AN: Yo, I'm back lol. Magrerelease ang lola niyo ng mga extra chapters! Sa mga extra chapters na irerelease ko ay dito niyo malalaman kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila Czach, Xhiena, Peter, Asher, Hero and Xenon and kung paano sila naging kasapi ng Pieces. Malalaman niyo din dito kung bakit nakalimutan ni Czach na kaibigan niya ang lima at ang Pieces. Para naman di kayo maguluhan. Kasi feeling ko naguguluhan pa rin kayo and nagtataka pa rin kayo kung paano sila naging magkakaibigan. Ge bye. Hahahaha.
***
| Xhiena's POV |
"Buti nga sayo Xhiena! Ang baho tuloy ng uniform mo!" Sabay tawa ni Vianca, yung classmate ko na mahilig mang-bully. Alam ko naman na siya ang may gawa nun pati na rin yung mga alipores niyang sila Selle and Annah. Hindi ko nalang sila pinansin at kinuha ko nalang ang uniform kong nasa basurahan. Patakbo akong lumabas ng classroom upang pumunta sa may locker ko habang pinipigilan ko ang pag-iyak ko
Pagkadating ko sa locker room ng girls ay nakita ko ang classmate ko na si Czach na naka-upo lang dun. Si Czach na isnabera at parang walang pakialam sa buhay. Hindi naman niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako. Pumunta ako sa harapan ng locker ko at binuksan ko iyon upang kunin ang extra uniform ko. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang mga tira tirang pagkain na nagkalat doon. Yung uniform ko ay basang basa dahil sa coke. Narinig ko naman na may nagtawanan sa gilid ko at pagkatingin ko doon ay sila Vianca lang pala kasama ang mga alipores niya.
"Kawawa ka naman Xhiena, paano ka makakapagpalit ng uniform niyan kung madumi yung extra uniform mo? No choice ka kundi gamitin yung uniform mo na mabaho." Sabi ni Vianca at tumawa ulit. Iniyukom ko ang kamao ko dahil sa galit. Oo, nagagalit ako. Ayoko nang umiyak pa dahil nakakapagod na. Tumayo ako at sinabutan ko si Vianca. Nagdidilim na talaga ang mga mata ko at gusto ko siyang patayin. Pinipigilan naman ako ng mga alipores niya ngunit hindi ako nagpatinag. Narinig ko naman na nagsara ang pinto at nilock ito. Tiningnan ko kung sino ito at si Czach lang pala. Tinulak niya ang mga alipores ni Vianca nang malakas kaya naman ay narinig kong tumama ang kanilang katawan sa lockers at nawalan sila ng malay. Tinulak naman niya si Vianca kaya naman ay pati ako ay nadamay sa pagkabagsak.
"Ano bang problema mo Czach?! Bakit ka ba nangingialam?!" Sigaw ni Vianca sa kanya. Hindi naman kumibo si Czach at may kinuha sa locker niya at inilabas ang dalawang pares ng surgical gloves at dalawang kitchen knives. Napalaki naman ang mga mata ko. Hinagis niya sa harapan ko yung isang pares ng gloves at yung kitchen knife. Sinuot naman niya yung gloves na hawak niya at kinuha yung kitchen knife niya.
"A-anong balak niyong gawin?" Utal na tanong ni Vianca. Hindi ako makasagot dahil maging ako ay nanginginig sa takot.
"Sa tingin mo ano ba?" Malamig na tanong ni Czach. Napatayo at napatakbo si Vianca papunta sa pintuan habang sumisigaw ng 'tulong' ngunit natigil siya nang sinaksak siya ni Czach. Napatakip ako ng bibig. Inihiga ni Czach ang katawan ni Vianca sa sahig.
"Sawang sawa na ako sa nakikita kong pangbubully niyo ng mga alipores mo. Kaya dapat lang na mawala na rin kayo sa mundong tinatapakan niyo." Walang emosyon pa din na sabi ni Czach. Tumingin sa akin si Czach dahilan upang matakot ako sa kanya "At ikaw Xhiena, huwag mong pairalin ang pagiging mahina mo. Sa tingin mo ba may mapapala ka sa pagiging mahina mo? Diba wala? Kaya dapat lang na lumaban ka." Tama si Czach, wala akong mapapala kung ipagpapatuloy ko ang pagiging mahina ko. "Kaya kung ako sayo dapat matagal mo na silang pinatay." Dagdag pa nito.
Para naman akong nahipnotismo dahil sa mga sinabi niya sa akin. Tama naman kasi talaga si Czach. Dapat matuto akong lumaban. Kinuha ko ang gloves at sinuot ko ito. Pagkatapos ko itong suotin ay kinuha ko ang kutsilyo. Dahan dahan akong tumayo habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
Judas' Kiss
Mystery / ThrillerCOMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016