Chapter 17

147 8 1
                                    

KAYLAs POV

Sa opisina...

"Flowers for Miss Kayla Guzman" sabi ng messenger, "paki pirma na lang po dito maam".

"Girl kanino galing yung mga bulaklak?" tanong ni Sheryl. Napatingin ako kay chard dahil akala ko sa kanya ng galing yun, may maliit na card na nakalagay sa loob, binuksan ko at ito ang nakasulat,

Dear Kayla,

Im really sorry for everything, sana mapatawad mo na ako at magsimula tayo ulit. I love you.

From: Adrian

Biglang kinuha ni richard mula sa mga kamay ko ang card at binasa, pagkabasa niya ay tsaka naman niya kinuha ang mga bulaklak na hawak ko at tinapon sa basurahan. Nagulat kami ni Sheryl sa mga pangyayari.

"Follow me in my office Kayla and we'll talk" tugon ni boss chard...sinundan ko siya papuntang opisina niya, ng makapasok kami sa loob ay sinara niya ito.

"Anong ibig sabihin nung nakasulat sa card at ng mga bulaklak? Bakit ka nanaman ba ginugulo ng gago na yun?" tanong niya sa akin.

"Pu-mun-ta si Adrian sa bahay pagkahatid mo saken ng manggaling tayo sa airport, nakiusap siya na balikan ako, na nagsisisi siya sa mga nagawa niya." sagot ko ng mahinahon sa kanya.

"Tapos ano? Ano ha? Pumayag ka naman sa gusto niya? Nagpa uto ka nanaman ulit?...Kayla hanggang kailan mo ba sasaktan ang sarili mo." sumbat sa akin ni richard.

Tumahimik lang ako at walang kibo, naguguluhan ako, sabi ng puso ko na tanggapin muli si Adrian pero sabi naman ng utak ko kalimutan na siya. Mahirap sa akin dahil hindi parin nawawala yung pagmamahal ko sa kanya, andito parin. Maya-maya ay lumabas na lang ako sa opisina ni chard, wala narin siyang nagawa.

Alas singko ng hapon ng matapos na ang oras ng trabaho ay umalis na ako sa opisina, tatawid na sana ako ng biglang hinawakan ni Adrian ang braso ko, "kayla sandali lang mag usap muna tayo." Sabi ni Adrian. "Ano ba Adrian bitawan mo nga ako, wala na tayong pag uusapan, tapos na tayo Adrian". sagot ko naman sa kanya.

Dali-dali akong tumawid ng hindi tumitingin sa mga dumaraang sasakyan. Narinig ko ang boses ni Adrian na sumisigaw, "kayla!", sobrang bilis ng mga pangyayari, tinulak ako ni Adrian sa gilid ng kalsada at natumba ako. Pag lingon ko nakita ko si Adrian na nabundol ng isang sports car at tumilapon siya. Hindi na siya tinulungan ng nagmamaneho ng sports car. Hit and run kung baga.

Dali-dali akong tumayo upang puntahan siya. Nakita ko siyang duguan at walang malay. Humingi ako ng tulong sa paligid hanggang may nag magandang loob na tulungan kami at dalhin kami sa ospital.

Pinasok si Adrian sa emergency room, tinawagan ko sina tita at tito, pinapunta ko narin sa hospital si Patrick at Sheryl para may makasama ako.

Dumating na rin sila tita at tito at alalang-alala sa ngyari sa anak nila. Sumunod dumating sina Patrick at Sheryl.

Matapos ng higit dalawang oras lumabas mula sa emergency room ang doctor "Sino sa inyo ang kamag anak ng biktima?" tanong ng doctor.

"Kami doc, kamusta na ang anak namin doc?" tanong ni tita sa doctor habang umiiyak. "Im sorry misis, kinalulungkot ko pong sabihin, wala na ang anak ninyo. Nag ka hemorrhage sa ulo ang anak niyo at hindi kinayanan ng katawan niya." Paliwanag ng doctor.

Sa mga oras na yun ay parang huminto ang mundo ko, iyakan lang ang narinig ko sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala, wala na si Adrian, wala na yung taong mahal ko. Iniligtas ako ni Adrian sa kapahamakan sa huling pagkakataon. Ako ang dahilan ng pagkamatay niya. Kung hindi niya ako niligtas hindi sana ito mangyayari sa kanya.

Niyakap ako ni Sheryl at Patrick, sila din man ay nagulat sa pangyayari. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas, hindi ako maka kibo, panaginip lang kaya ito?

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon