Chapter 14

124 6 0
                                    

 CHAPTER 14

KAYLA's POV

Sabado ng ala diyes ng umaga.

Nasa tapat ng bahay na kami ng inihatid ako ni boss chard, "paano kita na lang tayo sa lunes? O tawagan na lang kita maya?"sabi ni boss chard, "naku huwag mo na ako tawagan eh magkasama na nga tayo buong gabi, baka mag sawa ka sa akin niyan" biro ko naman sa kanya sabay ngiti. Kumaway na si boss chard at umandar na kotse niya palayo sa akin.

Papasok na sana ako gate ng may bigla tumawag sa likuran ko, si Adrian. "Kayla pwede ba tayong mag usap?" sabi ni Adrian. "tungkol saan ba Adrian? Tungkol bayan sa hindi mo pag sabi sa akin kahapon na meron pala kayong staff development ng 3days? Akala ko ba okey na tayo Adrian nung nasa loob tayo ng sasakyan mo, pero bakit hindi mo man lang mabanggit ang tungkol sa staff development niyo, bakit? Dahil ba kasama mo nanaman si Trisha, magkasama na naman ba kayo?" sumbat ko sa kanya.

"Buntis si Trisha at ako ang ama" biglang sabi ni Adrian, natulala ako sa narinig ko halos hindi ako maka galaw sa kina tatayuan ko. "Patawad Kayla, nabuntis ko si Trisha at kailangan kong panagutan ang dinadala niya, Im sorry Kayla maghiwalay na tayo." Pagmamaka awa niya.

"Walang hiya ka, manloloko ka, manloloko kayo ni Trisha! Umalis ka sa harapan ko, umalis ka!" sigaw ko sa kanya habang sinasampal ko siya. Pilit akong yakapin ni Adrian at humingi siya ng tawad habang iyak ako ng iyak ng may biglang lalakeng sumuntok sa kanya. Si Richard dumating at sinuntok siya. "hayop kang lalake ka umalis kana dito, layuan mo na si Kayla!" sumbat ni Richard kay Adrian at biglang umalis si Adrian.

Iyak ako ng iyak habang niyayakap ako ni Richard, "tama na Kayla, narining ko lahat ng pinag usapan niyo, hindi sya ang lalakeng para sayo, nandito lang ako para sayo." Bulong niya sa akin.

Tumahan na ako sap ag iyak at pumasok sa loob ng bahay namin, nakakulong lang ako sa kwarto ko at walang kibo. Ala syite na ng gabi ng maisipan kong itext si Adrian.

To: Adrian

Magkita tayo ngayon sa park malapit sa inyo. Kailangan kitang kausapin.

Pumunta ako sa park nila at hinintay siya doon. Makalipas ang tatlongpong minuto ay dumating din ang sasakyan niya. Pinapasok niya ako sa sasakyan niya para doon mag usap.

"anong sasabihin mo Kayla? Simulan mo na at hinihintay na ako ni trisha" sabi ni Adrian. Sinimulan kong mag salita sa kanya, "Diba sabi mo kanina kailangan mong panagutan ang dinadala niya, papayag akong panagutan mo ang bata basta hindi natin kailangan mag hiwalay." Tugon ko sa kanya. "Nahihibang ka na ba kayla? Kailangan ako ni Trisha ngayon, lalo na ngayon na pinagdadala niya ang magiging anak ko." Sigaw ni Adrian sa akin.

Muli na naman akong umiyak, "Paano ako Adrian? Paano yung mga pangako mo sa akin dati? Diba sinabi mo dati pakakasalan mo ako? Diba mag papakasal pa tayo Adrian, diba?" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Wala ng tayo kayla, kalimutan mo na ako. Makaka hanap ka rin ng magmamahal sayo ng totoo at hindi ako yun, patawarin mo sana ako. Makaka baba kana ng sasakyan." Sabi ni Adrian, ayaw ko sanang bumaba pero sumisigaw na siya kaya bumaba na lang ako. Umalis na ang saksakyan niya at iniwan akong luhaan sa park.

Umupo ako sa isang swing at umiiyak ng mag vibrate ang phone ko, si Richard tumatawag.

"Nasaan ka kayla? Nandito ako sa bahay niyo wala ka raw dito sabi ng mama mo." Sabi ni Richard. Sinagot ko siya at sinabi ko sa kanya ang lokasyon ko, maya-maya ay bigla siyang dumating.

Agad akong nilapitan ni Richard at niyakap, "ayaw na talaga niya sa akin, si Trisha talaga ang pinili niya." Sabay hagulhol sa pag iyak. "sobrang sakit chard, sobrang sakit" dagdag ko habang umiiyak.

"tama ng pag iyak Kaye andito naman ako palagi sa tabi mo, tutulungan kitang kalimutan siya" sabi ni chard sa akin. "magtiwala ka lang sa akin kaye at hinding hindi kita sasaktan."sabi ni chard.


Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon