lang ako sa mga sinabi niya, siguro nga eto na yung pagkakataon na malimutan ko si Adrian, na mawala siya sa puso at isipan ko.

Nagpahinga muna kami sa kama at hinalikan niya ako sa labi, gumanti ako ng halik hanggang sa ako na mismo ang nag hubad ng mga suot niya. Naging aggressive ako sa mga pangyayari siguro dahil gusto kong makalimutan si Adrian, gusto kong mag move on. Binigay ko muli sa pangalawang pagkakataon ang katawan ko kay chard. Sabay naming pinagsaluhan ang mga matatamis na kaligayahan. Ilang minuto rin ang makalipas ng natapos kami sa masasayang sandali.

Pareho kaming naka higa lang sa kama. Nakayakap ako sa katawan niya, "gusto kitang bigyan ng pagkakataon na mahalin ako chard" sabi ko sa kanya. Laking gulat nya at napatalon siya mula sa hinihigaan niya, "talaga kayla? Totoo ba yung narinig ko?" tanong niya sa akin. "Oo Richard Angeles, pero huwag mo sana isipin na rebound lang kita kay Adrian dahil hindi totoo yun at hindi ko yun magagawa sa isang tulad mo. I realized after getting to know you I wanted to make you permanent part of my world." Sabi ko sa kanya.

Niyakap ako ng mahigpit ni chard at nakita ko ang saya sa mukha niya. Napag pasyahan naming mamasyal sa lugar kaya dali-dali kaming umalis sa hotel naming. Pumunta kami sa Singapore Flyer isang giant observation ferris wheel at sumakay kami. Nakita namin ang ganda ng Singapore skyline habang nasa taas kami na nakasakay pati ang island ng Indonesia at Malaysia ay abot tanaw rin. Tatlongpong minuto rin kaming naka sakay sa giant wheel.

Araw-araw pagkatapos namin sa conference namin ay palagi kaming namamasyal ni chard, sinusulit namin ang pagkakataon namin sa Singapore. Araw-araw kaming masaya dahil masayang kasama si chard palagi na lang niya akong pinapatawa, sa buong linggo namin na nanirahan sa Singapore ay unti-unti ko siyang nakikilala. Malambing, gentlemen, maaalahanin, mabait at guwapo. Ilang araw ko rin hindi na inisip si Adrian, mabuti rin to.

Pagkalipas ng ika anim na araw ay flight na namin pabalik ng pilipinas, alas diyes ng umaga ng pumunta kami sa Airport ng Singapore. Magkahawak ang aming mga kamay sa buong biyahe namin pabalik sa pilipinas. Pagdating naming Sa NAIA ay sumakay agad kami ng taxi at inihatid ako ni Richard sa bahay namin.

Sa labas ng gate namin ay nakatayo kaming dalawa ni Chard, "salamat kaye, salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya". Sabi ni chard habang hinahawakan ang mga kamay ko. "Sige na chard, umuwi ka narin, salamat din at salamat sa paghatid. Ingat ka" sabi ko naman sa kanya at sumakay na muli siya sa taxi.

Papasok na sana ako sa gate namin ng biglang may tumawag sa likuran ko, "Kayla sandali" boses ng isang lalake at pag lingon ko si Adrian pala.


Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon