| Zhena's POV |
Hindi ko pa nasisimulan ang pagsolve sa mga numerong nakalagay sa papel dahil kulang ako sa kagamitan. E sobra naman kasing makaluma ang gamit na kailangan ko! Hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko to masosolve kung ang kailangan kong gamit is yung dipindot na cellphone! Yung luma talaga as in! Urrrghh! Nakatunganga lang sa akin yung ale na kasama ko dahil siguro hindi niya pa rin alam kung paano ito isolve. Kinalikot ko naman ang cellphone niya at tiningnan ang settings ng keyboard at napangiti ako ng may nakita akong 3 x 4 doon at agad ko iyon tinap at sinimulan ang pagsolve sa mga numero.
"Ale, eto na masosolve ko na siya! Kailangan kasi ng cellphone na dipindot e pero nakita ko sa settings ng cellphone mo na may 3 x 4 keyboard ka kaya ayun hehehehe eto naa!" Masaya kong sabi sa kanya at nabuhayan naman ang kanyang loob at lumapit sa akin. "Ang mga numbers ay (2-1 5-3 3-2 9-2 4-3 7-4) (7-3 3-2 9-3 3-2 7-4). The first number before the dash indicates the number in where the letter is." Napahinto ako sa pagsasalita at napatingin sa ale at halatang di pa rin niya gets. "Okeh tatagalugin ko na nga. Pati rin ako hindi ko nagets yung sinabi ko. Yung unang number kasi nag-iindicate yun kung anong numero nakalagay yung letter. Halimbawa sa 2-1, pumunta ka sa number 2. Tapos ang pangalawang number naman ay nag-iindicate kung ilang beses mong pipindutin yun." mahaba kong pag-eexplain habang tinap ko ang isang beses ang number 2 at lumabas ang letter A. Sakto, ang initials ng first owner ng libro ay A.R. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtatap sa cellphone para makuha ang mga letra at ilang minuto ang lumipas ay nakuha ko rin. Narinig ko naman ang pagsalita nung ale kaya naman ay napatingin ako sa kanya.
"Sinasabi ko na nga ba. Siya ang pasimuno ng lahat ng to." Dama ko sa kanyang boses ang galit. Nakakatakot siya magalit. Napatingin ako sa pangalan na lumabas at binasa ko ito.
"Alexis Reyes? Sino po ba si Alexis Reyes?" Tanong ko sa kanya kaya naman ay napakunot siya ng noo habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo kilala yang hayop na yan? Sigurado ka ba diyan sa tanong mo?" pagtatakang tanong niya sa akin at napailing iling ako. Kung kilala ko man to edi sana hindi ako magtatanong ng ganon, diba? "Siya ang kapatid ni Joselito. Labis siyang nalungkot sa pagkamatay ng nag-iisang kapatid niya." Dagdag pa nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nalilinawagan kung ano ba talaga ang motibo ng mga top 10 students sa pagpatay sa guro nila years ago.
"Ale, may alam po ba kayo kung ano ba talaga ang motibo ng mga top 10 students noon sa pagpatay nila sa mismong guro nila?" Tanong ko. Gusto ko nang maliwanagan at malaman ang lahat lahat.
"Si Joselito ay naging mabait na guro sa kanyang klase at sa iba pang klase na kanyang tinuturuan ngunit ang pagiging mabait na guro nito ay sinasamantala ng kanyang mga estudyante lalo na ang mga top 10 niya. Kilala ang top 10 niya sa pagiging bully sa iba pa nilang classmates at humantong talaga sa punto na pati ang kanilang guro ay binubully na rin nila. Hindi lang ito pinapansin ni Joselito dahil mahaba ang kanyang pasensya atsaka pinapairal niya pa ang kanyang kaibaitan. Pero dumating ang isang araw na kinausap ko siya tungkol sa pangbubully ng mga ito sa kanya dahil umabot sa puntong nagkakaroon na ng mga sugat si Joselito mula sa mga batang iyon at nakumbinsi ko naman siya na huwag nang pahabain at pairalin pa ang kanyang pasensya at kabaitan kaya naman bilang ganti nito sa mga top 10 ay binagsak niya ang mga ito sa kanyang subject na Literature noong 3rd grading nila. And ayon, nung kuhaan ng card ay dismiyado ang mga top 10 sa kanya at kung ano anong mga masasakit na salita ang sinabi nila sa kanilang guro. Tapos dumating ang isang araw na nalaman ko nalang na nakita ng isang school guard ang bangkay niya sa likod ng main building ng eskwelahan na pinapasukan mo ngayon. Biruin mo, naki-lamay pa ang mga hayop na top 10 na yun sa pamilya nila ni Joselito. Mga walang hiya talaga sila!" Mahaba nitong paliwanag sa akin. Ngunit may isa pa rin akong katanungan.
"How did you know po na yung mga top 10 ang pumatay sa kanya?" Tanong ko at napangiti naman siya.
"Sabi ko na nga ba at itatanong mo yan. I was a detective and ako ang humawak sa kaso ng pagkamatay ni Joselito pati na rin ang asawa nito. Nahuli yung tatlo sa kanila while yung pito naman ay sila ang may gawa sa pagkamatay nung asawa niya." Napamangha naman ako sa nalaman ko kaya naman ay naging interesado ako sa mga susunod niyang sasabihin. "Nalaman ko na ang top 10 ang pumatay dahil may hidden message sa crime scene na hindi alam ng mga top 10. Diba sa likod ng main building ay dating lababo? Sa uluhan ni Joselito ay may palanggana na may lamang tubig at sa kaliwang bahagi ng palanggana ay may ballpen ni Joselito. Kung malawak talaga ang pag-iisip mo, madali mong makukuha ito." Sabi niya kaya naman ay napaisip ako. Drinawing ko sa sahig gamit ang index finger ko ang sinabi nung ale. Gamit ang aking imagination ay nagform ito ng number 10. Kaya naman ay nagets ko agad at sinabi ito sa kanya.
"Gets ko na! Diba ang palanggana ay may lamang tubig? At ang tubig na yun ay tap water! Tapos ang ballpen at palanggana ay nagform ng number 10. So ang magiging clue lang dun ay ang tap water and 10! At kung pagsasamahin mo ang mga words na yun ay magiging tap water 10, at dahil napansin ko na dapat alisin ang water ay ang magiging kalabasan ay tap 10!" masayang pagpapaliwanag ko. Masaya rin siyang nakatingin sa akin at nag-apir kami.
"Kaya hinayaan kitang isolve ang nasa papel kanina dahil alam kong may potensyal kang maging detective. Masaya ako para sayo!" Sabi nito sa akin at niyakap niya ako. Kaya pala ay parang wala siyang pakialam sa akin kanina habang nagsosolve ako. Kumuwala na siya sa pagkakayakap sa akin at magsasalita pa sana siya ng biglang may narinig kaming isang malakas na hiyaw. Bago kami lumabas ng storage room ay inabutan niya ako ng baril at inabot ko naman ito. Lumabas na kami at sinundan kung saan nagmumula ang hiyaw na yun. Nang medyo malapit na kami sa hiyaw na iyon ay nagtago kami at sumilip. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat nang makita ko si Giovanni na chini-chainsaw ni Czach. Napaluha na lamang ako at inalis ang tingin kay Giovanni. Hawak ko pa din ang cellphone nung ale at mag-dadial sana ako sa presinto ngunit pinigilan ako nung ale.
"Malapit na ang mga pulis." Bulong nito sa akin at pinakita niya sa akin ang earpiece niya. Napa-woaah naman ako ng mahina. Handa talaga ang ale na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Mamaya ko nalang tatanungin pagkatapos nito. Utang ko ang buhay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Judas' Kiss
Mystery / ThrillerCOMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016