Shotgun Groom: 7

7.4K 186 9
                                    


My riches consist not in the extent of my possessions but in the fewness of my wants.
_______

Áidan

"SINUSUNDAN mo ba ako?" tanong ko kay Vander ng makita ko siyang nakaupo nakataas ang mga paa sa ibabaw ng lamesa ng unit ko.

"I also live here, brother." maaskad nitong turan sa akin. Inabutan pa nito ako ng isang bote ng beer saka patuloy sa panunuod ng game of thrones. Oo nga at hati kami dito sa condo pero may sarili din naman siyang pad at sa kabilang pinto lang yon.

"I know what you're thinking. Masarap manuod ng may kasama, try mo." Itinaas pa nito ang hawak na bote ng beer saka tumutok na ulit sa pinapanuod.

"I don't have the luxury of watching, mas malakas pa ang ungol ni Emilia Clark kesa sa airstrike." nakasimangot kong buwelta dito. Hindi naman niya masisisi ang kakambal kung bakit ganito na lamang siya kabantay sarado sa akin, unang mission ko pa lang dito sa Pilipinas after kong mag retired ay pumapalpak na ako. Kung hindi ko magagawa ng maayos ang trabahong ito – what more if I want to protect Quin?

"You told me to get some information. Quin's list of difficult cases and exes." Pag iiba nito sa usapan.

"W-Wait? Were you waiting in the car?" napipikon kong tanong sa kakambal ko, subukan lang niyang um-oo at pipilipitin ko talaga ang leeg niya – but he just shrugged his shoulders and drank his beer.

Narinig ko itong tumawa ng nakakaloko. Pambihira. Ngayon wala na ring kalayaang gumalaw? Daig pa kaya niya si Mommy sa pagiging chismoso.

"I went back to the church to check on Mom, good thing nandoon na si Daddy. She ordered me back here."

"She ordered you? I thought you were the boss." pang uuyam kong turan sa kanya pero ngumisi lang ito saka ako hinampas ng throw pillow.

"Technically, Dad's the CEO. But it doesn't matter who's the CEO, Mom will always be the boss." Tumango na lamang ako. Yeah, our Mom will always be the boss and our number one girl. Mission na namin ni Vander simula pa noong bata pa kami ang palaging pasayahin ang Mommy namin.

"Gusto din niyang makausap si Quin." umahon ito sa pag kaka upo ng may maulinigang katok sa pinto, "Probably the police. Kapag nakuhanan na kayong dalawa ng statement I need to take Quin with me." Malamig ang naging tingin ko kay Vince.

"So Mom doesn't trust me to protect her huh?" I know that Mom treat us twins as equal. Kahit pa si Vander ang panganay, kahit pa si Vander pa ang mas seryoso sa aming dalawa. But this?

"Huwag kang praning, dude. It's all about tradition or superstition..." may himig pang aasar na wika nito na hindi ko masakyan. Naniniwala na din si Vander ngayon sa hula? Wow. Nakaka baliw pala talaga kapag nawala ka sa serbisyo katulad na lang ng sabi ng iba. "Mom doesn't want you to spend the night before your wedding with your bride."

Napatulala ako sa sinabi niya. Parang hindi halos kayang tanggapin ng tenga ko ang bawat katagang binibigkas ni Vander. I'd endured tours of duty that had been more dangerous and stressful than this night pero pakiwari ko ay mas kinatatakutan ko na ang mangyayari bukas.

Napalunok ako ng matindi habang hinahabol si Vander sa pintuan ng pag buksan nito ang bisita namin. Sa nakikita ko ay marami ngang koneskyon si Vander sa iba't-ibang sangay ng gobyerno. Dahil hindi man lang naibalita ang kung anong nangyari sa simbahan. Na-blocked din niya ang pag ere ng mga balita sa tv at maging yung bomb scare sa apartment ni Quin ay hindi pumutok sa media.

Shotgun Groom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon