| Giovanni's POV |
Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame. Inilibot ko ang aking mga mata upang tingnan kung nasaan ako. Mukhang nasa isang kwarto ako na pang-ospital. Bumangon ako ng dahan dahan ngunit biglang sumakit ang ulo ko kaya naman ay napahawak ako dito. Inalala ko lahat ang nangyari bago ako napunta rito. Nang maalala ko na lahat ay kinabahan ako. Nasaan na yung taong hiningan ko ng tulong? Ibig bang sabihin nito ay ligtas na ako? Hindi na ba ako mahahanap nila Czach? Ayan ang mga katanungang pumapasok sa isipan ko. Pero sana natakasan ko na ang mga paghihirap ko na ito. Maya maya ay narinig kong may pumihit sa door knob at nang mabuksan ko ito ay nagulat ako sa aking nakita.
"Mr. Principal?" Pagtataka kong tanong ngunit siya ay napangiti lamang sa akin. Nawala ang aking mga kaba. Buti nalang at siya ang nakakita sa akin at hindi si Mr. Roswell dahil kung hindi, malamang kanina pa ako pinapahirapan ng mga demonyong iyon.
"Kumusta ka na iha? Atsaka bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nito sa akin habang ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala. Bigla naman akong napaiyak dahil sa mga paghihirap na naranasan ko at sa mga ginawa kong inakala kong magtatagumpay kami. Hinawakan naman niya ang aking kamay upang bigyan ako ng lakas ng loob. Napatingin naman ako rito at may nakita akong kakaibang tattoo sa kanyang kamay ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at sinagot ang kanyang katanungan.
"May pumapatay po sa amin at mismong ang mga classmates ko at ang masaklap pa dun ay kasali sa pagpatay ang mismong adviser pa namin. Sir, bakit po ba hindi ka gumagawa ng paraan? Bakit po hanggang ngayon ay nangyayari ito? Sir, 2010 pa ito nangyayari oh! Ilang taon na ang lumipas ngunit wala pa rin po kayong nagagawa." Tanong ko sa kanya habang ako ay umiiyak. Napahinga naman siya ng malalim bago siya nagsalita.
"Iha, alalahanin mo na una ay bagong principal lang ako sa eskwelahan na pinapasukan mo. Pangalawa, kahit na ilang taon na akong naging guro sa eskwelahan na iyon ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa mga pulis. Pangatlo, at ngayong principal na ako ay nandito pa rin ang pagiging mahina ng loob ko. Kaya patawad iha. Ngunit dahil sa mga tinanong mo sa akin ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Irereport ko na ito sa mga pulis at sasabihin ko sa kanila kung saan naganap ang paghihirap niyo. Sige, lalabas lang muna ako." Mahaba niyang sabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at naglakad na papalabas kaya naman ay naiwan na akong mag-isa sa kwartong ito. Sa wakas, maliligtas na ako! Nahiga ako at ipinikit ang aking mga mata. Ilang minuto ang lumipas at nakarinig ako ng pagpihit ng door knob at ito ay bumukas. Napamulat ako at napangiti dahil mukhang tapos nang ireport ni Mr. Principal sa pulis ito. Ngunit nawala ang aking ngiti at binalutan ako ng takot at kaba ng ibang tao ang aking nakita.
"X-xenon?" sabi ko at napangiti naman siya na mala-demonyo. Hindi pa rin siya kumikilos at nanatili lang siya sa kanyang pwesto at nakapamewang pa. Pwede pa akong makatakas sa kanya.
"Ako nga. Kumusta na Giovanni? Akala mo ba matatakasan mo kami? Hinding hindi mo kami matatakasan lalo na ang kamatayan. Sinusundo ka na nga pala niya." Sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko. Pinilit kong kumilos ngunit laking gulat ko nang hindi ako makagalaw sa aking pwesto. Bigla naman lumitaw ang iba pang kasamahan ni Xenon ngunit wala rito si Mr. Roswell. Nasaan na ba si Mr. Principal?
"Pakawalan niyo ako!" Sigaw kong utos sa kanila ngunit tumawa lamang sila. Para silang mga baliw! Ay hindi, baliw na nga talaga sila!
"Plano mo pang tumakas kanina ha? Atsaka si Mr. Principal? Tangina naman nung matandang yun! Malamang sa oras na ito ay naghahabol na yun ng hininga." Sabi ni Xhiena habang pumapalakpak. Ibig sabihin ba nito ay kaya wala si Mr. Roswell dito ay dahil pinatay na niya si Mr. Principal?! "Exactly Giovanni! May isip ka pa rin pala no. Hehe." Dagdag pa ng hayop na demonyong babaeng ito. Napabuntong hininga na lamang ako dahil mukhang wala na akong pag-asang mabuhay pa nang matagal. Maya maya ay nakaramdam naman ako na parang may kumokontrol sa akin sa pagkilos. Napatingin naman ako sa kanila ngunit sila ay palabas na ng kwartong ito habang ako ay kontroladong nakabuntot sa kanila. Nakalutang ako na para bang multo. Nasa basement kami ng ospital ng biglang may nagsalita.
"Hay nako, magkakasala ako sa batas nito dahil mang-cacarnap pa tayo dahil wala tayong kotseng dala." Sabi ni Ashton habang nangangamot ang kanyang isang kamay sa kanyang ulo. Napatawa naman sila samantalang ako ay walang imik lamang.
"Tanga mo talaga bro, matagal na tayong may sala sa batas gago." Sabi naman ni Asher sa kanyang kambal sabay batok nito sa kanya ngunit napatawa na lamang si Ashton at nanahimik din.
"Kung hindi lang kasi natin kasama si Giovanni at kung nag-iisa lang ang sumundo sa kanya dun sa ospital, edi sana makakapagteleport tayo." Sabi naman ni Hero na padabog na naglalakad. Napa-what-the-fuck-face naman ako. Ako pa ang sinisi nila?
"Edi sana hindi niyo nalang ako dinala at hinayaan niyo nalang ako sa kwarto!" Sagot ko naman habang inirap-irapan ko si Hero na nakatingin sa akin. Napahinto naman sila sa paglalakad dahil nakahanap na si Ashton na kotseng pwedeng carnapin.
"Alam mo Van, hindi kami ganon katanga para mag-suggest ka ng ganong bagay." Sabi naman ni Czach at inirapan din ako. Naiirita na ako dito! Gusto ko na talagang makatakas pero mukhang wala na talaga akong pag-asa dahil nga sa kontrolado nila ang pagkilos ko. Narinig namin ang pagstart ng kotse na nacarnap ni Ashton kaya naman ay sumakay na kaming lahat at si Ashton na rin ang nagdrive. Mukhang pabalik kami ng Roswell Resort dahil tinatahak namin ang way papunta rito. Malayo layo pa ang byahe namin kaya naman ay napatingin ako sa langit. Mukhang mag-uumaga na. Bigla namang may nagsalita.
"Alam mo Giovanni, hindi pa namin nakikita si Zhena." napating ako sa nagsabi at si Asher ito habang nakapikit. Akala ko patay na siya.
"Oh talaga? Mabuti naman yun para kay Zhena." Sagot ko sa kanya ngunit hindi na rin niya ako sinagot pa. Naalala ko si Mr. Principal. Nareport niya kaya sa mga pulis ang kalagayan namin?
Isang oras na ang nakalipas nang makarating kami sa Roswell Resort. Dito na ata talaga nila ako balak tapusin. Habang naglalakad sila ay napatingin ako sa langit. Medyo maliwanag na. Napahinto sila sa paglalakad at naramdaman ko naman ang pagbagsak ng katawan ko sa buhangin. Umalis naman ang iba at ang naiwan na lamang kami ni Peter dito. Nakatingin lang ito sa akin at binabantayan niya talaga ako.
"Hindi na ako tatakas pa. Wala na akong kawala sa inyo." Sabi ko at napayuko ako. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya naman ay napatingin ako sa kanya.
"Buti naman at alam mo Giovanni. Alam mo ba, inakala ko noong araw na pinatay mo si Czach ay nagkaroon ng trayduran sa amin? Tangina talaga." Sabay napatawa siya ng malakas-isang tawang demonyo. "Pero nagpapasalamat ako sayo dahil kung hindi ka gumawa ng katarantaduhan sa amin ay hindi ko malalaman na binuhay pala siya ni Mr. Roswell. And guess what? Si Czach ang bumuhay kila Mr. Roswell, Hero and Asher. Ang galing no?" Dagdag pa nito. Hindi na ako umimik pa dahil hindi na ako interesadong malaman pa kung ano ba talaga ang nangyari at paano nabuhay ang mga demonyong yun. Ilang sandali pa ay dumating na ang iba dala dala ang mga gagamitin nilang pangtorture sa akin and this time ay kasama na si Mr. Roswell.
BINABASA MO ANG
Judas' Kiss
Mystery / ThrillerCOMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016