Shotgun Groom: 8

5.5K 143 2
                                    


Go for someone who is not only proud to have you but will also take every risk just to be with you.
________

Quin

MAPAKLA ang tawa na lumabas mula sa bibig niya ng maalalang muli ang kanina lang na sinabi ni Vander. Mukha na siyang tanga sa paningin ni Vander ng nilingon siya nito habang nag mamaneho.

"Bad luck? Naniniwala pala talaga ang pamilya ninyo sa bad luck?" Kung iisa-isahin ko ang kamalasan na dinanas ko ngayong araw na ito ay wala sigurong maniniwala na pinakyaw na niya ang lahat. "My groom has been...abducted. Gusto akong sagasaan sa open street ng diko kilalang tao tapos naman may nag iwan ng pekeng bomba sa gilid ng bahay ko. Tell me, may nakalimutan pa ba akong kamalasan sa katawan?"

In fact, gusto ko ng maiyak sa kawalan ng maisagot sa lahat ng mga nangyayaring ito. Kung ako ang gusto nilang saktan, bakit si Cory ang kinuha nila.

"You or Vince could've get killed." nakagat ko na lang ang labi ko ng ipamukha sa akin ni Vander ang problemang idinulot ko sa kanila.

Her stalker obviously wanted to stop her wedding. Habang papalapit ang kasal ko ay mas lalong dumadami ang attempts sa buhay ko – if the stalker had figured out that Áidan is her new groom she suspected the night would seem endless unless it ended forever.

Sandali akong nakaidlip sa sasakyan at naramdaman ko na lang ang maagan na pag tapik ni Vander sa balikat ko.

"Andito na tayo." naunang lumabas si Vander ng sasakyan saka niya binuksan ang pinto sa aking gilid. Nag adjust ako sa dilim ng paligid at tumambad sa akin ang isang maliit na bahay malayo sa kabihasnan. Bungalow typed bahay kubo style ito na masyadong maganda para maging isang safe house.

"It's used to be a rest house but for now it's a safe house for you. Tanging ako at si Vince lamang ang nakakaalam ng lugar na ito." agad na nasagot ni Vander ang mga tanong ko. Sinundan ko siya sa pag lalakad dahil madilim ang daraanan at baka maligaw pa ako.

"Thanks," anas ko na ikinalingon ni Vander sa akin, "For taking care of me. For getting me safe."

"You'll be Vince's wife soon. Karapatan ko at trabaho ko magmula ngayon ang protektahan ang kung anong mahalaga sa kakambal ko." it may sound so odd when he told me that I'm important to his twin when in fact wala na akong naging balita dito noong umalis siya at mag sundalo.

Simula ng yakapin ko ang pagiging Gazis nawalan na ako ng kakayahang pumili ng mga bagay na makapag papasaya sa akin. Palaging si lolo na lang ang nasusunod. Simula sa pagkain na kakainin ko, sa mga kaibigan na dapat kong paki samahan hanggang pati na rin sa lalaking makakasama ko sa buhay. Lahat kailangang may approval ni lolo at iyon ang kabayaran sa pananakit ko sa damdamin ni Áidan noon.

"Mananatili ka dito habang inaayos ni Vince ang kasal ninyo. Kumpleto ang bahay na ito ng kung ano ang kailangan mo. The food can last for three months." pagpasok ko pa lang ay naging pamilyar na ako sa init ng paligid. Malaki ang loob ng kubo at moderno lahat ng mga kasangkapan. Sa isang sulok ng sala ay makikita ang mga litrato nilang kambal noong mga bata pa sila.

"Make yourself at home."

Home. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa sarili ko. How can I felt homey if I don't know the feeling of having a home? When my mother died pinatigas ko na ang sarili kong puso para masikmura ko ang pakikisama sa matandang iyon na tinatawag kong lolo. Sa mga matatalim na mga titig ng tiyahin ko at ng pinsan ko. I was thrown out of the mansion the moment my grandfather died and from the moment, I'm searching for a home. A permanent home.

Shotgun Groom Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon