Decisions are the hardest moves to make, especially when it's a choice between what you want and what is right.
__________Quin
ANG SANANG wedding rehearsal ay naging parang shooting. Hindi magkamayaw ang mga taong gustong makiusyoso at mayroon na ring dumating na mga media man na gustong i-cover ang insidente.
"Wala si Cory doon.."
Iyon lang ang narinig ko kay Áidan magmula ng tanungin niya ako kung nasaktan ba ako kanina. Naging busy kasi siya sa pag halughog sa buong lugar para mag imbestiga, actually hindi nga ako sure kung tama ba ang ginagawa niya dahil ang alam ko, discharge na siya sa pagiging sundalo at hindi niya rin iyon trabaho.
"Pa-paanong wala? I saw the blood, you saw it too. How come he is not there?" itinago nila ako dito sa isang kuwarto para hindi ako pag piyestahan ng mga reporter.
Isang beses lang akong kinuwesyon ng mga pulis pero ng masyado na silang tanong ng tanong sa akin ay bigla na lang dumating si Tita Freya para itaboy sila at sinamahan niya ako dito habang hawak ang kamay ko na sana ay ang mga kamag anak ko ang kasama ko pero busy sila sa pag papa-interview doon sa labas.
"We still don't know. We are looking at the side of kidnapping and all that blood was just for false pretense." nakita ko muli yung kamay ko. Natuyo na yung dugo na kanina ay nahawakan ko pag bukas ko ng ilaw.
Tumingin ako sa kanya. I know he is Áidan. Kahit pa magkamukha sila ni Aldous madali ko siyang nakikilala. Despite the blood and the fear, during the moment that he'd embraced me—I felt safer with his arms around me.
"Quin, we need more information about you and Cory. Mayroon ba siyang mga kaaway? May nakita ka bang kahina-hinala sa kanya?" I looked at Vander who is now asking me a lot of questions.
"Vander, hayaan muna natin si Quin—"
"No!" I gave Tita Freya an apologetic smile bago ko tinignan sa mata si Vander. "Walang kaaway si Cory. He's still everyone's friend just like—just like college."
Cory, asan ka? What happened to you?
"Then maybe this isn't what it looks like," narinig ko si Aldous, "It looks like a crime scene, maraming dugo, signs of struggle was there. It's obvious that somebody was dragged down." Napalunok ako ng di oras. Kung tama man ang nasa isip ni Aldous, bakit, bakit wala man lang kaming narinig na kaluskos o signs ng panlalaban ni Cory? Bakit wala man lang nakakita ni isa sa kanya at kung papaano siya kinuha?
Naputol ang pag iisip ko ng makarinig ako ng pabalagbag na bukas ng pinto. Saka ko nakita ang nag lilisik na mga mata ni Moira, she's my cousin—anak ni Tita Maita.
"What the hell did you do?!" dumukwang ito saka ako sinampal. Lahat kami hindi naka kilos sa ginawa nito sa akin. Nakita ko si Áidan na lalapit sana pero pinigilan siya ng kapatid.
"Anong ginawa mo kay Cory!" hinampas pa niya ako at pilit pinaaamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Pinag hiwalay nila kaming dalawa at awang-awa ako sa hitsura ko. Bakit ba ako ang pinag bibintangan niya? Ako ang fianceé, nawawala ang groom ko pero sa akin parin lahat ang sisi.
"You need to calm down." nakita ko si Áidan na naka hawak sa magkabilang balikat ni Moira.
"Huwag kang makiaalam dito!" Nakita ko ang pag tulak nito kay Áidan na hindi man lang natinag, "I need to know what that bitch did to Cory!"
BINABASA MO ANG
Shotgun Groom
RomanceSG: 6th For better, or for worse. Till sickness, and in health. Till death for my part. Your's trully, Aidan Vince Saavedra, The Shotgun Groom. Ms.Therapeutic ©