Life is too short to start your day with broken pieces of yesterday, it will definitely destroy your wonderful today and ruin your great tomorrow.
__________Quin
NAKITA ko ang gulat sa mukha ni Áidan. Hindi na rin ako nagtaka. He was away at that time. He pursued his dreams of becoming a fighting officer, hindi ko naman akalaing lalabas siya ng bansa at hindi na muling magpapakita."I'm sorry, Q."
"Tapos na iyon, Áidan. Everyone has to move on...including me." kagaya ng ginawa ko matagal na panahon na. Dumistansya ako sa kanya ng magtangka itong lumapit sa akin. Hindi ko kailangan ang awa niya ngayong mga panahong ito.
"Quin—"
"Vince! Come and see this." lumingon kaming pareho ng agawin ng malakas na sigaw ni Vander ang seryosong usapan namin. Sumunod naman agad si Áidan dito. I came behind them.
Pag labas ko pa lang ng apartment ay nag kalat na agad ang mga pulis sa paligid. Nakasisilaw ang mga ilaw na nag mumula sa mga police patrols. Namataan ko si Áidan na kinakausap ng mga awtoridad. Na overheard ko ang mga usap-usapan ng mga kapitbahay na may bomb threat daw sa village.
"Stay right where you are, Q." banta ni Vander sa akin ng lalapit sana ako sa kumpulan ng mga pulis, tinapunan ko ito ng masamang tingin saka bumaling ulit sa gawi ni Áidan. He's inspecting on some box on the top of an empty drum.
"Last warning, Q." inirapan ko si Vander ng muli siyang mag salita sa gilid ko. Hindi ito umaalis sa sariling puwesto para puntahan ang kapatid.
"He might be in danger, Vander! Anong itinatanga mo?!" Singhal ko dito, nakakainis siya! Bakit parang hindi man lamang ito naa-alarma na posibleng may bomba sa paligid at hinayaan nitong si Áidan lang ang pinaharap sa peligro.
"Vince can handle himself and whoever or whatever he might have encountered." nakangisi ito sa akin ng nakakaloko. "He wouldn't have survived three deployments in Iraq if he couldn't." napamaang ako sa tinuran nito. I-Iraq? Paano napunta si Áidan doon?
Iyon ba ang pinag gagagawa niya sa pitong taon na nawala siya? Ang makipag giyera? I know that he dreamt of becoming a real superhero – but I can't quite imagine him doing all such things. Mariin lang akong nakakatitig sa kumpol ng mga tao, sari-sari ang nag lalaro sa imahinasyon ko. Ang dami ng nangyari sa araw na ito na hindi ko na halos malunok pa at maisaksak sa utak ko ng may makita kong mga kislap ng ilaw.
"Vander, I see something!" Anas ko.
"Ha? Wala naman akong nakikita?!" hinatak ko pa ang braso niya para puntahan kung ano iyon. Mukha namang nag alala ito sa kakambal ng bumunot ito ng telepono at saka ni-dial ang number ni Áidan.
BINABASA MO ANG
Shotgun Groom
RomanceSG: 6th For better, or for worse. Till sickness, and in health. Till death for my part. Your's trully, Aidan Vince Saavedra, The Shotgun Groom. Ms.Therapeutic ©