Nakaupo lang ako ngayon sa buhangin. Pinagmamasdan ang mga classmates ko na parang bata dahil sa kanilang inaakto ngayon. Nakakatuwa silang tingnan, ang sarap nilang lunurin. Hahaha! Joke! Naisipan ko silang picturan at iuupload ko sa aking Instagram account. Nang makakuha ako ng magandang angle ay agad ko itong pinicturan. Nilagyan ko ng caption na "Happy vacation! 😘☀" Nang iuupload ko na ay biglang may lumabas rito na "You don't have signal. Please try again." Ha? E parang kagabi lang merong internet ah? Nakita ko si Mr. Roswell at agad akong napatakbo papunta sa kanya.
"Mr. Roswell, bakit wala pong internet at signal dito?" tanong ko kaya naman ay napakunot ang noo niya.
"Ha? Kagabi meron ah?" sagot niya.
"Oo nga po e."
"Hayaan mo, ipapacheck ko nalang sa maintenance mamaya." sabay tapik niya ng braso ko at umalis na siya. Mukha pa siyang kalmado ha. Tsk, ganon lang naman yun palagi. Hehehehe. Tinawag naman ako ni Peter at sinenyasan na pumunta sa kanila.
"Wait lang! Punta lang ako sa room namin!" sigaw ko. Napatango naman siya. Dali dali akong tumakbo papunta sa room namin upang itago ang cellphone ko. Mahirap na, baka mawala pa. Agad ko itong tinago sa aking bag at lumabas na sa room namin ni Zhena. Maya maya ay bigla na lamang ako nakaramdam ng hapdi sa aking likod at may lumabas na kung anong likido mula sa aking bibig .. dugo! Hirap man ay pinilit kong tumingin sa aking likuran at doon ko nakita ang nakangising labi na si ..
"Giovanni!" sabi ko at nakita kong mas lalong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Oo, ako nga. Hello!" bati niya at agad niyang hinugot ang patalim sa aking likod at niyakap niya ang aking leeg gamit ang kanyang braso at walang sabi sabi ay sinaksak niya aking puso ng maraming beses dahilan upang lumugwak ang dugo mula sa aking bibig at mahirapan ako sa paghinga. Naramdaman ko nalang ang aking pagbagsak sa sahig at nilagay ko ang aking palad sa aking dibdib sa pag-asang huminto ang daloy ng dugo ngunit huli na ang lahat. Bigla na lamang nanlabo ang aking paningin at ang huli kong nakita ay ang pagalis ni Giovanni sa pagkakatayo at lumakad na.
| Peter's POV |
"Czach!" tawag ko sa kanya at sinenyasan ko siyang pumunta rito sa dagat.
"Wait lang! Punta lang ako sa room namin!" pagpapaalam niya kaya naman ay napatango tango na lamang ako at sinundan ko siya ng tingin. Para siyang bata sa pagtakbo niya, hahaha!
------------------
Hindi ko na napansin ang oras dahil masyado kaming nagsasaya at nagaasaran. Bigla ko na lamang naalala si Czach. Hindi na siya bumalik dito pagkatapos niyang magpaalam kanina!
"Guys, anong oras na?" tanong ko sa kanila.
"Aba malay namin. May orasan ba kami?" sagot naman nito ni Asher. Napatango tango nalang ako. Malapit na lumubog ang araw. Nung nagpaalam si Czach sa akin ay tirik ang araw. Bakit bigla akong kinabahan? Dali akong tumakbo papunta sa lugar kung nasaan ang room nila Czach. Pagkadating ko sa corridor ay laking gulat ko nang makita ko ang nakahiga at duguang katawan ni Czach! Hindi to maaari! Bakit nagkakaroon ng trayduran sa amin?!
"Czach!" sigaw ko at dali dali akong tumakbo papunta sa katawan nito. Agad ko siyang pinulsuhan at halos gumuho ang buhay ko nang wala na akong maramdamang pintig mula rito. Maya maya ay naramdaman ko nalang na may tumulong likido mula sa aking mga mata. Narinig ko ang mga takbuhan ng mga classmates ko at bigla silang napahinto. Nakarinig ako ng tili mula kay Xhiena at umiyak siya ng umiyak.
"Czach! Sorry! .." sabi nito at iyak lang siya nang iyak "Kung alam ko lang na papatayin ka nila edi sana kahapon pa lang ay nakipagbati na ako sayo!" napaluhod siya at niyakap ang bangkay ni Czach. Hindi niya ininda ang dugo nito.
"PAPATAYIN KO KUNG SINO ANG MAY KAGAGAWAN NITO!" sigaw ko at pinagsusuntok suntok ko ang pader ng maraming beses kaya naman ay inawat ako nila Zeke at Ashton. Maya maya ay nakarinig nanaman kami ng tili mula sa kwarto nila Kim at biglang lumabas si Kim mula rito at patakbong pumunta sa amin.
"S-si Annah .." utal na sabi nito habang halatang takot na takot "A-annah's dead." pagpapatuloy niyang sabi. Lahat kami ay nabigla sa sinabi niya. Hindi ito maaari! "S-sinaksak din siya sa puso .." dagdag pa nito habang umiiyak.
"Iisa lang ang pumatay kila Annah at Czach!" sabi naman ni Xenon. Maya maya ay biglang dumating si Mr. Roswell at pati rin siya ay nagulat ng bigla niyang nakita ang walang buhay na katawan ni Czach.
"What the fuck happened?" tanong nito. Kahit na ganon si Mr. Roswell, may pakialam pa rin naman siya sa amin.
"Czach was killed 5 hours ago." sagot ko at napatayo na lamang ako. Hindi na dapat ako magtiwala sa kanila. Alam kong anytime, pwede akong atakihin ng killer.
"Annah's dead too. Kim found the body of Annah inside their room a while ago." sabi naman ni Ashton.
"Ayoko na rito!" sigaw na sabi ni Ellen kaya naman ay napatakbo na ito papunta sa kanilang kwarto. Agad naman siyang sinundan ni Justin ngunit hindi nakapasok ang huli sa kwarto nila Ellen dahil agad nagsara ang pintuan nito.
"I want everyone to please calm down for now, please." utos ni Mr. Roswell sa amin.
"You want us to calm down? Mr. Roswell naman! Hindi kami makakakalma kung iilan sa amin ay mga killers! Na kung saan ay iniisa isa na nila kami!" sigaw ni Xenon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"Then don't trust anyone. Just trust yourself. Yun lang ang maipapayo ko sa inyo." sagot naman ni Mr. Roswell. Kahit na nasigawan na siya ni Xenon ay hindi pa rin siya nagalit. "Itago niyo muna ang bangkay nila sa may stock room." utos nito atsaka tumalikod at nagsimulang maglakad. Naiwan kami dun na nakatunganga at ni isa sa amin ay walang lakas na magsalita.
"Ano pang tinutunga-tunganga niyo diyan? Kilos!" utos naman sa amin ni Xenon at agad binuhat ang katawan ni Czach at nagsimula siyang maglakad. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ko napansin na buhat buhat na pala ni Zeke ang bangkay ni Annah.
----------------
VOTE & COMMENT.
BINABASA MO ANG
Judas' Kiss
Mystery / ThrillerCOMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016