Kabanata 44

167K 3.1K 154
                                    

Mensahe

"Pasok na muna tayo.." mahina kong bulong sakanya.

Sa totoo niyan ay nilalamig na ako. Atleast the closed doors of the gym would help me get warm.

"Okay.." aniya at akmang bubuksan ang pintuan nang gym nang pigilan siya ni Sky.

"Yung.. ano.. yung-"

"Hayaan mo na." Hindi natuloy ni Sky ang sasabihin dahil pinutol ito ni Evander.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Kahit ang mga pinsan ko ay parang hindi payag na buksan ito ni Evander. Si Agatha ay napasapo pa sakanyang noo.

Napalingon ako sa pintuan nang buksan niya ito.

Namilog ang mata ko at napaawang ang labi ko. Nilibot ko ang mga mata ko, balloons, table, candles, lightings.. at banner na nagsasabing Will you be my girlfriend? ang tumambad sa akin.

"Mas importante siya kay'sa sa surpresa na 'to. Tsaka kahit anong mangyari, sumagot man siya ng oo o hindi, alam ko namang mahal niya ako." Ani Evander.

Napatingin ako sakanya. Nakangisi siya sa akin kaya napangiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pinasok ako sa loob ng gym. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa nakikita.

Paano kaya kung walang nangyaring gulo? Paano niya kaya ako i-susuprise? Anong magiging reaksyon ko? Damn.. I want to feel it.

"Nagpakahirap pa kami sa banner, wala rin palang surprise." Ani Agatha. Napabuga ako ng hangin dahil doon at natawa dahil kumuha nalang siya ng pagkain.

"Nakakainis ang Grace na 'yon! Panira! Sarap lunurin!" Inis na wika ni Alice habang inaayos ang medyo tabinging banner.

"Ako na diyan." Saad ni Sky at kinuha ang banner kay Alice.

Lumingon si Alice sa mga pagkain.

"Pwede na ba kaming kumain?" Tanong ni Alice habang pinagmamasdan ang mga pagkain na nandoon.

"Sure, go ahead." Sagot naman ni Evander.

"Kakain muna ako, mamaya usap tayo." Napangiwi ako sa sinabi ni Adrian.

Linagpasan niya ako at pumunta sa buffet table na nandoon. Mula dito ay rinig na rinig ang tugtog sa labas. Mukhang nasa dance part na sila ng event.

Napatingin ako sa mga pinsan ko at pinanuod ko silang pinagsaluhan ang mga nakahandang pagkain doon. Ngayon alam ko na kung bakit sila wala kanina, siguro ay abala sila sa pag-aayos dito. Nakakapanghinayang tuloy..

"Halika, doon ka muna. Let's get you warm.."

Nilingon ko si Evander at tinanggap ang kamay niya. Tumungo kami sa upuan ng mga bleachers at umupo kami doon. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.

"Nilalamig ka?" Tanong niya habang sinusuri ako.

Umiling ako dahil nahihiya naman ako sabihing oo. Sapat na ang kanyang coat na ipinahiram niya sa akin. Ngayong tinitignan ko siya, naintindihan ko kung ano ang sinasabi ni Shey. Talagang aabangan siya dahil sobra ang kagwapuhan niya. Sobra na pwede bang ipagbawal 'to?

He was always handsome but.. he is special handsome today.

Natigilan ako nang ilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at inusog ako lalo palapit sakanya. Napalingon ako sakanya at deretso lamang ang tingin niya. Bahagya pa siyang ngumiti. Naramdaman ko na ang init ng katawan niya.

"I'm sorry.. nasira ang surprise." Mahinang wika ko.

Hinilig ko ng bahagya ang katawan ko sakanya. Naramdaman ko ang bahagyang paghaplos niya sa balikat ko. Lalong nanlambot ang puso ko dahil doon.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon