Kabanata 33

156K 3.2K 119
                                    

Assumptions

"A-ano po?"

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Caden pero hindi niya ako binitawan. Napatingin ako sa mama niya at kita ko ang galit doon. Pagkamuhi..

Gusto ko malaman kung para saan ang galit ng nanay niya sa akin. Kung bakit niya nasabi 'yun tungkol sa akin. Lalo lamang gumulo ang utak ko. Lalong dumami ang tanong sa isipan ko.

"Ma! Get out." Mahinahon pero madiin na wika ni Caden.

"Evander! She is-"

"No ma! Umalis ka na! Don't you dare hurt her!" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain kaya niyang sagutin ang mama niya. He was so angry. Ramdam ko ang pagpipigil sakanya.

Bahagya kong tinignan ang ina niya at kita ko ang galit sa mga mata nito. Ang ugat sa leeg niya ay halos mapatid dahil sa pag pipigil. Kung wala lang si Caden sa harap ko ay malamang kanina pa ako nakahandusay.

"Ako nalang po ang aalis." Mahina kong sabi. Hindi uubra ang kagustuhan kong malinawan sa panahong 'to.

I don't have the right to demand the truth from her mother.

"No! Hindi ka aalis!" Sabat ni Caden at lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Habang tumatagal ako dito pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.

"Buti naman alam mo kung saan ka lulugar, Montgomery." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng nanay niya.

It's not just a small misunderstanding. May pinaghuhugutan ang galit na nararamdaman ko mula sakanya. Binaba ko ang pagkakahawak ko sa damit ni Caden at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Ayaw niyang tanggalin pero ginamit ko ang buong lakas ko para tanggalin 'yon.

"Pasensya na po.." mahina kong saad at mabilis na lumabas doon.

Hindi ko alam anong iisipin ko. Si Caden, ang nanay niya, ang mga tanong sa utak ko.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay lalong sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali na himihila dito.

"Grace!" Narinig kong tawag niya sa akin. Nagmadali ako lalong maglakad. Shit! Bakit walang taxi dito sa lugar nila? Kung kailan ko kailangan tsaka walang dumadaan!

"Damn it! Grace!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad.

Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko kaya..

Habang naglalakad ay nag text ako kay Tulip na sunduin ako sa bahay ni Caden. Adrian knows his address kaya hindi sila mahihirapan maghanap.

Just the thought of them fetching me can make my heart calm. Sila lang naman ang mapapagkatiwalaan ko..

"Grace-" nahawakan niya ako sa braso at mabilis na pinihit paharap sakanya pero marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dito.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang 'yan!" I'm a bomb. Konting konti nalang ay sasabog na ako.

"Okay.. sorry. I'm sorry. Come back, papaalisin ko si mama. In the first place ay dapat hindi kayo nagkita." Aniya.

Gusto kong magtanong kung bakit hindi dapat pero alam kong hindi ito ang tamang panahon.

Nanglambot ang puso ko sa munting pag hingi niya ng tawad. But I need to be firm with my feelings right now. For myself..

Nasa loob lang ang nanay niya at hindi magandang unahin at piliin niya ako. It will hurt his mom a lot.

"No need. Susunduin ako nila Adrian." Sinalubong ko ang mga titig niya at kita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon