Chapter 2

174 7 0
                                    


Kinabukasan sa opisina ay maaga akong pumasok, "may 30 minutes pa ako bago mag simula ang oras ng trabaho, dumating na kaya si Adrian?" tanong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng opisina namin para pumunta ng CR ng makita ko sa unahan ko si Adrian kasama si Trisha papasok sa pintuan ng opisina nila. "At magkasabay pa talaga ang dalawang ito ah" sabi ng isip ko. Dali dali kong tintext si Adrian,

To: Adrian

Bakit kayo magkasama pumasok ni Trisha? Nakita ko kayo.

Halos tatlongpong minuto ko hinintay ang reply ni Adrian, bawat minuto pa balik balik ako tingin sa cellphone ko baka sakali nag reply na siya. Makalipas ang alas otso ng umaga ay biglang tumunog ang cellphone ko, sa wakas pangalan nya ang nakita ko.

From: Adrian

Pasensya na ngayon lang ako naka reply, nag emergency meeting kami bigla sa opisina.

To: Adrian

Bakit hindi mo sinagot tanong ko sayo, bakit kayo mag kasama ni Trisha papasok kanina sa opisina?

Malapit ng mag alas dose at hindi pa rin ako nakaka tanggap ng text mula kay Adrian kung sabay ba kami mananghalian o hindi. Naiinip na ako dahil hindi nya sinasagot mga text ko kaya naisipan ko na puntahan siya sa opisina nila.

Nasa opisina na nila ako ng wala akong madatnan na Adrian, nakita ako ni Patrick at sinabi nya, "Si Adrian mo lumabas sila magkasama ni Trisha may bibilhin daw silang office supplies namin". Bigla akong natulala sa narinig ko kay Patrick. Kumukulo ang dugo ko at naiinis ako. Hindi ako kumain ng lunch dahil nawalan ako ng gana. "Saan ka ba Adrian bakit ayaw mo sagutin mga tawag ko" sabi ko sa sarili habang sinusubukang tawagan si Adrian sa cellphone nya". Naka ilang tawag narin ako at wala talaga akong natanggap na sagot.

Mag aalas tres na ng hapon ng bigla akong maka tanggap ng text mula kay Adrian,

From: Adrian

Mahal sorry ngayon ko lang nakita phone ko naiwan ko kasi sa sasakyan, magkasama kami ni Trisha kanina namili kami ng office supplies.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa reply nya o maiinis kaya ni replayan ko agad siya,

To: Adrian

Lumabas ka nga ng opisina nyo magkita tayo sa labas ng CR at mag usap!

Nagkita kami agad sa labas ng CR at kinausap ko sya, "Ano ba Adrian, bakit di ka man lang nag text sa akin bago ka umalis kanina, sana ako na lang sumabay sayo namili. Bakit si Trisha pa!" sabi ko ng pagalit sa kanya. "Ni hindi mo nga ako nireplyan sa text ko sayo kanina umaga kung bakit kayo magkasabay ni Trisha papasok ng opisina".

"Huwag kana magalit mahal, kaya kita hindi na replyan agad kanina umaga dahil nag emergency meeting kami bago mag alas otso, at nagkataon lang na sabay kaming dumating ni Trisha sa opisina kaya sabay kami pumasok sa pintuan.  kami rin yung inutusan ni Sir mamili ng office supplies para ma guide ko si Trisha sa mga kailangan sa opisina. Diba sabi ko sayo na naiwan ko sa sasakyan yung phone ko habang nasa loob kami ng Office Depot ni Trish. Kaya wag kana magalit mahal ko." Suyo niya sa akin.

Bigla akong napa kalma ni Adrian, at hinalikan nya ako ng mabilis sa labi ko ng biglang tuminig ang sikmura ko. "gutom kaba mahal?" tanong ni Adrian sa akin. "Hala naku nalimutan ko hindi pa pala ako nakapag lunch, naiinis kasi ako sayo, hintay ako ng hintay sa text mo kanina lunch" tugon ko sa kanya.

Pumunta kaming dalawa sa canteen, tamang tama din at break time pa, "Pili ka ng makakain mo" sabi ni Adrian sa akin. Pumili ako ng makakain ko at sabay kami umupo sa gilid na pwesto. Masaya kaming nag kwekwentuhan ng may biglang dumating, "Hi Adrian, can I sit beside you?" sabi ni Trisha. "ha? Oo naman, join ka na sa amin ni Kayla". Nakakainis na talaga itong Trisha nato ah, oras ko to kasama ang mahal ko tapos sisingit pa eh magkasama naman sila kaninang lunch.

"Matagal na ba kayo ni Adrian Kayla?" tanong nya sa akin. "Oo lagpas dalawang taon na rin kami ni Adrian" sagot ko naman sa kanya, "May boyfriend ka rin ba Trisha?" tanong ko sa kanya, sumagot si Trisha sabay tingin sa mga mata ni Adrian, "Wala pa, wala na. May hinahanap kasi akong katangian ng isang lalake. Yung katulad sayo Adrian, sayang nga at taken ka na". Nangunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya habang si Adrian naman tahimik lamang.

"Cge ha mauna na ako sa inyo Adrian at Kayla" sabi ni Trisha at umalis na sya sa tabi namin.


Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon