Chapter 19

261 9 2
                                    

Finale

KAYLAs POV

Matapos ang anim na buwan ng pumanaw si Adrian...

"Hello Kaye where are you?" tanong ni Chard mula sa kabilang linya. "May inutusan akong driver na susundo sayo mamaya 6pm, be ready ha. So see you tonight" dagdag niya.

6'oclock ng gabi ng my sumundo sa akin sa bahay namin.

"Manong saan po ba tayo?" tanong ko sa driver.

"Maam sorry po hindi ko po pwdeng sabihin mapapagalitan ako ni sir richard" sagot ni manong.

Maya-maya ay dumating na kami sa isang lugar, "nandito na po tayo maam" sabi ni manong.

Bumaba na ako sa sasakyan ng may biglang sumalubong sa akin, " maam this way please" sabi ng lalake.

Dinala ako ng lalake sa isang hardin na may isang malaking puno, katabi ng puno ay may naka handang lamesa at dalawang upuan. Iniwan na ako ng lalake doon.

Maya-maya ay biglang napuno ng ilaw ang malaking puno, at ganoon na rin ang paligid. Bigla kong narinig mula sa likuran ko si Richard, "hi kaye" sabi ni chard habang naka ngiti sa akin na may bitbit na mga bulaklak.

"Ano na naman itong kalokohan mo chard?" tanong ko sa kanya. Iniabot niya aa akin ang dala niyang mga bulaklak, maya-maya ay lumuhod siya sa harapan ko at hawak-hawak ang isa kong kamay.

"I Richard Angeles promise to take care of you and love you forever, will you marry me kaye?" Sabi ni richard habang pinapakita sa akin ang isang singsing.

Nagulat ako at hindi ko inaasahan ito. "Ye-yes richard" sagot ko. Isinuot niya sa kamay ko ang dala niyang singsing at matapos ay tumayo siya at hinalikan ako sa labi tsaka niyakap niya ako.

May narinig akong nagpalakpan di makalayuan sa kinatatayuan namin. Ng makita ko sila mama, papa, kapatid ko, mga ka opisina ko at mga kaibigan namin ni Richard ay nandun din pala. Kinuntsaba pala silang lahat ni Richard upang maging witness sila sa proposal niya sa akin.

Naging masaya ang sumunod na pangyayari, lahat kami ay nagkasiyahan sa gabing iyon.

Matapos ang tatlong buwan ay nagpakasal na din kami ni Richard. Naging pribado ang kasal namin, para lamang sa malapit na pamilya, kaibigan at ka opisina.

- END OF STORY-

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon