Chapter 16

138 8 0
                                    

ADRIAN's POV

Sabado ng gabi sa condo ni Trisha...

"Babe mabuti naman at dumating kana, ano nagka-usap ba kayo ni Kayla? Hiniwalayan mo na ba siya?" tanong ni Trisha sa akin. "Nagkita kami kanina babe, okay na hiniwalayan ko na siya, ayun iyak ng iyak." Sagot ko sa kanya. "Buti namanat napapayag mo ang babaeng yun" sabi ni Trisha. "Ayaw nga niya nung una eh, pero wala na siyang magagawa pa, mag kaka anak na tayo babe at siyempre kayo ng anak ko ang pipiliin ko" sagot ko ulit sa kanya.

"Babe sa lunes ng umaga magpapa checkup tayo sa isang OBGYN ha, para malaman natin ang kalagayan ni baby at para mabigyan ka narin ng mga vitamins." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Lunes ng umaga sa clinica ni Dra. Uy isang OBGYN doctor.

"Ms Trisha we will examine you ang your baby, we will do an ultrasound to see the status of the baby" sabi ng doctor. Pinahiga si Trisha sa isang kama habang ginagawa ang ultrasound sa kanya at nakita naming si baby sa isang monitor. "Ms Trisha the size of the baby is about 9weeks old, I will give you a list of vitamins for you to take. Please make sure that you will not stress yourself." Advise ng doctor.

Natulala ako sa narinig ko, 9weeks? Isang buwan pa lang simula nung unang may mangyari sa amin ni Trisha, bakit 9 weeks na ang baby. Tanong sa isipan ko. Bumalik na kami ni Trisha sa condo niya at doon hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Putang ina Trisha, ako ba niloloko mo?! Kaninong anak yang pinagbubuntis mo!?" sigaw ko sa kanya. Tumahimik lamang si Trisha habang umiiyak. "Hindi ko yan anak Trisha, buntis ka na pala simula nung unang may mangyari sa atin. Niloko mo ako Trisha!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok ang pader ng condo niya.

"Im sorry babe, please patawarin mo na ako, hayaan mo akong magpaliwanag please." Pagmamakaawa ni Trisha. "Hindi ko naman alam na buntis na pala ako nun, wala akong alam Adrian, please makinig ka muna sa akin, mahal kita mahal na mahal kita. Bago ako pumasok sa kompanya niyo ay may nangyari sa amin ng ex ko, hanggang hindi kami magkasundo at naghiwalay rin. A month after nag trabaho na ako sa kompanya niyo, hindi ko naman alam na buntis pala ako nun." Paliwanag ni Trisha. "Puntahan mo ang ex mo at panagutin mo siya sa nangyari sayo...fuck!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi na pwde Adrian, hindi pwde....may..may...may asawa na yun. Boss ko yung ex ko at may asawa na siya." Paliwanag ni Trisha na umiiyak. "What Trish? Pumatol ka sa isang may asawa? Sira ka ba? Well sa akin nga inaakit mo ako kahit alam mong may girlfriend na ako, putang ina hiniwalayan ko si Kayla dahil lang sayo tapos ganito lang pala malalaman ko" sigaw ko sa kanya.

Kinabukasan pagka dating ng opisina ay pinuntahan ko si Kayla sa department nila, "She si kayla pwde ko bang makausap?" tanong ko kay Sheryl. "naku Adrian tantanan mo na yung kaibigan ko, puro sakit lang yung binigay mo sa kanya." Sagot ni Sheryl. "Gusto kong makausap si Kayla Sheryl importante lang." nagmamakaawa ako sa kanya. "Kung gusto mo puntahan mo sa Singapore, nasa Singapore na sila ni boss chard ngayon." Sabi ni kayla.

Umalis ako mula sa department nila at sising-sisi ako sa nangyari. Araw-araw pagkatapos ng trabaho ko lagi akong naglalasing. Hindi na muli ako pumunta sa condo ni Trisha, lahat ng damit ko doon ay kinuha ko na.

Linggo ng hapon ay pumunta ako sa bahay nila Kayla, ng makita ko sila ni Sir Chard sa labas ng gate nila na nag uusap, hawak-hawak ni Sir Chard ang mga kamay ni Kayla. Hindi kaya ito ang bagong ipinalit ni Kayla sa akin, tanong ko sa sarili ko.

Lumapit agad ako kay Kayla ng makita kong pa alis na ang taxi na sinasakyan ni Sir Chard. "Kayla sandali" sigaw ko sa kanya. Lumingon si Kayla sa akin sa akin, "A-a-drian? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni kayla. "Gusto sana kitang makausap Kayla" sabi ko sa kanya. "Para saan pa Adrian hindi ba ayaw mon a sa akin? Diba si Trisha nga ang pinili mo." Sabi ni Kayla. Pilit ko siyang isinama sa loob ng sasakyan ko upang doon na lang kami mag usap.

Sa loob ng sasakyan kami nag usap, "Kayla im sorry, dapat hindi kita sinaktan patawarin mo ako." Pagmamaka awa ko habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya. "Kayla alam ko mali ako, nasaktan kita, naging mahina akong tao kaya mabilis akong naakit ni Trisha, patawad Kayla, gusto ko mag simula tayo ulit." Sabi ko sa kanya.

Lumabas ng sasakyan si Kayla ng walang imik, hindi ko muna siya sinundan para makapag isip siya tungkol sa mga sinabi ko. Hindi ako susuko, kung araw-araw kong susuyuin si Kayla gagawin ko bumalik lang yung dating kami.

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon