Chapter 8

133 5 0
                                    

KAYLA's POV

"Saan ka ba galing Sheryl, kanina pa kita hinahanap para masimulan na natin to." Sabi ko kay Sheryl, "Girl, galing ako sa convenience store para bumili nitong maiinom natin ng makita ko si Trisha at Adrian" sabi ni Sheryl. "Ha? Talaga? Saan mo sila nakita? Baka nag uusap lang tungkol sa trabaho" sabi ko kay Sheryl. "Girl sumakay si Trisha sa sasakyan ni Adrian at bilis bilis silang umalis." paliwanag ni Sheryl. "Hayaan mo na nakikisabay lang siguro yun ng uwi sa kanya, officemate naman niya eh. Okey na kasi kami ni Adrian, nagusap na kami nung Sabado ng hapon at sinabi niya huwag ko na raw pagselosan si Trisha dahil ako raw ang mahal niya" paliwanag ko kay Sheryl. "Ako girl may tiwala ako jan sa jowa mo pero sa babaeng iyon, naku malabo" banggit ni Sheryl. "Ako rin may tiwala rin naman ako kay Adrian kaya hayaan na natin si trisha nakikisakay lang siguro yun, baka walang pamasahe" sabi ko sabay tawa kami ni Sheryl.

Alas otso na pala ng gabi ng may natanggap ako na text mula kay Adrian,

From: Adrian

Mahal matutulog na ako ha, ingat ka sa pag uwi mo, love you

Alas diyes na ng gabi ng makalabas kami ni Sheryl mula sa opisina, pumunta muna kami sa isang coffee shop para makapag chill, sa harap ng coffee na yun ay may 7eleven na store. Naka upo kami sa isang pwesto kung saan naka harap kami sa 7eleven store. Bumili kami ng iced coffee ni Sheryl na paborito naming dalawa at nag simula kaming mag kwentuhan, "Nakakapagod talaga itong si Boss Chard Kayla noh, bagong bago pa sa opisina naten pero kung maka utos wagas" reklamo ni Sheryl.

Si chard ay ang bago naming supervisor, kanina lang sya nagsimula sa amin kaya di pa namin siya masyadong kilala. Ka edad ko lang si boss chard pero hindi ata kami magiging close nito kasi naman ang seryoso nya at mukhang masungit. Unang araw nga lang niya sa opisina eh ang dami ng pinapagawa sa amin tuloy naka overtime kami kasi bukas na agad niya kailangan ang mga data.

"Hayaan mo na yun Sheryl gwapo naman eh, masungit nga lang" biro ko kay Sheryl. "Oo nga gwapo nya may girlfriend na kaya yun dahil plano ko mag apply sa puso niya" sabi ni Sheryl. "Alam mo loka ka talaga as if naman papasa ka sa standard ng mokong na yun" biro ko sa kanya.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan naming ay kinalabit ako ni Sheryl sabay tingin sa kabilang kanto sa 7eleven, "Girl diba si Adrian yun at si Trisha? Yung lumabas ng 7eleven at sumakay sa sasakyan" sabi ni Sheryl at napa tingin ako. Hindi ko masyado na klaro ang mukha pero parang si Adrian nga at si Trisha at parang sasakyan nga nya yun, diko lang nakita ang plate number dahil naka side view sa amin banda. "Tawagan mo nga girl at tanungin kung sila ba yung nakita natin? Bakit sila magkasama ng ganitong oras at saan sila pupunta" Sabi ni Sheryl, napaisip ako sa napag usapan namin ni Adrian nung Sabado nung ayaw niyang pinagdududahan ko sila ni Trisha, "Huwag na She, baka kamukha lang nila yun, di naman natin na klaro yung mukha diba. Tsaka nag text kanina si Adrian sa akin mga alas otso matutulog na daw siya" paliwanag ko naman sa kanya.

Matapos namin mag kwentuhan sa coffee shop ay umuwi na rin kami ni Sheryl sa kanya kanya naming mga tirahan. 

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon