Shotgun Groom: 2

10.2K 221 2
                                    



Everyone want's to be someone's everything.
___________

___________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Quin

NAKATANGHOD lamang ako sa aking wedding gown. Pinasadahan ko pa ng kamay ko yung sequenced na mga bato nito sa bandang dibdib saka na lamang napa tikhim. Mabigat ang pakiramdam ko. Sing bigat siguro ng buntot nung gown kapag siguro naisuot ko na.

"Hindi po puwedeng i-try ma'am. Naniniwala po ako sa pamahiin na kapag sinukat, mag kakaroon ng bad vibes." Pigil sa akin nung designer na para bang nababasa niya ang nasa isip ko ngayon.

Kung isusukat ko? Hindi kaya matutuloy ang kasal gaya ng sinasabi niya? I shook my head and disbelieved that I am actually thinking of that.

It's not right...

Ngumiti na lang ako dun sa designer saka tumango sa kanya. Tutal naman andito na 'to. From the dress rehearsals up to the simple and tiny bits, planado na ang lahat. Lolo made sure of that. Kahit na matagal ng patay si Lolo siya pa rin ang nasusunod.

Simula ng matungtong ako sa mansion na ito dahil sa pagkamatay ng daddy ko, nakilala ko ang buo kong pag katao. I am Quin Midaz Gazis. Granddaughter of Benedict Gazis, the well-known owner of five telecommunications around the globe.

Dati sa maliit na subdivision lang kami nakatira pero mula ng hanapin kami ni Lolo naging iba na ang pamumuhay namin. Pero lahat naman ito may kapalit. Siguro kaya naisipan ni daddy na iwan ang karangyaang ito at kalimutan ang pinanggalingan niya dahil malungkot. Malungkot pala sa kabila ng alam mong lahat ay posible mong makuha.

"Lumabas ka na. All of them are waiting for you." narinig kong utos sa akin ni Tita Maita, dahil sa malalim kong pag iisip, hindi ko napansing andito na pala siya sa loob.

Muli pa niya akong inirapan ng magbigay siya ng last-minute instructions sa make up artist ko. "Ayusin mo yang mukha mo, Quin. Hindi burol ang a-attend-an mo." tumango na lang ako sa kanya saka pilit na pinasigla ang mukha ko bago pa ito nag laho sa paningin ko.

"May pagka evil witch din yang Tita mo, Ma'am." kumento pa nung baklang nag me-make up sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Sanay na ako. Simula ng kupkupin ako ni Lolo ganyan na ang trato niya sa akin. Hindi ko naman din siya masisisi. She devoted herself to Lolo when he was still alive pero hindi niya nakikita ang mga efforts na ginagawa nito. Palagi na lang sa akin, siguro dahil lang sa awa at pag sisisi dahil sa pag takwil niya sa daddy ko nuong nabubuhay pa ito.

Ilang minuto lang ay nasa function room na kami. Wedding rehearsals lang ito para bukas pero masyado ng maraming tao. Pagkapasok ko pa lang sa loob nakaramdam na ako ng pag kahilo. Ang daming ilaw, masyadong maliwanag, parang museum ang paligid sa dami ng mamahaling display.

Shotgun Groom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon