Chapter 4: Wrong Person

48 6 0
                                    

Wednesday nanaman. Well, I hate Wednesday. Why? E cleaners ako e. I'm too lazy. Hindi nga ako naglilinis sa bahay tapos pati ba naman sa school paglilinisin niyo ako? No way! Atsaka di naman ako nagkakalat sa room namin kaya wala akong karapatan na maglinis.

While I'm walking, biglang sumulpot naman itong si Xhiena. Wtf. Nandiyan nanaman siya. Saan siya nanggaling? Maging ako ay hindi ko rin alam. Sadyang ang weirdo ng babaeng to, sobra. Bago siya magsalita, inunahan ko na siya. Alam kong mangongopya lang to sa Chemistry. Napahinto ako at humarap sa kanya.

"Alam mo Xhiena para kang taong kabute!"

"Ha? Bakit?" tanong niya na halatang clueless

"Bigla bigla ka nalang sumusulpot e!"

"Ay grabe ka naman."

"Atsaka para kang pagong, ang slow mo!" dagdag ko pa

"Oo na Czach, huhuhuhu. Hard mo talaga sakin. Ganyan mo talaga ako kamahal e no?" tapos bigla niya kong hinug

"Arrggh, ano ba! Kulit mo talaga kabute na pagong! Kiti kiti ka rin pala e no!"

"Okay lang! Ang astig ng kaibigan mo e no, ang daming species. Hahahahaha!"

"Tsk. Anyways, alam ko na ang sadya mo sakin. May assignment ako at di ako magpapakopya." diretsahan kong sabi

"Eeeeeh?! How did you know?! Omg! Alien ka ba?!"

"Hindi ako alien."

"Alien kaaaaa! Pero okay na rin kung alien ka atleast meant to be tayo na maging friends. Hihihi. Kabute na pagong na kiti kiti ako while ikaw ay isang alien. Nice!"

"Tsh. Tama na yang katarantaduhan mo." saad ko at tumakbo ako sa di kalayuan na room namin

Nasa harapan na ako ng pintuan ng classroom namin at napabuntong hininga ako. Ewan ko pero I have this feeling na may di ako magandang makikita pag binuksan ko ang pintuan. Pinihit ko na ang door knob at mabilisang binuksan ang pinto at biglang bumungad sa akin ang nakakasulasok na amoy. May mga dugo sa mga pader at kada armchair ay may lamang loob! At ang pinakamalala ay may pugot na ulo ng tao sa teacher's table!

Rinig kong napatili si Xhiena samantalang ako ay naging blangko ang expresyon ng aking mukha. Napatingin ako sa blackboard at may nakita ako na nakadikit dito. Mukhang mga litrato. Lakas loob akong humakbang ng dahan dahan papunta sa loob nito. Gusto ko makita kung ano ang meron sa mga litratong ito at kung sino ang pugot na ulo na yun.

"Czach! Huwag kang papasok! Baka mapano ka diyan!" sigaw ni Xhiena sakin ngunit di ako nakinig sa kanya bagkus at tinuloy ko pa.

Nang nasa harapan na ako ng blackboard, inilapit ko ang aking mukha sa may litrato at laking gulat ko kung sino ang nasa litratong ito!

"H-Hershey?" utal kong sabi at napatingin ako sa pugot na ulo at sa buong classroom namin. Di ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit.

"Czach!" tawag ng isang lalaki sakin at di ko napansin na nilapitan niya ako. Bigla niyang tinakpan ang mukha ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko.

"Wala na, huli na ang lahat Peter. Nakita ko na ang mga nasa paligid ko." sabi ko at lumabas ako ng classroom. Hindi ko pinansin ang mga classmates ko at nang napatingin ako sa kanya, kita ko sa kanya ang kakaibang ngiti at dahil dito naramdaman ko nang may alam siya. Napatingin siya sa akin at hindi niya tinanggal sa kanyang mukha ang ngiting iyon.

"Linisin na natin ang classroom natin bago pa maabutan ng mga teachers at ibang estudyante ito." sigaw ni Xenon, ang class president namin.

"Kaya mo ba tong linisin ha?! Hindi ka ba nandidiri?!" tanong ng isa naming classmate kay Xenon

"Okay sige, ganito nalang. Yung cleaners ang pagpalinisin! Wednesday cleaners, maglinis na kayo!" utos nito ni Xenon. Wow. Kami pa talaga paglilinisin ha!

"Ano?! Tangina mo ba?! Kami, paglilinisin mo niyan?! Gago!" reklamo ko

"Alam ko naman Czach na hindi ka maglilinis." sagot niya sakin

"Buti at alam mo! Kung hindi, baka may mabunyag ako ng wala sa oras!" pagpaparinig ko. May nalalaman akong sikreto mo Xenon kaya huwag mo kong kalabanin! Napatahimik naman siya. Mukhang alam na niya ang tinutukoy kong sikreto. Alam niyo ba kung ano? Siyempre hindi!

"Tangina niyo din e no! Dapat lahat tayo maglinis! Classroom natin to, punyeta kayo!" dagdag ko pa. Lahat naman ay nagsinuran sa utos ko.

Pumasok kami sa loob ng classroom at sinarado ang pinto at nilock ito. May iilan sa amin na nagsuka. Ang aarte. Habang naglilinis kami biglang may nagring ng cellphone na ikinabigla naman ng lahat.

"Hanapin niyo kung saan nanggaling ang tunog na yon!" utos ni Xenon. Nagsikilos naman ang iba at kumilos din si Xenon.

"ETO!" sigaw ng classmate ko na si Trevor at nilagay niya ito sa teachers table. Maya maya ay biglang may nagsalita na nanggaling sa phone.

"Kumusta mga mahal kong classmates? .." nagsitinginan kami sa bawat isa. "Nagustuhan niyo ba ang munti kong regalo? Hahahahaha! Kilala niyo ba kung kaninong lamang loob at pugot na ulo yan? Para sa mga di nakakaalam ito ay kay Hershey Manalansan. Sa mga oras na ito ay alam kong nakakaramdam na kayo ng takot. Masayang masaya ako dahil nakikita ko kayong takot na takot! Hahahahahaha! Well, kahit na mag-ingat kayo ay di pa rin kayo makakaligtas! Kaya kawawa ang mga mamamatay. Sorry nalang sa mga taong iyon. You can't escape death from us. Sayonara!" at naputol na.

Kita ko sa kanilang mga mukha ang kaba at takot. Ako? Wala akong nararamdaman. Tama naman siya, we can't escape death from them. Dama ko na masyado silang magaling pagdating sa ganito.

"SINO ANG WALA RITO SA CLASSROOM?!" sigaw na tanong ni Xenon na halatang nagpapanic na. Nagsitinginan sila sa isa't isa habang nagsisigawan sa panic.

"SI KELVIN ANG WALA RITO!" sigaw ng isa kong classmate

"SO ANONG GUSTO MONG IPALABAS?! NA MAMAMATAY TAO ANG BOYFRIEND KO?!" sigaw na tanong ni Xhiena

"MANAHIMIK KAYO! AT PWEDE BA KUMALMA MUNA KAYO?!" sigaw ni Xenon na nagpatahimik naman sa kanilang lahat.

"Maaaring si Kelvin ang may kagagawan nito! Siya lang ang wala dito at may posibilidad na siya rin ang nagsasalita doon!" saad nito. Rinig kong nagsi-sangayon ang mga classmates ko. Maari nga na siya pero wala pa kaming kasiguraduhan.

"Tangina mo Xenon! Huwag niyong sisisihin ang boyfriend ko!"

"Kahit naman na boyfriend mo siya Xhiena, may posibilidad na si Kelvin parin ang killer!" sagot naman ni Asher

| Pony's POV |

Mga bobo! Hahahahaha! Gustong gusto ko na talagang tumawa dito kaso masisira ang acting skills ko at masisira ang plano namin. Naniwala naman sila sa sinabi ni Xenon. Hahahahahaha! Mga bobo talaga oh! Ang tanga lang nga ni Xenon magisip e. Pero okay lang dahil bilang nalang ang mga araw niya.

Pero aaminin ko, wala akong alam kung nasaan si Kelvin. Hindi si Kelvin ang top 14 dahil top 13 lang siya. Pero okay lang na wala siya rito, atleast hindi mahahalata na kami ang may gawa ng mga ito. Maya maya nilapitan ako ni Czach. Isang himala na lapitan ako ng babaeng ito dahil di naman ako pinapansin nito.

"Sa tingin mo, ilan sila?" tanong niya sakin

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" pagkukunwari ko kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya

"Ilan sila na pumapatay." Sabi na e.

"T-talaga? Paano mo nasabi?"

"Nararamdaman ko."

"Natatakot ako Czach sa mga pinagsasabi mo."

"Huwag kang matakot harapin ang kamatayan." sabay alis nito sa harapan ko. Hindi talaga ako matatakot dahil ang kaluluwa ko ay matagal ng patay.

----------------
VOTE & COMMENT.

Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon