Chapter 10

132 5 0
                                    

KAYLA's POV

Anong oras na ba? Ha! Mag ala syete na pala, isang oras na lang at malalate na ako. Dali dali akong naligo at nagbihis, hindi na ako kumain pa sa bahay at binaon ko na lang yung pagkaing inihanda ni mama sa lamesa para sa opisina na lang ako kakain. Habang nasa biyahe papuntang opisina ay tumunog ang cellphone ko,

FROM: Adrian

Good morning mahal, nasa opisina ka na ba? Nandito na ako.

To: Adrian

On the way na ako sa opisina mahal, kita na lang tayo lunch sa canteen okay?

Lunch time ng magkita kami ni Adrian sa Canteen, naka upo kami sa pwesto kung saan kami palagi nakaupo. Nag simula na kaming kumain ng makulangan si Adrian sa kanin niya kaya tumayo siya at tumindig upang bumili ng kanin. Naiwan ni Adrian sa mesa yung cellphone niya ng may nagtext, kinuha ko cellphone niya at binasa ang message,

From: Trisha

Salamat kanina sa foods

Dali dali kong binura yung message at binalik sa mesa katabi ng plato niya. Si Trisha yun ah hindi ako nagkamali sa nabasa ko, foods? Binigyan ng foods ni Adrian si Trisha kanina? Baka naman ni libre lang niya kaninang oras ng merienda. Nakita ko sa malayuan si Adrian at naka linya parin para bayaran yung inorder niyang kanin, ng may bigla na namang nag text sa phone niya, kinuha ko at binasa ko ang message,

From: Trisha

See you in awhile.

Nagulat ako ng makita ako ni Adrian na hawak hawak ko ang cellphone niya, bigla niyang binawi mula sa kamay ko ang cellphone niya at galit niyang sinabi, "Sa lahat ang ayaw ko yung pinakikialaman ang gamit ko, ano ka ba Kayla parang hindi mo ako kilala, dati pa alam mong ayaw na ayaw ko na pina pakialaman ang cellphone ko, privacy naman please Kayla" sumbat niya sa akin. Di na kumain si Adrian nawalan ata ng gana sa ginawa ko, tahimik lang ako pero ang daming tanong sa isipan ko tungkol sa mga nabasa ko. Gusto ko siyang tanungin pero umiiwas na lang ako baka mag away lang kami. Kung tapos ka na diyan tara na at bumalik na tayo sa opisina natin.

Bumalik kami sa opisina namin ng pareho kaming tahimik, pumasok na ako sa pintuan ng opisina namin at siya naman dumiretso sa pintuan nila, wala pang ala una kaya break time pa, patay lahat ng ilaw sa mga opisina dahil yung ibang empleyado natutulog pag ganitong oras.

Napag pasyahan ko na pumunta ng CR para mg brush, katabi ng CR ang opisina nila Adrian kaya makikita ko ang loob ng opisina nila dahil glass naman ang pintuan nila. Nakita ko sa sofa sa loob ng opisina nila si Adrian naka talikod at kaharap si Trisha, hindi ako sigurado pero parang magkadikit ang mukha nilang dalawa at parang nakita ata ako ni Trisha. Hindi ako pumasok pero alam ko si Adrian yun, kahit madilim kilala ko katawan ng boyfriend ko kapag nakatalikod.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kung susugurin ko ba sila at magagalit na naman sa akin si Adrian o hayaan na lang ang nakita ko. Sumilip ako muli yung ulo ko na lang, si Trisha at Adrian nga ang nasa sofa. Nakatalikod parin si Adrian sa pintuan ng office nila, hindi na sila nag halikan pero hawak hawak ni Trisha ang kamay ni Adrian sa papunta sa ilalim ng skirt niya. Ouch! Napa hinto ako, nanlamig. Tama ba itong nakikita ko? Ano bang gagawin ko? Baka pag pumasok ako magagalit nanaman si Adrian sa akin at mag away nanaman kami.

Hinayaan ko na lang kung ano man ang mga nakita ko, tulala parin ako, bakit nila ginagawa yun? Bakit ginagawa ni Adrian yun alam naman niyang masasaktan ako. Yung babae na yun inaakit niya talaga si Adrian, napaka walang hiya niya.

Alas singko na ng hapon ng pinuntahan ko si Adrian sa opisina nila, "sabay ba tayo uwi ngayon?" tanong ko sa kanya, "mauna ka na may overtime ako" sagot niya. "cge alis na ako" sagot ni Kayla. Umalis na ako sa opisina nila dahil ramdam ko naman na malamig parin pakitungo niya sa akin, siguro dahil yun sa nangyari kanina sa canteen.

Bumalik ako sa opisina namin at doon nag palipas ng oras, pinatay ko lahat ng ilaw ng opisina namin para hindi mahalata ng roving guard na may tao pa sa loob. Alas nuwebe na ng gabi at pumunta ako sa CR ng makadaan ako sa opisina nila Adrian naka off narin yung mga ilaw.

"Ha? Wala na bang tao sa loob? Tapos na ba si Adrian sa overtime niya?" sabi ng utak ko. Dahan-dahan akong pumasok sa pintuan ng opisina nila upang tingnan kung may tao pa. Madilim ang bawat paligid, dahan dahan naglakad at may narinig akong umu unggol sa bandang kitchen area nila.

Dahan dahan ako pumunta sa kitchen area nila at nakita ko isang naka talikod na lalake na kasing pareho ng katawan ni Adrian, naka baba ang pantalon at may kayakap na babae na nakapatong sa mesa. Gulat na gulat ako sa nakita ko si Trisha, pero hindi ako sure sa lalake medyo madilim kasi at nakatalikod. Hindi ako nakita ni Trisha dahil naka pikit ang mata niya at unggol ng uggol. Dito pa talaga kayo nag sex sa opisina, sino ka bang lalake ka gusto kung malaman kung sino ka. Umalis ako sa kitchen area nila at pumunta sa lamesa ni Adrian ng makita ko ang bag ni Adrian. "Ha? Andito pa ang bag ni Adrian so hindi pa sya nakauwi?' sabi ko sa sarili ko, bigla kong na connect ang nakita ko kanina sa kitchen area, hindi kaya? Hindi kaya si Adrian yung nakatalikod na lalake dun?

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko, napaka lakas. Wala akong ibang maisip kundi lumabas sa opisina nila, bago ako lumabas ini-on ko lahat ng ilaw para matigil na ang kabastosan na ginagawa nila. At doon ako nag tago sa CR, pagkapunta ko sa CR ay dahan dahan akong sumilip mula sa labas ng pintuan nila at nakita ko mula sa kitchen nila na lumabas si Adrian at sumunod si Trisha. Lumaki ang mata ko sa nakita ko at lumakas ng lumakas pintig ng puso ko.

Napa tulala ako nakatayo sa labas ng CR ng marinig kong bumukas ang pintuan ng opisina nila. Lumabas mula sa pintuan si Adrian at nakita niya akong naka tayo lamang sa CR. Hindi ko malaman ang gagawin ko kung sasabihin ko ba ang nakita ko o tumahimik na lang. 

"Oh kayla bakit nandito ka pa diba dapat kanina ka pa umuwi?" Sabi ni Adrian sa akin. "Ha eh ahm may tinatapos lang ako". Tugon ko naman sa kanya.

"Umuwi ka na at huwag mo na ako hintayin dahil matatagalan ako" sabi ni Adrian at tumango lang ako.

Malamig parin pakitungo nya sa akin, bakit kaya? Dahil ba pinaki alaman ko ang cellphone  niya kanina? Totoo kayang siya yung nakita kong nakatalikod na lalake sa kitchen area kanina? Bakit? Kung totoong siya yun bakit niya ako niloloko? Bakit niya ito nagawa sa akin?

Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako baka magalit nanaman siya dahil pinagdududahan ko na naman siya. Kailangan kong makakita ng sapat na ebidensya, gusto ko mahuli siya sa akto.

Napag desisyonan kong bumalik sa opisina namin upang hintayin na maka alis si Adrian.

Alas dose ng gabi ng marinig ko mula sa loob ng opisina namin na may naglalakad sa hallway. Sinilip ko sa pintuan ng opisina namin at nakita ko si Adrian at Trisha na parang uuwi na. Sinundan ko silang naglalakad ng makita kong sabay silang sumakay ng sasakyan ni Adrian.

Bigla nanaman akong nagtago dahil pa alis na sila at baka makita nila ako. Nakita kong lumabas na sa gate yung sasakyan niya, tulala parin ako parang nakalutang ang pag iisip ko.

Stupidity runs through meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon