Touch
Napatingin ako sa paligid. Pabalik na kami at nakasunod lamang ako sakanya. Namamayani ang katahimikan sa buong lugar. Yung tipong nakaka-ilang yung katahimikan.
"Pumayag ka.." Napalingon ako sakanya, tumigil ako maglakad para sa sinasabi niya pero tumigil siya sa gusto niyang sabihin.
"Anong sabi mo sa dad ko?" Pinilig ko ang ulo ko at sumabay sakanya sa paglalakad muli.
"I didn't answer.."
Totoo naman 'diba? Hindi ako sumagot.
"Oh.."
What was that? Ngayon ko lang narealize na sobrang hirap pala niyang basahin. He has this thing na parang.. off limits. Though, of course.. hindi naman talaga kami magkakilala.
"Bakit mo natanong?" Matapang kong tanong. Hindi ata ako makakatulog kung hindi ko malalaman ang tumatakbo sa isip niya.
He licked his lips.
Pakiramdam ko mali ang tignan siya.
"Wala naman. Of course I should know you. There's a big chance that you'll be dating my brother." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. I don't know if he's mocking me or what.
"Hindi nga kami magde-date. I didn't agree. Hindi nga ako sumagot diba."
This is exhausting. Bakit ba ako nakikipag-argue sakanya tungkol sa bagay na to.
"Well you didn't disagree either. Hindi mo kilala si dad. Most of the time.. silence means yes for him."
Natigilan ako sa sinabi niya. May point siya. Hindi ko naisip ang bagay na yon. Siya kaya? May nirereto ba sakanya?
Humugot ako ng malalim.
"Sayo? I'm sure maraming nirereto sayo." Damn. Bakit ang daldal ko. Why can't I just keep this to myself.
Kabado ako habang hinihintay ang sagot niya. I'm trying my best not to look on his face. Pakiramdam ko tuloy ay napakahaba ng maze na to. I was just following him.
"No. Alam ni dad na hindi niya ako mahahawakan sa leeg. I am not like my brother na willing lahat gawin para kay dad. It's like.. I am the free one. Dad knows na lalayasan ko siya pag pinakelaman niya ako and that is not good for his image. He is a politician after all." I admire him more bacause of that pero hindi ko ito sasabihin.
"Imposible. Hindi mo naman malalayasan ang daddy mo. Paano ka mabubuhay mag-isa if you don't have your father's help"
He stopped kaya napatigil din ako. Lumingon ako sakanya at bigla akong na-concious sa tingin niya. Its like I am an open book to him.
"You're wrong about that. I have my own business. You know Evergreen?"
Evergreen? What? Wait.. sakanya 'yon?
"The restaurant that is currently beating every famous restaurant kahit kasisimula pa lang?" Balak palang namin nila Adrian kumain doon nung isang araw. Damn!
"Yes. That's mine."
"Saan ka nakakuha ng puhunan?" For a young age.. hindi ako makapaniwala. He is too much. Too much for everything.
"From my grandfather.. you know, inheritance" Nagkibit balikat siya at nagpatuloy ng maglakad kaya sumabay ako muli sakanya.
"Oh.. atleast he left something for you. Ngayon may negosyo ka for such a young age." I don't know where I got that.
"His death is injustice" kinilabutan ako sa sinabi niya. Maybe because that part was so sensitive.
"Things happen.. lahat may rason. He died for a reason I am sure" narating na namin ang dulo ng maze kaya liningon ko siya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)
RomanceSi Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, she can have all that she wanted. The surname doesn't need justification, it can carry itself. Sa pag...