Kabanata 19

180K 4.8K 265
                                    

Stolen

"I don't know.."

Shit. Alam ko, mali ang sagot ko pero.. yun talaga ang naisip ko. Napahawak ako sa puso ko at pumikit. Naramdaman ko ang malalim niyang pag hinga.

"It's okay.. you don't need to be burden about my feelings. Sorry for asking you that and for putting you in a hard situation." Umiling ako at sumandal ng maayos sakanya.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit.

"My heart beats faster. Nangangatog ang binti ko. May pumupukpok sa puso ko. May naglalarong mga paru-paro at mga bubuyog sa tyan ko. Bumabaliktad ang buong sistema ko. May elektrisidad na dumadaloy sa buong katawan ko. Nakakakita ako nang pagningning tuwing tumitingin sa mata mo.."

Nakakahiya talaga ang sinasabi ko. Naramdaman kong bahayga siyang napagalaw sa sinabi ko. Napangiti ako pero nanatiling akong nakapikit at pinapakiramdaman ang puso ko.

"Iyan ang mga nararamdaman ko tuwing malapit ako sayo Caden. Aaminin ko na hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga 'to. Lumaki ako na nasa likod ng pamilya ko. Ang mga kapatid at pinsan ko ay naka-aligid. I had admirers and crushes pero walang lumalim doon dahil hindi ako interesado.." huminga ako ng malalim.

Pinatong ko ang kanang kamay ko sa semento. Pakiramdam ko nanghihina ako sa pag-amin ko.

"Nung una kitang nakita sa restaurant na 'yon ay agad na kitang napansin. Your dimples caught me though but as I got to know you.. I realized that you're not just the handsome guy with dimples. You're more than that. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kasi bago ito sa akin. Pero ito yon.."

He's more than that.. so brave and so much more. Behind his smile.. marami siyang insecurities but I want him so realize that he shouldn't be. He is more than enough.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay na nakapatong sa gilid ko. Napangiti ako.

"See? Sa munting paghawak mo ay kumakabog na ang dibdib ko." Saad ko sakanya at bahagyang natawa.

Gusto kong maiyak pero pakiramdam ko ang OA ko naman kung gagawin ko 'yon. This feeling is so surreal.

Pakiramdam ko ay napaka perpekto ng oras at ng lugar na ito. Everything is in the right time and the right place.

"This is my answer Caden. I don't know how to put it into simpler words pero this is it.. this is how I feel for you."

Nagmulat ako nang mata at napabuga ng hangin.

Napa-ayos ako ng upo nang bitawan niya ako at tumayo siya. Liningon ko siya at napatingin sa kamay niyang nilahad sa akin. Ngumiti ako at malugod iyong tinanggap. Tumayo ako at naglebel ng tingin sakanya.

His eyes were peircing through my soul.

Napatingin ako sa speaker dahil biglang nagpakawala ito ng musika.

We watch the season pull up its own stakes

Napangiti ako nang marinig ko palang ang unang beat ng kanta. Really? Ito talaga?

Kinuha niya ang kamay ko at linagay iyon sa balikat niya habang ang dalawa niyang kamay ay binaba niya papunta sa gilid ng aking bewang.

And catch the last weekend of the last week

Marahan niya akong sinayaw kaya napaawang ang labi ko. Napatingin ako sa paa namin at nag-angat nang tingin sakanya. Sinubukan ko siyang sundan.

Ginawa niya na kaya ito sa iba? I hope not.. hindi ko ata makakaya na malaman na may iba na siyang nakasayaw dito. Damn! Jealousy.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon