Chapter 11

141 6 0
                                    

KAYLA's POV

Breaktime at Canteen

"Girl ano bang problema mo kanina ka pa tulala ah" sambit ni Sheryl. Buong araw akong tulala at tahimik, hindi ko pa kinukwento kay Sheryl ang mga nakita ko kagabi sa Kitchen area sa loob ng opisina nila Adrian.

"Care to share a seat?" boses ng isang lalake ang narinig namin. Ng tumingin kami si boss chard pala ang nagsasalita, "oo naman sir, dito ka na maupo sa tabi ko" sabi ni Sheryl. "I'd rather sit beside Kayla mejo maaliwalas jan." sabi ni boss chard. "Ahm Kayla pwde ka ba mayang gabi?" tanong ni boss chard. "Kayla? Are you okay?" tanong nanaman niya.

Hindi ko na narinig ang tanong ni boss chard dahil lumulutang parin sa hangin ang isip ko, tulala parin ako. Bigla akong kinalabit ni Sheryl, "hoy girl ano ba, kanina ka pa kinakausap ni sir" sambit ni Sheryl."ah eh sorry po sir, ano nga po yun?" tanong ko naman sa kanya. "Ang sabi ko kung okay ka ba mamaya after work? I mean I have something work for you to do and I badly needed it tomorrow morning, if is it okay with you mag overtime maya?" paliwanag ni boss chard.

Mabuti narin siguro itong marami akong gagawin upang mawala sa isip ko yung mga nakita ko kagabi. "cge po sir im free tonight to accept the overtime" sagot ko naman sa kanya. Ngiti ang binigay sa akin ni boss chard at nagpatuloy siyang kumain ng merienda nya.

"Girl bilis tingnan mo, si Adrian mo magkasama na naman sila ni Trisha." sambit ni Sheryl. Tiningnan namin sila Adrian at Trisha papasok ng canteen, sa unahang pwesto sila umopo. Hindi nila kami napansin dahil marami rin namang tao sa canteen.

"Are they an item? Nakita ko kasi sila nung isang gabi sa 7eleven they were sweet, the girl always holds the hand of the guy. Siguro matagal na sila noh?" kwento ni boss Chard.

Nanlaki ang mga mata namin ni Sheryl sa narinig namin kay boss Chard, "sabi ko na nga ba girl sila yung nakita natin. Ano ba kamusta na ba kayo? Okey ka lang girl?" natahimik lang ako at parang tutulo na ang mga luha ko sa nalaman ko, ang sakit sakit..."oops Im sorry for what I'ved said" sabi ni boss chard.

"Sir chard si Kayla kasi ang girlfriend ni Adrian. Matagal na sila lagpas dalawang taon na. Bago pa lang nag trabaho dito sa kompanya yang Trisha sir pero dikit na ng dikit kay Adrian. Nag usap naman daw sila nitong si Kayla at pinag sabihan si Kayla na huwag mag selos kay Trisha dahil sya naman daw ang mahal nito." kwento ni Sheryl kay boss chard habang nagsisimula ng pumatak ang mga luha ko.

"Sorry Kayla, I never meant to hurt you. Stop crying, here's my hanky you can use it." Sabi ni boss chard sa akin habang inaabot ang panyo nya at tinanggap ko naman ito.

"girl tingnan mo nga naman officemates lang ba yan eh nag susubuan na ng pagkain." sabi naman ni Sheryl habang naka tingin kanila Adrian at Trisha. Umalis ako at bumalik sa opisina at iniwan ko sila boss chard at Sheryl sa canteen. Tulala parin ako habang naka harap sa monitor ng computer ko, alas singko na pala at nagpa alam na si Sheryl na umuwi. Maya maya ay nagpa alam narin yung ibang ka officemates ko samantalang naiwan ako upang gawin yung inu utos sa akin ni boss chard.

Ala syete na ng gabi ng may biglang nag salita, "are you alright Kayla? Dont think of that guy too much he's not worthy to have you. Hindi ganoong klaseng lalake ang bagay sayo, you're still young and im sure makakahanap ka rin ng iba. As a man I see him fooling on you, he's cheating on you based on what I saw earlier and the other night. Come on lets have dinner outside my treat." sabi ni boss chard. At pumayag din ako sa gusto niya.

Sumakay kami sa sasakyan niya at pumunta sa isang tahimik na restaurant. Sabay kami pumasok sa loob at humanap ng pwesto. Nag simula na kaming mag order ng pagkain namin. Habang hinihintay ang order namin ay nag kwentohan muna kami.

"Ikaw ba sir chard my girlfriend na?" tanong ko sa kanya. "Aaa...wala...wala na..." maiksing sagot niya. "Wala na? So ex meron na?" Tanong ko sa kanya at tumawa naman sya at napangiti rin ako. "ayan ngumiti ka narin sa wakas, maganda ka kapag naka ngiti" sabi niya sa akin.

"Meron akong naging gf dati pero hindi rin kami nag tagal, maybe we're not meant to be." kwento niya. "Okay lang ba sayo mag kwento ako tungkol sa pagibig sir? Ala naman tayo sa office, mabobored na kasi ako kung pati dito puro trabaho na lang yung pag uusapan natin." Paliwanag ko sa kanya.

"Sure Kayla im willing to listen, by the way how old are you?" Tanong niya sa akin. "24 na po ako sir" sagot ko naman. Natawa si boss chard sa sagot ko, "hahaha mag kasing edad lang pala tayo huwag mo nga ako pino po, call me chard."

Naging magaan agad ang loob ko sa kanya at habang kumakain na kami ay kinuwento ko sa kanya ang status namin ni Adrian ngayon at kinuwento ko rin ang mga nakita ko kagabi sa office nila Adrian.

Nabawasan ang sakit na naramdaman ko dahil kay boss chard. Sobrang bait niya, akala pa naman namin ni Sheryl dati na masungit siya pero kabaliktaran lahat yun sa iniisip namin sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay dinala ako ni boss chard sa park, "bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya. "Dinala kita dito para maka langhap ka ng preskong hangin. "Seriously Kayla, anong plano mo sa boyfriend mo? Are you going to tell him what you knew?" sabi ni boss chard.

Napa isip ako, hindi ko rin alam anong gagawin ko. "Natatakot kasi ako sa mga possibleng mangyari kapag sinabi ko sa kanya ang alam ko, baka hiwalayan niya ako at hinding hindi ko yun makakaya." sagot ko naman sa kanya.

"You have to do an action Kaye, hindi pwede yung parati ka na lang ganyan, palagi mo na lang sinasaktan ang sarili mo." paliwanag ni boss chard.

Tama nga naman siya, hinahayaan ko lang ang sarili ko na saktan ni Adrian. Pero paano? Ano naman yung gagawin ko, ayaw ko naman magkahiwalay kami ni Adrian, tanga na kung tanga ang itawag sa akin pero eto ako, ganito ako magmahal.

Matapos namin mag kwentuhan sa park ay inihatid na ako ni boss chard sa bahay namin, "huwag ka na umiyak ha, ako bahala sayo, matulog ka ng mahimbing, see you tomorrow kaye, good night" sabi ni boss chard at bumaba na ako sasakyan niya.

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon