Chapter 11: Vacation

40 5 0
                                    

Nice, Monday na! Yes, masaya ako na Monday na. Why? E kasi tuloy ang vacation namin! No evil teachers, no assignments, no stress, no lessons! Ang tagal naman ni Peter akala ko ba susunduin niya ako. Maya maya ay biglang may nagdoorbell. Nang binuksan ko, bumungad ang mukha niya sakin.

"You're late! It's already 7:32 am and ang sabi mo you will be here at 7:30!" sigaw ko sa kanya

"Grabe ka naman sakin Czach, 2 minutes late lang ako oh. Hard mo talaga." paglalambing ng boses niya

"Naaah, shut up! Tara na, pumunta na tayo sa school!" utos ko sa kanya.

-------------------

"Oh Czach you're already here!" salubong sa akin ni Xhiena "Oh, kasama mo pala si Peter .. Hi Peter hahaha!"

"Kayo nalang kaya ang inaantay alam niyo ba yun." sabat naman ni Kim

"E kasi tong si Peter e! 2 minutes late siya!" asar kong sabi

"Chill lang Czach, chill. Oh ayan na pala si Mr. Roswell!" sabi ni Ashton

"Omg Czach. Mr. Roswell is so hot! Look! Grabe omg I'm so kinikilig!" tiling mahina ni Xhiena habang kinukurot ako

"Uggh, stop that shit Xhiena!" sabay hampas ko sa kanya

"Ay sorry na. Hehehehe. Good Morning Mr. Roswell." bati ni Xhiena rito kaya naman ay napansin siya ni Mr. Roswell at nginitian

"Ihhhhhhh! Kita mo yun Czach! Omg!!" hahampasin sana ako ni Xhiena ngunit tiningnan ko siya ng masama kaya't sarili na lamang niya ang hinampas niya. Abnormal.

"Everybody here?" tanong ni Mr. Roswell kaya't napa-yes kaming lahat.

"Okay. Our destination is Subic and may private resort kami dun kaya do whatever you want there and please iwasan niyo sana ang mapahamak lalo na kung maliligo kayo sa dagat. Fall in line please." at sumakay na si sir sa bus para magattendance

"Boys muna tayo ..
1. Camores, Justin
2. Chan, Peter Adrian
3. Ford, Asher
4. Ford, Ashton
5. Pioneer, Denver Mark
6. Whelms, Hero
7. Yamamoto, Xenon Baron
8. Zikhan, Zeke" pagaannounce ni sir lahat "Nandito na ba? Pasok na kayo dito sa bus."

"Girls naman ..
1. Austria, Zhena Olivia
2. Berlin, Kim
3. Efron, Czach Midette
4. Khanmoko, Annah
5. Nami, Ellen
6. Ohms, Xhiena Augustine
7. Yap, Giovanni Kia" pagaannounce ni Mr. Roswell. "Okay, nandito na nga ang lahat, sakay na kayo girls."

Nang makasakay na kami ay pinilit ako ni Xhiena na tumabi sa kanya. No choice. Kaysa naman tumabi ako kay Peter.

"Gago! Ang pangit ng pangalan ni Zeke talaga. Zeke Zikhan!" pangaasar ni Ashton sabay tawa ng malala. Si Zeke naman ay napatawa nalang din dahil alam naman niya na inaasar lang siya nito

"E musta naman yung kay Annah! Hahahahaha! Annah Khanmoko! Hahahahaha!" sabi naman ni Asher sabay hagalpak ng tawa.

"Pakyu Asher!" sabay nagmiddle finger si Annah rito.

Etong kambal na to na si Asher and Ashton napagkamapang-asar. Hindi nalalayo ang ugali nila sa isa't isa. Pero ayang si Ashton mabait yan at hindi kagaya sa kapatid niya na basagulero at manyak. Hahahaha!

Puro asaran lang ang naririnig ko sa kanila habang bumyabyahe. Mabuti nga na kahit sa ganitong maikling oras ay nakakalimutan namin ang mga nangyayari sa mga classmates namin, na kahit na iilan sa amin ang killers ay hindi pa rin nawawala ang bonding namin sa isa't isa.

Napatingin ako kay Xhiena. Tulog na ang gaga. Pinikit ko ang aking mga mata at sinalpak sa aking mga tenga ang earphone at nakinig na lamang ng music mula sa cellphone ko. Mahaba haba pa ang byahe namin.

Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon