| Samantha's POV |
Nandito ako ngayon sa dorm ng biglang may nagtext.
From: unknown number
"Meet me in the gymnasium. ASAP."
Bigla akong kinilabutan. Hindi to maganda. Kilala ko kung sino ang nagtext. Dapat ba akong sumunod? Think quickly Sam! Maya maya bigla nanamang nagvibrate cellphone ko.
From: Vanvan
"Hey Sam! Asan ka!? Call me asap!"
Huh? Anong nangyayari sa babaeng yun? Tsh. Matawagan nalang.
*calling Vanvan*
Agad sinagot ito ni Van. "Hello Sam! Asan ka?! Don't go outside! Antayin mo lang kami!"
"Ha? Bakit? Anong nangyayari?"
"Maya ko na explain diyan! Sige bye! *toot toot toot*"
Yung totoo, anong nangyayari? Maya maya biglang may kumatok sa pintuan. Agad ko itong binuksan.
"Mina! Zhena! Kayo pala!" bati ko
"Tinext ka rin ba ni Sir Guzman?" tanong sa akin ni Mina
"Ha? Oo, oo!"
"Tara, dali pumunta na tayo!" at hinatak niya ako palabas ng dorm
Habang tumatakbo kami napansin kong hindi kami papunta sa gymnasium kundi ito ay papunta sa Science lab.
"Mina, akala ko ba sa gymnasium ang kitaan?! Bakit tayo papunta sa Science lab?" tanong ko. Napahinto naman kami sa pagtakbo.
"Ha?! E science lab ang kitaan oh!" at pinakita niya sa akin ang text sa kanya ni Sir Guzman.
Oo nga! So kung hindi si Sir Guzman, sino ang nagtext sa akin?
| Giovanni's POV |
Agad kaming nakarating sa kwarto ni Sam at nadatnan nalang namin na nakabukas ang pintuan nito.
"Samantha!" sigaw ko at pumasok ako sa loob.
"Wala siya rito!" saad naman ni Czach
"Nasaan na siya?! Shit! Wala pa naman akong pantawag!"
"Malakas ang pakiramdam ko na hindi pa siya nakakalayo! Tara!" sabay hinatak ako ni Czach
Habang tumatakbo kami ay sigaw kami ng sigaw sa pangalan ni Sam. Hindi kami makakaistorbo dahil wala namang makakarinig sa amin. Bigla kaming nakarinig ng tilian banda sa papuntang Science lab. Nagkatinginan kami ni Czach at agad itong pinuntahan. Nasa malayo palang kami ay naaaninag ko na si Sam na nakasandal sa pader at sinasakal siya ng .. taong nakamaskara?! Nakita ko naman ang walang malay na katawan ni Mina sa sahig kaya naman ay agad ko siyang ginising ngunit laking gulat ko nang makahawak ako ng likido mula sa kanyang leeg at tiningnan ko ito .. dugo! Si Zhena naman ay nakatayo lang at halata sa kanya ang pagkagulat.
"Hoy! Anong ginagawa mo kay Sam?!" sigaw ni Czach kaya naman ay napatingin ang taong nakamaskara sa kanya. Nanginginig na ako sa takot.
"Ikaw pala Czach." bati ng isang pamilyar na boses sa likod ng kanyang maskara
"Anong ginagawa mo kay Sam?!" tanong ni Czach
"Hindi ba obvious? Siyempre sinasakal ko, tanga!" at hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakasakal nito sa kanya
"Bitiwan mo siya kung ayaw mong pangalanan ko kung sino ang mga kasama mo sa pagpatay!" utos ni Czach sa nakamaskara ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal
BINABASA MO ANG
Judas' Kiss
Mystery / ThrillerCOMPLETED | All Rights Reserved • Chapters • Started: April 03, 2016 Finished: April 21, 2016