Kabanata 2

285K 5.8K 628
                                    

Caden

"Ang ganda" napalingon ako at nakita si Gelo na nakatingin din sa lupain ng Argao. Ngumiti ako at inakbayan siya.

"Yeah, too beautiful" saad ko habang pinagmamasdan din ang lupain. It was so peaceful, tipong nakakatakot isipin na baka isang araw ay mawawala ito.

Huminga ako ng malalim.

"Rian! Let's go!"

Lumingon ako at nakitang kami nalang ni Tul at Gelo ang nasa labas. I was staring at the land of Argao too much.

I realized that maybe this isn't bad after all.

"Yeah" sagot ko at sumunod na kami sakanya.

Pumasok kami sa mansyon at kahit ilang beses na ako pumunta dito ay namamangha pa rin ako. They preserved every part of the mansion. May mga pinaayos lang pero kitang kita pa rin kung gaano ito ka-antique. May nakasabit na malaking picture frame ng pamilya sa may living room.

Ang mansyon na ito ay apat na palapag. Sa pangatlong palapag ang kwarto ko kasama ang kwarto ni Tul, Agatha at Alice.

"Nasaan sila?" Tanong ko kay Tul habang pinapasadahan ng tingin ang buong mansyon.

Tinatahak namin ang papuntang dining area. Nakakarinig na ako ng mga halakhak kaya sigurado akong nandoon sila.

"Hmm.. perhaps kitchen?" simple niyang sagot habang tinatali ang kanyang buhok.

Pagkapasok namin sa Dining Room ay nakita ko agad si mommy at daddy na nakikipag tawanan sa mga pinsan ko at sa mga auntie at uncle ko.

"Hey, mom!" Bumati si Tulip kay Tita Jade. Lumapit naman ako kay mommy at daddy para yakapin sila.

"Kumusta ang byahe?" tanong ni daddy kaya napatingin ako kay Adrian habang nagpipigil ng tawa. The way he looks at me is like asking me not to say a thing that will go against him.

Ipinilig ko ang ulo ko. "Okay naman po. Carl took over Ad after we ate for lunch"

Kita ko ang pag-relax ng ekspresyon ni Ad.

Inabutan ako ni mommy ng inumin at kinuha ang gamit ko saakin. Si Gelo naman ay umupo na sa tabi ni daddy at nagkwentuhan na sila.

"No mom! Ako na" wika ko pero sadyang pursigido si mommy kaya nahablot niya ito.

"No. Let me.. umupo ka muna diyan. Ipapasok ko lang ito. Nag bake ng cookies ang Tita Pia niyo, kumain kayo diyan." saad niya at bago siya lumabas ay hinalikan pa siya ni daddy sa kamay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil doon. Hanggang ngayon ay sweet na sweet pa rin sila.

Umupo ako sa tabi ni daddy. Everyone is busy talking about the land trip.

"Bukas, magenroll na kayo" saad ni Tita Pia, asawa ni Tito Ziel. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Kailangan na rin dahil in 6 days, magsisimula na ang klase.

"Ma, maayos na ba yung mga papers namin? Papayag ba talaga silang mag enroll kami kahit hindi kami dito nag start?" Tanong ni Simon kay Tita Jade. Its a good question, may mga school kasing masyadong strict minsan na hindi tumatanggap ng transferee.

"Yes.. actually nakausap na ng Tito Teo niyo ang principal ng university, they told him that you still need to take the entrance exam though." paliwanag ni Tita.

Mahigpit nga.. base sa narinig ko, ang papasukan naming school dito ay isa sa pinaka magandang school dito sa Cebu. It provides the quality of education that we need.

"Sure. Kaya naman yan" hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Uno. His cocky expression says it all. He is over confident.

"Dad? By the way, ano ba talagang plano? How will you completely take over Visayas?" Tanong ni Adrian habang ako naman ay busy sa pagaayos ng connection ng wifi ko.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon